Wednesday, July 7, 2010

Wanna Buy Watch?

Di nga ako nag-re-relo.  Di ba tumira ko ng Southern California dati - near Venice beach.  So mga tao dun sobrang relax.  Sabi nila sa akin, di raw sila nag-re-relo dahil ayaw nilang maging "slave of time".  Nice concept di ba, so benta naman sa akin yon.  Since 1994, di na ko nag-relo.  Buti nga may cellphone naman, so ayos lang.

Buti na lang din at di ako mahilig sa relo, puwedeng magastos kasi.  Lalo na sa mga maaarte.  Kung maarte kayo, eto ang mga relo na puwede ninyong ambisyunin.

1) Baume & Mercier Flying Tourbillion
$ 75,000 (or 3,4 Million Pesos)


(Ang pogi!)

2) Panerai Equation of Time

Eto ang latest "in" brand ng mga watch lovers.  Mabibili nyo sya sa halagang $195,000 or 9Million Pesos





3)  IWC Grand Constellation
This is the Louis Vuittion of watches.  This particular watch costs $318,000 or 14Million Pesos.




4)  Patek Philippe Skymoon
Sabi nila, pag meron kang Patek, para ka raw nag-invest para sa buong lahi ninyo.  Which could be true, kasi etong Skymoon Model ay $1,091,000.  Or 47Million Pesos.





5) Franck Muller Aeternitas

Si Franck Muller ang nag-design ng relo na hindi sunud-sunod ang numbers na mukha ng relo.  So tumatalon-talon ang hour hand.  Example.  Iyong 1 asa kanan, iyong 2 asa kaliwa.  Astig di ba.

Pero etong Aternitas ay sobrang astig din.  It is $2.7Million or 125 Million Pesos.





6)  And, 2009-2010's most expensive New Watch

Piaget's Diamond watch.  3.3 Million Dollars or 152 Million Pesos.  Parang kakahinayang naman isuot ito.



OK.  Ipon na tayo ha.

No comments: