Sunday, July 18, 2010

Rock Memories

So many good memories from Tito Jim's 50th Rock Party.  Parang ang dami namang highlight nitong party na ito.  At sigurado, iba-iba tayo ng mga naalala dahil nga ang daming special moments.  Pero eto ang mga mahirap kalimutan.

1)  Tita Edith performs again.  Paano makakalimutan ang performances na ito.  Pag napanood mo ito live - sisiksik ito sa bawat ng ugat ng utak mo, at hinding-hindi mo makakalimutan.  Amazing to see Tita Edith perform again, solo.  Parang ang tagal na ata nung last.   Parehas na Bonggahan at Nosi Balasi - magbibigay ng pag-asa sa mga nawawalan ng direksyon sa buhay haha at puwedeng pagpagaling ng mga may sakit.  Simply Amazing..  Walang kupas at walang kapantay. 

2) Jokes.  On paper, parang gasgas na ito lalo na sa PB, lagi na natin ito ginagawa.  Kaso, the jokes and the delivery gets better everytime.  Special kudos to Dianne dahil una siya nag-joke at kay Tito Egay for warming up with the jokes as the host.  Mahirap ako pumili ng best jokes, kasi mababaw kaligayahan ko.  Eto lang masasabi ko: madami sa mga jokes sobrang luma na (gosh!), pero dahil magaling mag-deliver ng jokes ang PB, parang laging bago.  Pangalawa, subukan ninyong isipin ang  mga jokes - ang corny kaya ng marami dun! hahaha, pero with the right PB timing and delivery nagiging nakakatawa.  Mahusay!

3) 1G.   Aba at dalawang kanta pa sila.  Nagustuhan natin na bigay na bigay sila mag-perform.  Maayos.  Naisingit nila ang greetings at speeches sa kanilang performance.  Hindi boring, at parang maikli pa nga.  At iyon na nga, di puro talkies/speech unlike their last performances.  Puwede natin tawagin itong Respectable Rock.  Nicely done.   

4) 2G performers.  Ganda kasi ng concept ng 2G performance.  Nabigyan ng moment to shine ang marami.  What we liked most - consistent high-level ang performances.  So, exciting to see yung susunod na performances, one after the other.   Need to mention Tita Bhogs's performance - eto ata ang kanyang first solo performance in the history of PB. 

5) 3G costumes.  Kelangan nyo sila makita.  Syempre iba-iba sila ng porma, pero sobrang gandang tignan sama-sama.  Parang mga batang rakista - pero mga Rakistang Sosyal ha.  I already gave them the feedback about their performance =), but that's a different topic.  Iyon nga really nice to see them together, with all those teenage rock angst expressed in costumes. 

6)  The food was actually good.  Sabi ni Lola Maam, mainit daw kasi ang pagkain at talagang mukhang kaluluto lang.  I agree.  Actuallly yung ibang food kasi - hindi visually appealing.  Yun bang hindi mukhang masarap.  Ang importante, masarap.  Lalo na iyong "gulay" - di nagtipid sa itlog ng pugo at hipon.  The lechon was also good.  OK din nga pala ang mushrooms in mushroom gravy sauce.

7) Tito Jim.  Grabe palang mag-birthday si Tito Jim, feel na feel nya ang birthday niya ano!  Ramdam na ramdam nya ang pagiging host at celebrant - with matching photos with the guests, socializing with the band etc.  Sayang di siya naiyak.  Dapat talaga pina-high blood ko pa siya ng konti sa mga hirit sa blog hehe.

ang dami pa pala puwede ilista dito.  Pero eto na lang muna.  Kayo naman ha?

2 comments:

tito jim said...

bilib na bilib ako talaga sa PB, 1st gen ,2nd gen , 3rd gen at 4th gen. lahat ang gagaling , unexpected talaga ang program , nasunod talaga lahat ang dapat mangyari , kahit umuulan tuloy pa rin ang party , ang ganda din ng pag papalabas sa projector ,ang daming picture na don ko pa lang nakita , ok lahat ang naging message sa palabas , ok ang nag arrage ng theme sa palabas sa video ,sobra ang binigay nyong kasiyahan sa party , marami maraming salamat , asahan nyo makaka bawi din ako sa inyo sa mga ibingay nyo , in term of performance , lafter , your attendance ,sa mga sacrifices and specialy ,financialy ...ok ka rin andrei di mo kami pinahiya

Unknown said...

Ang galing talaga ni Sampaguita, pag-uwi ko nga habang nagdridrive na LSS pa ko ng Nosi Balasi!

Very good- 5 Star, perfect!