Thursday, July 14, 2011

茶  is the Chinese symbol for Tea.  Nagkita kasi kami ni Karen, at 2 weeks ago nag-dinner din kami.  So syempre isa sa mga topics namin ay ang Tea, dahil nga sa work niya sa Serenitea.  Sa bago naming office kasi sa Libis, lagi kong nakikita ang habang pila sa store nila.  Naintriga nga ako to discover na talaga palang exclusive tea ang sine-serve nila.  I mean wala talaga silang tindang coffee doon.

OK lang sa akin ang tea.  I really am a cofee person.  Pero dahil sa impluwensiya ni Tita Che-Che umiinom din ako ng tsaa.  Nung asa Beijing nga kami - sobrang mura ng tea.  Pero ang coffee is rare kaya rin sobrang mahal dun.  34% of the world's tea is produced in China, next is India with 24%.  At ang mga Chinese din ang biggest consumer ng tsaa sa buong mundo.

Sabi ni Karen, madalas nga raw sobrang haba ng pila sa Serinitea (sa ATC).  Marami rin daw silang regular celebrity customers.  Dahil wala akong masyadong alam sa tea, tinanong ko si Karen kung ano ba ang OK.

Tea Recommended by Karen:
- Okinawa Milk Tea (isa daw sa best sellers nila), puwede nyo rin daw lagyan ng green tea bits at sago

At para naman sa mga katulad kong lactose intolerant
- Cranberry Tea with green tea bits

At para dun sa mga mahilig sa hot drinks puwede ang:
Freshly brewed Oolong Tea
Freshly brewed Black Tea (mas matapang).

Tama ba Karen? ano pa iba mong i-re-recommend?

2 comments:

che said...

Korek, sarap ng tea! Karen penge naman ng sample nyan!

Pero di ako sanay uminom ng tea na may gatas (si Karen, British style ang tea-drinking, tayo kuya chinese style...)

Tita Tetes said...

Dito din natuto ako uminom ng tea...kaya lang gusto ko din may cream! Kung plain tea kapag after or habang kumakain lang sa chinese resto...