Wow, just recently learned these:
Post-teen na artistang lalaki - kotse ay Jaguar. Nagkakahalaga ng 2.8 Million Pesos
Young actor na dating sikat - sasakyan ay nagkakahalaga ng 1.8 Million Pesos
Young star-search actress - 2 sasakyan: isang SUV na 2.2 Million at isang Luxury Car na 1.9 Million Pesos
Grabe naman. Ako lang ba o tingin nyo may mali dito? Mga bagong artista - di naman marunong umarte, di marunong sumayaw, di marunong kumanta. Pero sobrang yaman. Samantalang ang daming magagaling at masisipag na Pilipino na di makabili ng sasakyan, marami ngang di nakakakain ng regular.
Di naman ako against sa pag-aartista. Mahilig din akong manuod ng TV at mga pelikula. At hanga rin sa magagaling na artista, direktor at manunulat. Pero marami sa magagaling na artista di rin mayaman.
Baka meron tayo puwede gawin? Bawasan ang pagtangkilik ng mga palabas ng mga artistang ito. Huwag bumili ng produkto na ineendorso nila. Bawasan ang panonood ng mga pelikula nila, iyon na lang may kuwentang pelikula ang panoorin. Lalo na nung mga artistang kulang sa talent at may xeropthalmia.
Sana balang araw magkaroon ng hustisya sa kaperahan. Sana makabili ng sasakyang gusto nila ang mga teachers na nagtuturo ng 20+ na taon, ang mga negosyanteng may pagpapahalaga sa kalikasan, ang mga batang masisipag at matatalino, ang mga seaman na nagsasakripisyo at mga OFWs na tumutulong sa dollar flow ng bansa.
No comments:
Post a Comment