Friday, July 23, 2010

Bully. Ano ba ang Tama?

May kaopisina ako at kabarkada (itago na lang natin siya sa pangalang Andrew Uy).  Meron silang anak ng asawa niya na asa San Agustin, bale 8 years old Grade 2.  Ang pangalan ay Stephen.

Ang problema, lagi na lang binu-bully sa school si Stephen.  Well, una dahil sa pangalan, lagi siyang tinutukso ng classmates na Penoy...Penoy.  Kasi naman bakit nga naman papangalanan ng Stephen kung ang apelyido ay Uy.  Anyway, ilang beses ng pina-pa-principal's office ang mga classmates ni Stephen.  Parang 4 times na ata.  Pero di pa rin tumitigil ang panunukso ng classmates.  Everytime ma-pri-principal's office ang classmates, lalong lumalakas ang pang-bu-bully ng classmates.

Ang sabi ko kay Andrew, tuturuan ko ang anak niyang si Stephen ng mga pangontrang alaska sa mga classmates niya, hiningi ko nga lahat ng pangalan ng classmates niya para makaganti.  Pero ayaw nila, talagang mabait na bata raw si Stephen.  At totoo naman.

Pero ewan kung kelan matatapos ito. 

Pag may nang-bu-bully sa anak mo, talaga bang Principal's office ang solution?
Masama bang turuan ang bata ng pang-kontra asar?

Ang sabi ko kasi, di puwedeng pagalitan lahat ng nanunukso sa bata.  Kasi nga kasalanan nila ang pagpapangalan sa bata.  So posibleng habang buhay e tinutukso siya ng classmates at kaibigan.  Sabi ko, dapat turuan niya si Stephen na maging matatag at stand his ground sa mga tumutukso.  Para maski ilan pa tumukso sa kanya, alam nya gagawin.

Pero malay ko ba,  kung ano ang tama o hindi sa sitwasyong ito.

No comments: