Showing posts with label Tita Yet's Golden Bday. Show all posts
Showing posts with label Tita Yet's Golden Bday. Show all posts

Wednesday, July 20, 2011

Best Dressed nung Circus Party

Ang daming nag-effort sa pag-costume nung Circus Party.  You can see it from the pics.  Pinili natin ang mga magagarang costumes at bagay sa circus theme o sa ginawa nila.  Iyong mga animals for example - OK ang costumes.  Iyong mga magicians - OK din ang costumes kasi nga magicians sila e (well hindi lahat, hahaha). 

Iyong mga mukhang mantel ng lamesa ang damit, o iyong mga pang-maling okasyon ang suot (pang-graduation, first communion, beergarden, oath-taking, fiesta, aattend ng royal wedding,   Huwag na tayong maglagay ng Worst Dressed List, wala namang nakapambahay at lahat nag-effort magbihis.  Maling effort lang ang iba. hehehe.


Honorable Mention


Actually, di dapat sya kasama rito, kaso among the PB Boys isipin nyo nga kung sino ang better-dressed than him? hahaha na-default pala.  Anyhow, effort din naman ang costume at props ng ating Best Dressed from Tito Jim's Rock Party na si Tito Egay so dito pa rin siya sa listahan.

mas maganda syempre ang front ng outfit ni Kacey.  Pero siga nga picture-an nyo nga siya.  hehehe




Ang ganda kasi ni Ashlie e, di ba?  So tingin ko maski mag-suot ng basahan itong batang ito e maganda talaga.  At maganda rin siyang magdala ng damit.  Teka kala ko kakanta siya habang nag-ma-magic si Tito Jim, anong nangyari?


Nakadagdag sa gara ng Circus presentation ang makulay na damit ng mga back-up dancers na sina Kriza, Aix, at Geliene.    At bagay na bagay sa kanila ang gold and black.


Dahil siya lang ang above 25 years old sa mga ginintuang back-up dancers, special mention ang mukhang batang si Tita Dang na cinarry ang pang bar girl na costume.


Puwede pala na ang damit ay maging cocktail dress at pang-circus at the same time.  Eto ang astig na outfit ni Kathleen.  Kung ang tayo niya ay kasing straight ng hair nya, puwede na sana siyang best-dressed.




Kung nung 50th bday ni Sr Vicky niya sinuot ito e wala siya sa listahan.  Pero since Circus Party ito, Top6 best dressed ang makulay na Mermaid costume ni Tita Eyan.  Imposible siyang maligaw sa suot niyang ito.


and for the first time in our best dressed list, we welcome Pia.  Game na sa performance, at game pa sa kanyang very cute na mermaid costume maski hirap na hirap siyang maglakad. 


AND TO OUR BEST DRESSED....

RUNNER-UP for BEST DRESSED MALE goes to

Tito Par.  feel na feel niya ang pagiging Magician with matching coat tails sa kanyang markana.  Isama nyo na rin dito ang sankaterbang mga props na dala nya nung nag-ma-magic sya.  First time ni Tito Par sa listahan.  Congratulations!


RUNNER-UP for BEST DRESSED FEMALE

Lagi naman sa listahan si Tita Ate.  Pero napakahirap kasing dalhin ng suot niya nung Circus Party - maroon, pink, blue with knee high socks - di ba parang kadiri.  Pero nabigyang buhay ni Tita Ate ang pagiging popcorn girl sa kanyang magarang costume.



BEST DRESSED MALE is...


IAN! 



 

BEST DRESSED FEMALE is..

TITA EDITH.  Hindi ito para dun sa mukhang senior citizen na bading na costume niya bilang Big Spender ha.  hehehe Para ito sa costume niya bilang manghuhula.   Ganda ng damit ni Madame Edith - samahan na siguro ng magandang kubol at sobrang galing na performance.  Kaya siya ang ating Best Dressed nung Circus Party. 

May angal?  hahaha



Kung feeling nyo ang ganda ng damit nyo at nagtataka kung bakit wala sa listahan, isipin nyo na lang na di ko kaya masyado nakita dahil nag-aalaga ako ng bata.  First time din na walang Soriano sa listahan - paano ang papangit talaga ng mga damit namin - puro recycle at losyang haha.  Maganda nga damit ni Chanel kaso pamasko naman di pang-circus.



Tuesday, July 19, 2011

Meron pang Pics from the Circus Party

Etong mga pictures ay galing kay Ralph aka Chucky at kay Camae.  Na masipag na nagkukuha ng picture buong gabi maski animal performers na at music editors pa.


