Medyo kontrobersyal na post ito. Kasi sa PB everybody happy and just gets along. Walang confrontational maliban ata sa akin ... at sa iilan. 2 days after the 50th Bday, medyo di ako kumportable to just shut up, and not say anything. Sabagay, kelan ba naman ako nag-shut-up.
Napagsabihan ko ang ibang 3G after their presentation. It was OK, pero I thought they could do a lot better. Pinuri ko rin naman iyong mga halos madapa na sa pagtalon at yung mga all-out mag-perform.
What I just want to say: let's continue to become better sa next performance. Meron tayong PB-level na mine-maintain. So anything less, e di hindi PB-level yun di ba. Iyon kasing attitude sa PB, nadadala natin yan sa labas. Kung kuntento ka na sa OK lang, baka madala mo yan sa pag-aaral o kaya sa trabaho. Saka anong klaseng okasyon ang gusto natin, iyong magtitinginan na lang tayo at makukuntento sa "OK lang" na party?
Which brings to me to my next point (di pa pala yun ang point hehe): Shame sa mga PB na di nag-effort mag-costume o walang ganang mag-perform! Come on, rock party kaya ito, e bakit marami ang mukhang magpupunta ng mall o matutulog lang! Natutunan ko sa trabaho na huwag mag-sermon in public. So susulatan, i-fa-facebook, i-te-text at tatawagan ko ang mga PB na di nag-effort mag-costume o walang ganang mag-perform. =).
Ang ayaw kong mangyari e ganito, sa next gathering mawawalan na ng gana ang mga nag-effort ng costumes at performances at parehas na lang sila sa iba. For example, sa debut ni Alex, e kung mawalang gana na ang iba, e di lahat tayo naka t-shirt at pantalon sa isang Hawaiian party. Ang pangit =).
Obviously mga 10-15% lang naman ang mga walang kuwenta(ooops sorry for the term, pero talagang mukha kayong walang kuwenta last Saturday). Meron din kasing iyong mga nag-effort pero hindi maganda ang kinalabasan hahaha. Well, that's not really OK, pero OK na ito effort-wise. Iyon lang naman ang PB - 200% lagi sa effort. If you give the effort, di kayo mapapagalitan. Pramis.
Di natin sinasabi na maging Ate Edith-level, dahil imposible yun. Walang kapantay kumbaga. Pero sana naman lahat mag-effort either sa costume or sa performance, maski isa lang we will be very happy.
Medyo biased ako dahil 2G ako, pero ako mismo na-inspire sa costume and performances(even jokes) nila. Inspiring din ang mga 1G ano! Naisip ko na kaya pala sila successful sa buhay, dahil maski anong ginagawa nila, binibigay nila ang more than 100%. Sana ganun din tayo lahat.
Kung inabot nyo itong parte na ito, maraming salamat sa pagbabasa ng post. Sa mga PB at kanilang magulang na magagalit sa akin dahil sa mga pagagalitan ko, sorry po. Pero gagawin ko pa rin. mwa hahaha.
Huwag maging corny, maging PB!
3 comments:
Kakatakot pala si Tito Ido, buti na lang at nag effort ako nung gabing yun!
Eh pano naman po yung hindi nag effort pumunta? ;-)
Agree ako kay Ido, kung kailangan purihin e di purihin at kung kailangan naman ng improvement ay dapat lang din pagsabihan at batikusin ng bongang-bonga,, he he he ...para di na umulit!
Sa palagay ko, hindi pa rin mawawalan ng gana mag costume at mag perform ang karamihan sa PB! Over 10 years in tradition na ang pag costume at pag perform, so nakatatak na. Baka may mga kelangan lang matatakan ng bonggang bongga!
Post a Comment