Thursday, March 31, 2011

@ Cebu Airport

naghihintay na ko ng flight pabalik sa Manila.  Ano ba namang trip ito - aalis ng 7am sa Manila babalik ng 10pm the next day. 

Sobrang lambot ng kama - natulugan ko ng 3 hours.  Asa Cebu nga - di naman ako nakakita ng dagat, nakakain ng lechon o dried mangoes. 

Maliban sa pagbisita sa dalawang opisina namin sa Cebu - at least nakakain naman ako sa sobrang gandang restaurant - Anzani and then sa Bellini bar.  Sa Anzani, ang tinapay sineserve sa flower pot.  Astig!

2 Tulog na Lang

...PB Outing na

So meron palang 2 contestants para sa Spicy Food challenge.  Very nice.  Iniisip ko pa ang prize - will most likely be dinner at Intercontinental Hotel - where they serve the best and spiciest food.  (sama ko syempre).  Assuming papasa sila of course =).  Pag di sila pumasa - meron silang date with Inidore for at least 3 days hehehe.

What to Bring:
  • Food!  (including merienda, chips at kung anu-ano pa)
  • Swimming Attire (Tita Edith, kelangan ba swimsuits?)
  • Mahjong, poker set, cards, PSP, iPad (para sa meron), iPhone, iPod, Galaxy tablet, Toys for Kids
  • Salbabida, Swimming pool toys
  • Sun Block/Sunscreen
  • Shades
  • Money (pambayad, pantaya)
  • Light Jacket (baka malamig sa gabi)
  • (Tita Edith, do we need to bring towels?)

Congratulations Kacey Faye

Let's all congratulate Kacey for receiving 3rd Honors recognition this year.  Good Job!  Kinder pa lang asa Top 3 na.  Congrats Kacey!



Congratulations Julienne

Let us recognize Julienne for her academic award - first year pa lang niya yan sa SAMI, may award na.  Asa Top 10 sya - Top 8 to be exact. 

Congratulations!  Very nice.





Hello From Cebu

First-Time Speaker

Last week, first time kong maging speaker sa seminar na magbabayad ka para maka-attend.  Di ko akalain na magbabayad ang mga tao ng P3,000 at P4,500 para marinig akong magsalita!  Gosh.  At kakagulat close to 60 participants ang umattend. 

Ang additional pressure, ang topic ko ay Innovation:  new way of doing things.  Napakahirap.   Kasi paano kung ang naisip kong new way of doing things e laos na para sa iba?  kakahiya naman.  Plus iyon nga ang mahal pa ng bayad.  Double-edged sword din ang topic:  kelangan magaling ka period.  Paano ka magsasalita ng innovation kung wala kang katorya-torya.   Nung una kasi di ko naman alam na may bayad, so OK lang.  Pero wala na may registration fee pala - at the point na na-realize ko.  Too late to back-out.  Kelangan ng pakitang gilas right there and then.

Unfortunately, di ko puwedeng tanggapin ang bayad - at napunta sa organization, which is OK na rin. 

Tuesday, March 29, 2011

3 Tulog na Lang

...PB Outing na!

May comment si Tita Edith about the games.  Di ko siya kung ano ang dahilan kung bakit hindi excited ang PB sa games katulad din ng food.  Puwede kasing ibig sabihin nito e mas gusto nila na mas OK na games at mas OK na food.  Pwede.

Pero pwede rin talagang di tayo excited sa food at games.  Kasi nga busy-busyhan din naman ang lahat sa outing:  nagpo-poker, mahjong, internet games, swimming, chickahan at kung anu-ano pa.    Either way, mukha namang nag-e-enjoy ang karamihan.

So not sure,  ano palagay ninyo?

Ngapala - asa Cebu ako for meetings not sure kung makakablog ako while there.  

4 na Tulog na Lang

...PB Outing na.

Ayon sa poll, di na masyado excited ang PB sa mga games sa Outing.  So I guess, ang priority talaga ay mag-relax.  Well, given na bago rin ang venue - opportunity to explore it at mga amenities.  Again, public place po ito - so expect na merong kasama.  At ang ibang gamit ng mga facilities ay MAY BAYAD - so magtanong, muna OK, bago mapasubo.

Meron ba kayong questions about the venue?   Or activities na gustong i-suggest?  Alamin na natin just in case merong kelangang dalhin. 

Monday, March 28, 2011

Spicy Test

Paano ba masusukat ang kasanayan sa MAANGHANG na pagkain?  Pag naglagay ka ba ng Hotsauce sa pizza - mahilig ka na sa maanghang?  Pag mahilig ka sa Spicy chicken ng KFC, spicy person ka na ba?

Finally, puwede ng i-measure ang tolerance sa ANGHANG.  Ang BUFFALO WINGS N' THINGS ay nag-open sa Pilipinas last year.  Ang spicy chicken wings nila ay merong 5 level:

1) Rookie  (mild, para lang KFC)
2) New York's Finest (may sting, parang BonChon Chicken)
3) Firehouse Classic (may kagat sa dulo)
4) Dial 911 (hehe)
5) Nuclear (pamatay)

Ang challenge:  Kaya mo bang kumain ng 5 piraso ng chicken wings, na walang inuman ng tubig, coke o beer?

