So para sa mga PB abroad, at sa mga andito na gustong sariwain ang naganap with pictures, eto na po ang Tito Jim's 50th Rock Bday Party with matching comments and annotation. Warning: this is the longest PB Blog post ever. Kumuha muna ng juice o kape. OK? Let's go.
***************************
(all pics are from Ralph Sacdalan. Siya at si Camae ay matyagang nag-picture-picture buong gabi. Tapos, napuyat pa siya hanggang 3am sa pag-upload. Salamat Ralph!)
Saturday, July 17
7pm: Umulan ba naman! hahaha. Tinext ko si Tito Jim to tell him na Signal no.3 na, i-ca-cancel ba ang party? Sayang ang unang ayos ng venue, kelangan i-re-arrange dahil sa ulan.
Eto ang picture ng venue: Aguirre Garden Resorts. Ang masasabi ko lang: ang ganda sa picture =)
8pm: Marami talaga ang na-late, kasi nga for sure traffic, dahil sobrang lakas ng ulan. Konti pa nga lang ang mga non-PB guests. Pero finally, nakakain na rin kami ng mga oras na ito.
Eto ang lechon. Maski alas-9 na malutong pa rin =). Aside from lechon, we had "sauteed vegetables", na umaapaw sa itlog ng pugo at hipon. Meron ding mushrooms in mushroom sauce(korek!), chicken cordon bleu, at pork pot roast. Well, di naman exactong mga ganun, pero malapit na dun at saka mas magandang pakinggan di ba hehe. Meron din nga palang mini salad bar.
9PM. The program started. Iniba ng program team ang pagkaka-sunud-sunod dahil nga late na nag-start
OPENING up the program are our hosts: Tito Egay and Tita Yet. Sinimulan nila ang programa ng batuhan ng mga jokes. Para lang nagkukuwentuhan. Very nice and effective.
The hosts introduced the band. habang kumakain, tumugtog ang banda. Unfortunately for the band, ako ay medyo rock purist. Alam nyong ako ay exclusive rock music. So major disappointment for me =). A band singing mega pop songs - e Rock Party ito e. Mali! Anyway, maybe yung iba merong objective opinion. Sorry.
anyway, back to regular programming.
After dinner, Tito Jim gave his WELCOME REMARKS.
After the speech, The Lising Family had the opening number. Unang number is from cute little Andrei. Unang tumugtog e Michael Jackson. Patay, di yon ang dance number nya. Kinabahan ang marami dahil baka topakin sya at mawalan ng gana. Buti na lang, hindi. Nung tumugtog ang Justin Bieber, nagkayarian na. Humataw na ng todo ang Andrei sa saloy ng makabagbag-damdaming - Baby, baby...
and this is the signature Andrei Lising move na matatak sa PB minds forever
After Andrei's number, JayE gave his message to Tito Jim.
Shiela also gave her birthday message and wish.
AND NOW...the Performances start.
Tito Jorge and Tita Edith took over the hosting work for the performances.
First up, 1G
Ang 1G presentation ay 2-song band performance...Miyembro sila ng banda na mag-pe-perform ng Classic Rock Songs. Let's meet the 1G band.
On drums is Lolipot.
On guitar and back-up vocals are Nanay, Ditse and Lola Tiyang.
the vocalist is Lola Maam
The first 1G Band song was Laguna by Sampaguita. It was a great performance na gumulat sa buong PB. Kasi, ang hirap kayang kantahin ng Laguna and 1G performed to the max(as you can see in the picture).
After the 1st song, nag-bigay sila ng messages. In the picture below, Tiyang was giving her message.
Syempre, nagbigay din ng speech si Nanay at Ditse
Then Lolipot
then Lola Maam
and, their 2nd song was even better than the first one. Kumanta ang 1G ng Handog. Inimbata nga nila si Tito Jim to jam with their band. Ang kanilang message for Tito Jim: "tatanda ka rin, pero ang maiiwan mong handog sa PB ay ang pagiging isip-bata at pagiging masayahin". hehehe
Next presentation is from 3G.
Ang theme ng presentation nila ay School of Rock. Great idea, bagay na bagay sa kanilang lahat.
Here are the 1st 3G batch preparing for the opening.
RapRap and Unyoy performing We Will Rock You by Queen. We expect nothing less from these two. matinding performance.
Next song was by JayE, with the JapRock glamour girls Kathleen, AJ, Julienne as the back-up.
Next performer is Best Dressed Denniel, who showed his versatility and can perform anything.
Carl took on the next song.
Sayang, ang wala sa picture ay ang performance ni Karen. Kasi ang ating official cameraman at camerawoman ay kasama sa performances. Sayang di natin na-capture ang matinding performance ni Karen. Ganito kasi, inispin nya ang gitara ng malakas, kaso mali ang ikot so medyo tinamaan sya malapit sa mukha, at halos madapa-dapa. E paano ba naman naka-rubber shoes na may 3-inch na takong hehe.
(new picture of Karen's performance from Camae's camera)
2G Performance
Ang presentation ng 2G ay ang 50 years sa buhay ni Tito Jim thru Pinoy Rock.
