Ang PB Circus presentation ang aking favorite part nung party.
- Madame Edith: nagsimula ang presentation sa panghuhula ni Madame Edith kay Constancia. As expected, sobrang galing ni Madame. Walang script kaya hanep umadlib - kaya nalaglag na naman di lang si Tita Yet, pati na si Tito Jim at higit sa lahat si Lolo Tiyong. Cool din ang props, kumpleto with kubol at ang magic bolang crystal. Aba at si Lola Tiyang mega-emote din. Hiyawan din ang mga tao sa video, lalo na dun sa Bigatin at Love Hurts portion.
- After nito, kumanta naman si Julienne ng Oh My Mama. At bigla-biglang nag-change costume para sa Mama Yo Quiero (Chupeta) at nag-dance number
- Next performance naman ni Tita Edith bilang Big Spender. What do you expect, bigay na bigay na naman. Voice pa nya ang ginamit, pansin ninyo? Walang sinabi ang mga impersonators sa gay bars at comedy bars. Ang kakagulat ay ang kanyang 4 na ginintuang back-up dancers: Kriza, Aix, Geliene, at Tita Dang. Practice na practice maski na dun sa sumasampa sa silya. Very good!
- Si Tita Eyan naman ang Ariel the Little Mermaid, together with Pia as the bigger mermaid hahaha. Huwag nyo ng ipabasa sa kanya. Bale, Umbrella ang tugtog nila complete with choreography together with the Shokoys: Carlo, Deniel and Anton and the bubbles. Syempre ang galing ni Tita Eyan to compliment her very nice costume also.
- Next, lumabas na ang mga circus animals. First dance number palang panalo na. Si Kevin ang circus trainer at sobrang OK ang dance number nila. Ang mga monkeys ang sumunod. Dahil eto sila Unyoy, Rap at Carl sobrang galing ng Waka-Waka dance number nila. Si Camae and Kathleen naman ang sumunod bilang Sea Lion. Sobrang ikli ng portion nila - pero astig din. Masaya, sobrang OK din kasi ang costumes nila e. Si Christian naman ang lion na nagpatalon-talon sa hoop rings at muntik na ngang magkatumba-tumba. Si Ralph S, naman ang elephant na nag-ga-gapang sa sahig.
- Very good job, mga part ng animal circus! Very entertaining, colorful, at sobrang ganda ng costumes.
- Ang finale, ay ang doble kara presentation ni Tito One. Nagbalik si Aix at Kriza bilang back-up dancers. Eto ang presentation na wala ng ibang makakapag-bigay ng buhay sa PB kundi si Tito One. Talagang nilikha ang ganitong role para sa kaniya lang na sobrang husay din niyang ginampanan.
Mga 15 mins. tumakbo ang presentation. Entertaining, makulay, buhay-na-buhay, handang-handa ang mga presenters, dancers, singers. Magaling!
Bukod sa mga performers, maraming salamat kina:
Tita Edith para sa overall concept, costumes at music
Lolipot para sa mga magagara at makukulay na costumes
Unyoy para sa choreography
Tito Ido para sa video
Tita Eyan and sons para sa mga props
Aix and Kriza para sa sequencing at practice
Ralph S para sa music, music editing, live photography and coverage
at kay Lolipot, Lola Maam, Tita Ate, Tito Par and Tita Bhogs para sa food nung practice
1 comment:
natawa ko kay edet ng hindi panapasok ng guard , naka attire sya ng manghuhula sabi nya huhulaan kita pag di mo ko pinapasok , wala kang kabuhay buhay ! tama ba tito ido ? kaya agad madaling pinapasok sya ,ha ha ha
Post a Comment