Monday, July 18, 2011

Magic

Di ba, request nga ni Tita Yet na merong mag-magic?  So di naman nag-inarte ang mga PB at seryoso talagang nag-magic.  Pagkatapos mag-dinner, inopen na ni Host Tita Edith ang programa.  At nagsisimula nga sa 1st batch ng mga magicians.


Host, Manghuhula, Big Spender extra-ordinaire Tita Edith


Ibang level ang mga magic kagabi ha, talagang nag-prepare ang mga magicians natin - with costumes at engrandeng props.


Tito Ayo - siya ang nagsimula ng mga magic. Bale worm exhibition ang ginawa niya. Astig naman, dahil tuwang-tuwa ang mga bata. Ang ikli nga e, bitin nga ang audience. Naintriga pa si sister, at nag-practice ding mag worm magic.




Head-waiter na magician pa.  San ka pa!



Tito Par - grabe naman ito costume palang dabest niya - talagang pinasadya na pang-magician. DaBest din ang props kumpletos rekados kung baga. Siguro mga 7 magic ang ginawa ni Par. Merong tali, dice, bola, baso - All in kung baga. Manghang-mangha si Tiyong.





Next si Tito Ido, first time ata niyang mag-magic sa PB. Bale mentalism ang ginawa niya - gumamit ng book nung unang magic. Tapos tinawag si Tita Yet para sa card, number and shape magic. Para na rin siyang nanalo dahil si RapRap, Unyoy, at lalo na si Miguel ang natulala.





Finale for this set is Tito Egay. Aba lalo na siyang prepared. Costume pa lang e mala-dracula na. Binigyan niya ng bagong buhay ang mga traditional na magic: gloves, baraha, magazine na bubuhusan ng tubig (nagiging softdrinks).







Check ko nga kung may nag-video nitong mga ito.   Kelangan mapanood ng mga PB abroad ito =).

2 comments:

che said...

haha ano naman ang worm exhibition, yo?

Oo nga sana may mag upload :)

ayo said...

haha, search mo sa net che, wacky worm