Si Par ang unang nagperform - Anak ala Freddie Aguilar, tungkol sa kabataan ni Tito Jim. Bago mag-perform sabi ko kay Par, "Naku, Par medyo maganda ang video na ginawa ko for Anak, kelangan mong galingan para mapansin ka". Ang sagot ni Par: "Ah, mapapansin ako".
True enough. Mahusay na performance. Mahirap kantahin ang Anak at anumang kanta ni Ka-Freddie. Pero mega-perform si Par at carry niya ang Anak, with live vocals. Subukan nyong kantahin ang Anak to know na sobrang hirap kantahin nito.
Next stage is about student life - Tita Ate is female Freddie performing Estudyante Blues. Without looking at the lyrics, Ate gave an all-out performance. Nag-practice ng matindi!
Pagbibinata is next. With the Hagibis performance of Tito Jorge, Tito Egay, Tito Ido, Tito One and Tito Ayo. They performed 2 songs: Katawan and Legs
ah, mukhang serious na serious di ba. Performance level of course.
Kita nyo sabay-sabay naman talaga, sabi nila may nahuhuli daw. Pictures don't lie! hehe. Kitams parang practice ng husto =).
Next is Tito One performing Laklak. Naku naman, Laklak by Teeth, maski ata natutulog e kaya ni Tito One. So once again, a resounding performance.
Next is Pag-aasawa at pag-a-abroad told through an Aegis medley.
Tita Eyan filled-in last minute para sa absent. She performed Luha. Sa mga meron nagulat pa sa amazing performance ni Tita Eyan (kasi nga sub siya), e di nyo siya lubusang kilala =).
Eto ang proof: maski sa dilim, kitang kita nyo ang energy and passion niya while singing Luha. Fantastic!
Tita Yet tried her hardest to reach "Halik" Aegis level. As you can see, bigay-na-bigay talaga siya with matching facial expressions.
Next is Tukso by Eva Eugenio - alam nyo kung tungkol saan ito.
With Tukso as Eva, Tita Bhogs dazzled and surprised everyone. Sino makakapaniwala na ito ang kanyang 1st PB solo star performance. Para siyang seasoned professional at natural ang acting hehehe.
Next is Awit ng Barkada - tungkol sa mga problema, kasama na ang sa pera at utang =).
Tito Par, Tito Jorge and Tito Egay performed ala APO. Considering last minute changes - a very natural ang endearing performance from the game na game trio.
And the final solo performance was the mother of all performances. This was Tita Edith performing Bonggahan by Sampaguita. Mula ulo hanggang paa - Sampaguita level ang acting ni Tita Edith with matching live vocals. I think this was Ate Edith's best PB performance ever - in the history of all performances. It was really mind-blowing.
As encore, the 2G performed Salamat. Tungkol sa lungkot at kaligayahan at sa "iba ang may pinagsasamahan"
Doon na po ang nagtatapos ang mga presentations ng bawat generation.
Tapos na ang presentations, pero di pa tapos ang program =). Actually marami pang special numbers.
Unyoy and Rap-Rap performed a rock-rap-randb dance number. Astig as always
Next number of the party is the Comedy Bar portion.
Dianne told a really funny joke tungkol sa mga "comunista". hehehehe
Tito Ayo told a joke about "seedless" tanim
Then Kevin.
Next jokers are Lolipot and Lola Maam. Ang joke nila ay tungkol sa "pera". Well ang gift din nila ay tungkol sa pera - so bagay na bagay. =)
Camae, Dianne, Carl and Tita Edith told a joke tungkol sa aso at sa baboy.
After the jokes, Tita Vangie escorted Tito JIm for the Cake-Cutting Ceremony.
Gift-giving naman ang next. Tita Ate gave a gift. Well, tungkol sa pera na naman hehehe
And finally, Tito Jim gets to realize one of his dreams - to sing Bon Jovi with the band.
after Tito Jim, marami pa naki-jamming with the band. And then, around 1am nagsimula na ang interview with MM and Alex. Naghiwa-hiwalay na ang PB almost 2am.
See you at the next PB party.
8 comments:
wow...thanks sa pagkwento ng mga ngyari nung party... kakainggit naman... sana meron ngvideo nung mga presentation =)
Thanks Tito Ido!! Oo nga kaingit parang ang saya saya, and as usual high-powered talaga ang PB! Panood ng video please..
Go 2G! Pero ang porma din nila Unyoy, Denniel, Rap at Karl dito hehe
ido your great ! wala akong masabi sa utak mo , ang tingin KO ikaw yata ang gumawa , ang nag koryo , nagdirek ang at nag orchestrate ng mga presentation , sa pag sayaw ng hagibis , sa video presentation , wow ok ka talaga , saludo ko syo !!! at buti nalang number 8 ang nabunot ko thanks IDO
Ido, mahusay talaga ang pag present mo ng mga activities sa bday ni tito Jim, pakiramdam ko ay umattend din ako,,, thanks!!!
ako ung anonymous sa itaas,,,
meron videos kuya evot. upload ko yan after ng class ko tom:) hehe papaliitin ko pa kasi. hehe
thanks ralph!!!
tito ido...thanks sa tyaga mo mag-update sa PB Blog. Un nga lang talagang nakakainggit...sobra!!! pero dahil may tito ido...feel na feel namin na part kami ng lahat ng event! Thanks ulit!!!
Post a Comment