Tita Yet habang nagbubukas ng gift.  Narinig ko lang ha:  halatang halata raw sa mukha ni Tita Yet pag ang git na binuksan ay nagustuahn nya o hindi hehehe.  di man lang mamlastic, dami kayang tao

The Magicians preparing for the 2nd set. (also known as bago mabuhusan ng tubig si Tiyong - akala ko napikon si Tiyong nung mabuhusan sya, medyo humulas kasi ang tina sa buhok nya e. pero ok naman pala dahil ok na sya nung nag-speech sya)


the Circus Performers.  Once again good job everybody!  Special mention to Pia and Anton, na first time nag-perform sa PB presentations.  Very good.



Si Lolipot ang humawan sa mga lamesa.  Kasi nga nung unang set-up e walang space para sa mga performers, so pinausog nya ang mga silya para may space sa gitna.


mga magagandang hayop


galing naman nila Chucky at Camae.  Kitang-kita sa camera ang magic ni Tito Jorge habang pinapa-levitate niya ang baso.  Walang daya, kita nyo ; ).   At tignan ang facial expression ni Tito Jorge - emote na emote. 


Golden girl with Magician and clown Tito Par.

Monday, July 18, 2011

More Pics from the CIrcus Party

all the pics are from Shiela.  Thanks Shiela, nagbigay na ng lechon photographer pa.

Tita Ate - sikat na sikat na popcorn lady


Tallman JayE with family...


...and fans.


Big Spender Performers with Golden Girl


Doble Kara performers


the Mermaids, and the Shokoys


the magicians


the animals


and of course Ditse was there were too.  Pagod daw siya, pero meron namang lechon so balik ang sigla.



Judy Ann

2 tables din ang mga bisita ni Tita Yet - classmates from HighSchool, galing Church at mga dating kasama sa trabaho sa Mead Johnson.  5 tables naman ang buong PB.

In between the magics and the presentations, hinigan ng speeches ang mga guests at mga taga-PB.  Nag-speech iyong pastor - at syempre magaling magsalita.  Sabi niya, ang magandang pamilya ang nagiging pundasyon ng magandang pamyanan.  at ang magandang pamayanan ang nagiging magandang mabansa.  In summary, lahat nagsisimula sa magandang pamilya. Ang ganda di ba?  Tapos nagpray-over siya.

Isa sa mga special guests ay si Sr. Vicky.  4 sa nakaraang 5 PB Golden parties ang na-aattendan niya.  So nag-e-effort talaga siyang makapunta.  Nag-speech din siya at nagsalita tungkol sa pag-iiba ng landas ni Tita Yet sa kanya =).  Pero binawi naman niya ito at nagsabi na OK lang yon ang mahalaga e masaya at matibay ang pananampalataya (parang ganunn ata hehehe).

Inferness ha, OK ang speech ni Tiyong maikli at kakatawa.  Sobrang nakakatawa iyong joke niya nung sinabi nyang si Tita Yet ang pinakamabait nyang anak.  Hahahaha.  Hahaha.  Hahaha.  Hahaha.  Halos magpagulong-gulong ako sa kakatawa.  Hahaha.  Hahaha.  Hahaha.

And of course si Tiyang na ang next nag-speech.  Pinasalamatan niya ang mga guests, si Lolipot na nagtahi ng mga damit at nagpakain sa mga nagpra-practice, kay Tita Edith na punong-abala at nagbigay ng ice cream, ang mga ka-PB na tumulong para sa party.  Nagpasalamat din siya sa mga 1G, sa mga 2G, at mga 3G na rin.  Kinuwento rin niya ang package na iPod na natanggap niya thru DHL na ayaw pa niyang tanggapin etc etc.  Naku, nalimutan ata ni Tiyang na di siya ang may bday =).

And finally, nag-speech na si Tita Yet.  Basically, inulit lang niya ang mga sinabi na ni Tiyang.  hahaha.  Nagpasalamat siya sa mga tumulong para matuloy ang bday party niya.  Sa mga dumalong kaibigan at kapitbahay.  Ang kakabilib pala kay Tita Yet, meron siyang Judy Ann Santos tendency.



9:43PM - masayang nagkukuwento tungkol sa party preparations


9:44PM - tuloy ang sigla na pagsasalaysay ng coordination for her party



9:45 - aba bigla-bigla naiyak na siya


9:46 - waterfest na po.  Nung nagkwento siya tungkol sa mga kapatid niya e naiyak na talaga siya ng tuluyan


9:47pm - eto at mega-emote na si Tita Yet ng tuluyan, at umiiyak sabay nagsasalita




Expectations - Ang mga resulta

Last week , cinompute natin ang expectations tungkol sa bday party ni Tita Yet.  Ngayong tapos na ang party, tignan nga natin kung tumama.

