Wednesday, July 21, 2010

Jokes from Comedy Bar

Mga 10 din ang nag-joke nung Comedy Bar last Saturday.  Meron pa ngang non-PB guest si Tito Jim na nag-joke.  Eto ang mga ibang jokes,

FROM DIANNE

sina juan, jose at pedro ay nakapatay ng tao, at pinag hahanap sila ng mga pulis at sundalo. nkita sila na nagtago sa tambakan ng kamote.. nag puntahan ang mga pulis at sundalo doon..

pulis 1: nasaan n kaya yung mga yun??

sundalo 1: nand2 lng yung mga yun.. hanapin ntn..

(sinipa ang sako 1)

juan: meow, meow, meow, meow,

pulis 1: pusa lng pala..

(sinipa ang sako 2)

jose: aw, aw, aw

sundalo 1: aso lng pala..

(sinipa ang sako 3)

wlang reaksyon..

(sinipa ult ang sako 3)

wla ult reaksyon..

(sinipa ng sinipa ang sako 3)

pedro: pambihira naman,, kamote ako,, wla akong sound..bobo nyo nmn,,



FROM TITO AYO

Nagbubungkal ng lupa si Tiyong para magtanim.  Nakita siya ni Jimmy na ang akala ay nagloloko sya.


Jimmy:  Tay, wala naman kayong tinatamin ah!

ERAP: SEEDLESS 'to!!!
 
FROM TITA EDITH(laseng), DIANNE(matabang babae), CARLA(narrator) and CARL(aso)
 
may isang matabang babae nag lalakad sila ng pet nyang dog...may nakasalubong silang laseng

Laseng:: hoy baboy!! umalis k nga sa harapan ko..!

Matabang babae: Hoy Mister Hindi ito baboy Aso yan

Laseng: hoy di ikaw ang kausap ko ung aso!!


TITO ONE
(parang ganito, pero di exacto)

Kumpare 1: Pare may tanong ako sa iyo. Alin dito sa tinggin mo ang mas maraming isinasakay na tao sa sasakyan. Jeep ba O Ambulansya?

Kumpare 2: Pare naman pinagloloko mo ata ako, Eh and dali naman ng tanong mo...Kahit bata eh, na sasagot yan...Eh di Jeep!

Kumpare 1: Mali ka pare! Ambulansya ang sagot...

Kumpare 2: Paano nangyari yun? Aber!!!

Kumpare 1: Ang jeep di ba sampuan lang o kaya dose ang nakakasakay di ba? Eh ang Ambulansya 50/50 ang sumasakay dun.


FROM TITO EGAY

 
Eksena: Batang bumibili sa isang tindahan.


Bata: Ale, pabili pong ubas!

Ale: Wala kaming ubas.

Sa susunod na araw.

Bata: Pabili pong ubas!

Ale: Wala nga kaming ubas!

Sa susunod na araw.

Bata: Pabili pong ubas!

Ale: *galit* Wala nga kaming ubas! Sa susunod na magtatanong ka pa niyan dito, i-is-stapler-in ko yang bibig mo!!

Bata:  Ah sige po, pagbilan na lang ng stapler

2 comments:

Unknown said...

Tito Ido, huwag mo nang ikwento yung joke ko at baka minus 5 pa tayo sa taas.

_ _ na, mintis ata ang joke ko, konti ang natawa nung birthday ni jim! je je je


Ingat!

ayo said...

nakakatawa naman ah =)

lalo na to! je je je