Friday, July 30, 2010

Luha and Iyak Tracker

Puwedeng costume, pagkain o program.  Pero meron pang isang bagay na inaabangan sa isang PB gathering.  Iyan ay kung iiyak ba ang may party o meron bang ibang iiyak.  Let's look ha

Ditse's 75th Bday
happened almost a decade ago.  Surprise party kasi ito with a very cool concept for the program.

Verdict:  Cry, Cry, Cry (75x) si Ditse

Nanay's 75th Bday
Kelan lang ito.  Again, another surprise party.  Ewan nga ba kung bakit pa sila na-su-surprise e lagi naman silang may party.  haha.  Siguro dahil nga si Popoy ang surprise nito (although...huwag ko ng ituloy baka maibalik ko pa ang intriga), so very touching.

Verdict:  Cry me a River si Nanay

Tita Ate's 50th Bday
Buti di ako pumusta, dahil tataya ako ng 500 na iiyak si Ate - pero hindi po siya umiyak.  Ni hindi man lang siya naluha. Bakit kaya, ano?  Dahil ba siya ang gumastos sa sarili niyang party?  O dahil, di masyado kagandahan ang mga prsentations lalo na ang sa 2G (na Champoy).  har har har.

Verdict:  No More Tears for Tita Ate

Evot and Charisse's Wedding
90% chance na may iiyak sa wedding.  Pero aside from muntik ng maiyak si Tita Vangie, e wala talaga.  Sabagay, iiyakan mo ba si Evot?  hahaha.  Sorry Evot,j/k.

Verdict:  Dry Eyes.

Par's 50th Bday
Dito ako nagulat.  At di ko talaga inakala maski sa panaganip.  Pero di lang naluha si Par, naiyak talaga.   At iyong iyak na 'touching' and sincere ha di yung iyak nung mga batang kulang lang sa pansin.  Anyway, ano nga ba sinasabi ko?  Ah OK.  Bakit nga kaya siya naiyak nun?  Dahil ba feel na feel nya ang kanyang birthday at umaga pa lang e naka-barong na siya.  O baka na-touch nga siya sa mga presentations at sa speeches.

Verdict:  May I cry si Par.

Evot's Despedida Party
Tumpak.  Talagang naiyak si Tita Vangie, at di na nakapagsalita.  Sabagay nakakaiyak talaga siguro yun. 

Verdict:  Crying Lady si Tita Vangie

Tito Jim's Rock Party
Stone. Rock. Bato.  Sobrang ganda na nga ng mga presentations, di man lang siya naiyak.  Siguro ay aka-quota nga talaga si Tito Jim nung araw na yon, kaya di mo sya mapapaiyak.

Verdict:  Rocker's don't cry

Ngayong August, lang meron ng 3 occassions.  So hula nyo iiyak ba sila Tito Ayo, Lolipot, or si MM? 

4 comments:

tetes said...

intriga nung birthday ng nanay, merong ganun...di ko yata alam un ah???!!! pwede ba ma-share sa akin , tito ido???

Charisse said...

Umiyak po si mama vangie nung wedding. Nung dinala po ako ni evot sa kanya bago kami pumunta ni evot sa altar together. Kaya meron pong crying moment nung wedding..hehe..

tito jim said...

ako rin medyo naiyak , may nakapuna nga nong wedding ni evot

tito jim said...

ewan ko ba kung ano reason baket ako medyo naiyak nong wedding na yon ? ano kaya ido ?