Sabi ni Lola Maam bakit ba iPhone ang cinompute kong expectation e di naman wishlist yon. Sabi ko, kaya nga po, illustration lang mathematically. So para sa kapapanatag ng loob ng mga taga-Gapan. Eto pa ang isa pang expectation na computation:
Makakatanggap ba ng blouse (wishlist #6) si Tita Yet sa Sunday?
- kelangan ng socio-economic, at historical analysis ito
- Simulan natin sa magkano ba ang pinakamurang blouse, which is 99 pesos. Good
- Ibig sabihin ang buong PB may kakayanang magbigay nito.
Kaagad, puwede na nating sabihin na 100% chance na merong gift si Tita Yet na kahalaga ng blouse.
E kung blouse, exacto? Hmmm, e di computin natin
- Alam na nating 100% ng PB ang may kakayanang magbigay ng blouse.
- Kabaligtaran ng iPhone na may halagang 35,000++, mas affordable ang blouse, so i-re-reverse natin ang analysis. Kasi kelangan lang natin ng 1 tao na magbibigay ng blouse.
- Sa kasaysayan, ilang PB ang madalas nag-re-regalo ng blouse: palagay nating 8.
- Sa 8 na ito, ilan sa kanila ang malamang magregalo ng blouse: palagay nating 2
- Dahil dalawa, eto ang lumabas sa computations:
99.88% chance na may mag-re-regalo sa iyo ng Blouse, Tita Yet. So puwera na lang kung mapunit, amagin sa cabinet o mabutas, halos sigurado na meron kang blouse na gift sa Sunday. Matutupad ang wish #6 mo hehehe.
Gusto mo computin ko ang chance ng wish #1 mo? hehehe
No comments:
Post a Comment