1)  Attendance
- Wish ni Tita Yet na 100% ng PB ang mga makapunta.  Kaso never naman talaga tayong nakukumpleto
- Cinompute natin na 96% ang attendance.  Ang lumabas, 94% ang attendance.  Malapit na rin pala. 
- Bale 4 po ang di nakapunta.  Dahil sa trabaho iyong 2.  Iyong 2 naman e...paano ba sabihin... sulatan niyo na lang ako kung gusto niyong malaman kung bakit hehehe.  Para naman kayong bago, pag di kayo pumunta ng PB gathering, e di siyempre papag-usapan kayo!  hahaha

2) Gift na iPad
-  Tumpak 0% talaga, walang nagbigay ng iPad. Sabagay di naman niya wishlist yon, example lang.

3) Gift na Blouse
- Tumpak ulit, 100% chance na may gift na blouse.  At meron nga lagpas pa sa isa.

Sabi ni Tita Yet kagabi, 6 daw sa wish list nga ang natupad.  Sayang di natin cinompute ito last week .  Sabi rin ni Tita Yet, 7 raw ang nagbigay ng wish list #1 nya.  Wow!  Naalala nyo ang wish list #1 nya?  =).  Eto po ang cash!  So congrats Tita Yet, 7x palang natupad ang una mong wish.  Kaso since brinodcast mo, baka nawalang gana ng magbigay ng iba ng wish #1 mo hehehe. 

Bukod kasi sa Cash gifts, meron din siyang natanggap na Watch, Gift Certificates, Blouse nga, Desk Top nga galing sa California, iPod galing kay Tita Che-Che from Singapore.  Meron din siyang towel, at marami pang gifts.  Paano namin nalaman?  Aba siyempre nagrequest pa siyang buksan ang mga regalo niya after the party dun sa venue!  hahaha.

7 din ang nagbigay sa kanya ng wish #9.  Eto yung mga nag-magic.

At 41 nga na PB ang nagpaunlak ng wish #10 niya.  Kasama pa ang mga 20 na friends, and neighbors na guests din niya. 

Since ang una nyang binuksang gift ay, 8 sa 10 wishlist niya ay natupad.  Very nice for Tita Yet.  Pero tama lang na hindi matupad lahat ng wishes mo, kasi iyong mga wishes na lahat natutupad alam mo na ang nangyayari - kunukuryente sa upuan!

Magic Part 2

After nung Circus Presentation, sinalang naman ang 2nd set ng PB Magicians.

- Nauna si Tito Jorge with assistant Tita Helen.  Pero kakaibang magic ito.  Isa itong show on its on.  Parang pelikula ang dating - love story na musical na merong dancing at magic, parang Regal Films kung baga.  Nagpalutang siya ng baso, nag-Michael Jackson, nag ballroom dancing, nagpalabas ng bulaklak mula sa paper bag, nagpalabas ng goldfish.  Wow talaga, imaginin nyo na lang with the trademark Tito Jorge showmanship.  Whatta magic.

- Nagbalik naman si Tito Egay para sa kanyang ikalawang magic ka kagimbal-gimbal, this time kasama niya ang assistant Tita Dang, with matching big box and small boxes.  Bale pinaikot niya ang ulo ni Tita Dang ng 360 degrees!  Astig talaga.  At eto pa, kaya niya rin gawing blonde ang buhok ng assitant!  Ikaw na Tito Egay, da best ka!

- Third magician is Tito Jim.  Nagpalutang siya ng cards, nagbalance ng baso sa isang baraha... at binuhusan ng tubig si Tiyong hahaha.  Napasobrahan ata ang lagay niyang tubig sa balde.  Nagpa-andar din siya ng video para ipalabas ang magic ni Evot, Charisse at JC.   At lumabas ang kanilang gift na desktop computer.  Labis itong kinatuwa ni Tita Yet, na nagmaang-maangan na di pa nya alam ang gift. 

So total ng 7 kakaiba at level-up na magic mula sa mga PB magicians.  Next time pag namagic sila puwede ng maningil ng bayad.

PB Circus Presentation

Naku ang problema ay baka walang pictures nung presentation - paano ang photographers natin kasama sa presentations =(.  Pero meron tayong post-presentation pics, hintayin na lang natin.

Ang PB Circus presentation ang aking favorite part nung party. 

- Madame Edith:  nagsimula ang presentation sa panghuhula ni Madame Edith kay Constancia.  As expected, sobrang galing ni Madame.  Walang script kaya hanep umadlib - kaya nalaglag na naman di lang si Tita Yet, pati na si Tito Jim at higit sa lahat si Lolo Tiyong.  Cool din ang props, kumpleto with kubol at ang magic bolang crystal.  Aba at si Lola Tiyang mega-emote din.  Hiyawan din ang mga tao sa video, lalo na dun sa Bigatin at Love Hurts portion.





- After nito, kumanta naman si Julienne ng Oh My Mama. At bigla-biglang nag-change costume para sa Mama Yo Quiero (Chupeta) at nag-dance number





- Next performance naman ni Tita Edith bilang Big Spender. What do you expect, bigay na bigay na naman. Voice pa nya ang ginamit, pansin ninyo? Walang sinabi ang mga impersonators sa gay bars at comedy bars. Ang kakagulat ay ang kanyang 4 na ginintuang back-up dancers: Kriza, Aix, Geliene, at Tita Dang. Practice na practice maski na dun sa sumasampa sa silya. Very good!






- Si Tita Eyan naman ang Ariel the Little Mermaid, together with Pia as the bigger mermaid hahaha. Huwag nyo ng ipabasa sa kanya. Bale, Umbrella ang tugtog nila complete with choreography together with the Shokoys: Carlo, Deniel and Anton and the bubbles. Syempre ang galing ni Tita Eyan to compliment her very nice costume also.


 




- Next, lumabas na ang mga circus animals. First dance number palang panalo na. Si Kevin ang circus trainer at sobrang OK ang dance number nila. Ang mga monkeys ang sumunod. Dahil eto sila Unyoy, Rap at Carl sobrang galing ng Waka-Waka dance number nila. Si Camae and Kathleen naman ang sumunod bilang Sea Lion. Sobrang ikli ng portion nila - pero astig din. Masaya, sobrang OK din kasi ang costumes nila e. Si Christian naman ang lion na nagpatalon-talon sa hoop rings at muntik na ngang magkatumba-tumba. Si Ralph S, naman ang elephant na nag-ga-gapang sa sahig.



- Very good job, mga part ng animal circus! Very entertaining, colorful, at sobrang ganda ng costumes.






- Ang finale, ay ang doble kara presentation ni Tito One. Nagbalik si Aix at Kriza bilang back-up dancers. Eto ang presentation na wala ng ibang makakapag-bigay ng buhay sa PB kundi si Tito One. Talagang nilikha ang ganitong role para sa kaniya lang na sobrang husay din niyang ginampanan.


 


Mga 15 mins. tumakbo ang presentation.  Entertaining, makulay, buhay-na-buhay, handang-handa ang mga presenters, dancers, singers.   Magaling!

Bukod sa mga performers, maraming salamat kina:
Tita Edith para sa overall concept, costumes at music
Lolipot para sa mga magagara at makukulay na costumes
Unyoy para sa choreography
Tito Ido para sa video
Tita Eyan and sons para sa mga props
Aix and Kriza para sa sequencing at practice
Ralph S para sa music, music editing, live photography and coverage
at kay Lolipot, Lola Maam, Tita Ate, Tito Par and Tita Bhogs para sa food nung practice

Magic

Di ba, request nga ni Tita Yet na merong mag-magic?  So di naman nag-inarte ang mga PB at seryoso talagang nag-magic.  Pagkatapos mag-dinner, inopen na ni Host Tita Edith ang programa.  At nagsisimula nga sa 1st batch ng mga magicians.


Host, Manghuhula, Big Spender extra-ordinaire Tita Edith


Ibang level ang mga magic kagabi ha, talagang nag-prepare ang mga magicians natin - with costumes at engrandeng props.


Tito Ayo - siya ang nagsimula ng mga magic. Bale worm exhibition ang ginawa niya. Astig naman, dahil tuwang-tuwa ang mga bata. Ang ikli nga e, bitin nga ang audience. Naintriga pa si sister, at nag-practice ding mag worm magic.




Head-waiter na magician pa.  San ka pa!



Tito Par - grabe naman ito costume palang dabest niya - talagang pinasadya na pang-magician. DaBest din ang props kumpletos rekados kung baga. Siguro mga 7 magic ang ginawa ni Par. Merong tali, dice, bola, baso - All in kung baga. Manghang-mangha si Tiyong.





Next si Tito Ido, first time ata niyang mag-magic sa PB. Bale mentalism ang ginawa niya - gumamit ng book nung unang magic. Tapos tinawag si Tita Yet para sa card, number and shape magic. Para na rin siyang nanalo dahil si RapRap, Unyoy, at lalo na si Miguel ang natulala.





Finale for this set is Tito Egay. Aba lalo na siyang prepared. Costume pa lang e mala-dracula na. Binigyan niya ng bagong buhay ang mga traditional na magic: gloves, baraha, magazine na bubuhusan ng tubig (nagiging softdrinks).







Check ko nga kung may nag-video nitong mga ito.   Kelangan mapanood ng mga PB abroad ito =).