Monday, July 5, 2010

BF GF

Merong nagsasabi na ang mga kabataan ngayon ay pabata na ng pabata, bago magka-bata (BF/GF).  Kasi nga nung unang panaho sobrang strikto ng mga magulang.  Bawal mag -BF/GF hanggang di pa graduate o wala pang trabaho.

Pero not sure kung gaano katotoo ito.  Syempre meron pa rin ngayon na sobrang bata magka-relationship, pero meron din naman yung mga ang tatanda na wala pa rin.  Pag ina-analyze ang PB, wala ring pattern e.  Merong mga 3G na medyo bata nagka-bf/gf.  Meron din namang 3G na ang tanda na wala pa rin (ex. Kriza, sabi nya wala siya BF).  Walang masama, ang ibig sabihin lang ay ang pag-BF/GF ay wala sa generation.  Nasa sa tao ata.


Tignan nga natin ang mga 3G

Kevin - may GF
Karen - may BF
Aix - walang BF (hay naku, eto ang press release nya)
Kriza - walang BF
Camae - may BF
Ia - walang BF
Dianne - may ka-MU, pero walang BF (tama ba D?)
Carlo - may GF
Unyoy - hmmm di ko sure kung meron pa
RapRap - meron
JOshua - di ko alam.  Meron ba Tito Jim?
Miguel - may GF
 (wag nating isama ang grade school please at iyong ibang 1st year HS)

Ang tanong, kelan naman kaya unang nag-ka-BF/GF ang mga 2G?  Hmm, parang masaya ito a.  Hulaan nga natin.  Hula ko lang ito a, saka nyo na lang ako patayin after Tito Jimmy's party, dahil kakanta pa ko dunjeje

Tita Ate - 27 yrs old
Tito Jim - 14
Tito Par - 17
Tito Egay - 17
Tito Boyet - 14
Tita Edith - 18
Tito Jorge - 15
Sr. VIcky - NSB (none since birth)
Tita Tetes - 17
Tita Eyan - 16
Tita Yet - 19
Tito Ido - 18
Tito Ayo - 14
Tita Che-Che - 17
Tito One - 11

(parang ayokong hulaan ang mga PB 2G in-laws, dahil so far maayos ang samahan namin, sana umamin na lang sila)
(paki-correct nyo ha hehehe)

5 comments:

tito jim said...

walang GF pero may nagkakagusto ,kasi choosy

tito jim said...

si joshua ang sinasabi ko

yet said...

mali ang hula mo sa akin...later pa.di ako ligawin.payatot...ngetpa.

yaya ni ayo said...

mali ka din kay ayo, anong 14 too late na un ang alam ko prep p lang cla na ni jane he he!

Peace Siony!

classm8 ni one nung grade 6 said...

akala ko ako ang unang GF ni one!