Tuesday, July 13, 2010

Finally: Max's Chicken All You Can

4 days before the last day, naka Chicken All-You-Can kami kanina.  Totoo talagang 165P for Chicken all-you-can.  Alam nyo naman sa Max's walang Service Charge so Tax lang ang additional charge. 

Amazingly nakakain ako ng 4!  Meaning isang buong manok.  Si Ayo din, 4, isang buong chicken din.  Galing di ba, may sakit pa yan.  Si Lola Maam, nakakain ng 2.  Good Job din.  Obviously na-miss namin si Tita Che-Che.  Kasi we know she can challenge the record =).  At pag kasama siya, mas makaka-kain kami ng mas marami.

Nawalan kami ni Ayo nung tinanong namin ang record.  Ang sagot:  4 na buong manok!  Pambihira.  So 16 quarter pieces.  Sabi nung taga-Max's, payatot nga raw ang mama na naka-16 quarters.  Amazing for him.

Max's service is always very good.  Pag malapit ka ng matapos sa chicken mo, tatanong ka nila kung gusto mo ng isa pa.  Marami silang iaalok sa iyo - drinks, soup, salad, dessert.  Pero kung ayaw mo, OK lang wala silang masamang mukha na bibigay sa iyo.

Unfortunately, hanggang July 17 na lang ang Max's Chicken All You Can.  So 5 days to go.  Gusto ko sanang ilibre ang mga PB na makakain ng 5 quarter-chicken.  Hmmm, pero kelan?  Gusto nyo sa 17?  bago magpunta sa bday ni Tito Jim?  hahahaha.

Anyway, Max's Chicken All-You-Can is highly recommended.  And if you happen to be in the South(South of Alabang) and wanted to try - text me.  If you can eat 5, lilibre ko kayo =).

8 comments:

Evot said...

I can eat 3 whole chicken kasi un ung record ko nung ng chicken all you can ang kenny rogers dati... Sayang wala kami dyan sa pinas at makakalibre sana ako ng max chicken all you can...hehehe

Darwin's Theory said...

pathetic nga ang 4 na pieces ano? haha. next time (if there will be), i will shoot for 6. i know di ko na kaya ang 10 =).

evot, mas gusto mo ba ang maxs o kenny?

evot said...

mas gusto ko ang kenny kasi madaming flavor na pwedeng pagpilian pero kung fried lang eh maxs ako...

tetes said...

sayang ako din kaya ko yata ang 5-6 quarter ng chiken...plus miss ko na rin ung Max's chicken. Buti na lang tito ido, wala ako dyan kundi nailibre mo sana ako...next time na lang.

ido said...

tita tetes, naalala ko si Alex, di ba mahilig sa chicken yun. hehe. sayang ang layo ng Malabon. break namin sana ang record.

che said...

Hanggang kelan tong promo kuya? Kayang kaya ko yata ang 5 :-) sarap to the bones... libre mo ko paguwi ko!

Darwin's Theory said...

last day na sa saturday e. tara! saturday, kain muna tayo bago punta sa bday kuya jim hehe.

ayo said...

kaya ko pa sana pang 5 kaso medyo nawalan kami ng gana nung sabihin na 16 ang record. ni wala pa sa kalahate ng record eh corny!