Since mahilig ako sa maanghang, triny ko ang NUCLEAR challenge nung October.  GRABE.  After ng 2nd chicken ko - sumuko ako.  Beer kaagad.  Madikit lang ang balat sa dila mo - umaapoy na talaga.

Pero last week, natapos ko ang challenge.  Nakakain ako ng 8 NUCLEAR na walang inuman ng beer o tubig o softdrinks.  

Sino sa PB ang gusto ng challenge na ito?  =).  Try natin kung makapagdala ako ng NUCLEAR.  Iniisip ko pa kung ano ang premyo - trip to Thailand (joke!) or dinner sa isang nice spicy restaurant.  Sino muna ang sasali sa challenge - we'll see what we can arrange.



5 Tulog na Lang

5 Days na lang PB Outing na!

Ayon sa PB poll, pinaka-excited pala ang PB na "Mag-relax at magkita-kita".  Hmm yan lang pala gusto nyo, bakit nag-outing pa, hahaha.  Sabagay mataas din ang boto ng "Makita ang venue".

Di pala excited ang PB sa food.  Hmmm bakit kaya.  Baka dapat itaas natin ang level ng food ng PB Outing.  Kasi every year, naaalala ko na eto lagi ang pinakamababang votes. 

Sa food poll, ang pinakamataas na boto ay para sa Shrimps/Prawns.   Kakagulat din na mataas ang pizza.  Mataas din ang boto ng "Iyong kakaiba".  Interesting. 



Saturday, March 26, 2011

PB Honor Students

Sino po ang mga honor students ng PB this year?  Recognize natin dito - katulad ng nakagawian na.  At malay nyo baka may mag-gift sa kanila.  Baka lang hehehe  And don't forget the pictures please.

Lagi na lang every year ang valedictorian ayay galing sa kabahayan nila Tito Egay-Tita Dang.  Pero since asa High School na si Gab at Pisay pa.  Paano na? 

So for 2011, meron paring Valedictorian sa bahay nila.  Please join me in congratulating our 2011 Valedictorian... 

CONGRATULATIONS PIA!!!!   at 6 years old - sya ang valedictorian sa pre-school nila.  Magaling talaga!

Bukod kay Pia, sino po ang ibang grumaduate this year?  Meron bang grumaduate sa college?

Friday, March 25, 2011

Wanted Nurse

Haha maglagay ba ng classified ads dito?  Just in case Kriza is interested =).


Thursday, March 24, 2011

PB Outing Activities

Wala pang naka-planong activities for the PB Outing.  I mean, for sure merong mag-poker, merong mag-mahjong, meron ding mag-online gaming, maraming mag-swimming, at mas maraming magkukuwentuhan. 

Plus, we have a new venue - which is already exciting.  Mukhang maraming puwedeng gawin sa Pina Colina, ano?  Sabi sa site, di pa gawa ang Game Rooms, sayang.  Pati na rin ang Badminton ay volleyball courts.  Ate Edith, alam mo kung gawa na ito?

Meron ding massage for 400P per hour.  Yung elevated jacuzzi meron din palang bayad - 1,200 per hour good for 10 people. 

Syempre libre ang swimming kasi naka-check-in tayo.  At libre din ang wifi - so bring your laptops, iPads, iPhones, iPods etc.

Hero Royal Rumble

Dinner namin kanina, kasama ang mga cliente (CIO at CFO ng malaking kumpanya).  Since naka-inom, isa sa topic namin ay SuperHeroes haha.

Ang tanong:  Pag nag-Royal Rumble ang mga Superheroes.  Eto iyong ilalagay silang lahat sa isang caged ring, tapos maglalaban-laban.  Sino ang mananalo?

Superman?  kaso ang dali namang magdala ng Krytonite belt sa ring, e di tulog na agad siya.

Batman?  Puwede, ang dami niyang gadgets e.

Flash?  Puwede rin, dadaanin sa bilis.

Wonder Woman?  Puwede rin

Sigurado kaming di mananalo ay si Aquaman =(.  Lagi kasi siyang huli sa eksena at di naman makakapasok ang mga isda sa ring.

Si Captain Barbell?  medyo malabo, baka si Darna pa.

Tingin nyo?

Wednesday, March 23, 2011

For Cousin Kuya Jim

Dear Cousin Kuya Jim.

Di ko pa sure ang plano this year.  Ikuwento ko na lang sa iyo, at pakisabi ang opinyon mo.  Di ba 3 taon na kaming nagpapa-aral ng scholar.  Mag-college na sila this year.  Iyong isa OK - tuloy sa college.  Mag-IT sya at pasado sa FEU so OK.

Pero yung dalawa kasi, ang baba ng grades e.  Di namin sure, kung papag-aralin pa sa college.  Tapos di pa siya honor student.  E anong klaseng scholar naman yun kung di honor student.

Ang kelangan desisyonan, tuloy bang pag-aralin ang dalawang estudyante na mababa ang grades o hanap na lang kami ng bagong graduate sa elementary at pag-aralin sa High School?  Ano sa tingin mo?

*****
Gusto mong practice kita sa interview mo para sa embassy?  Ginagawa ko yan sa opisina namin.  Bago interviewihin ng mga American lawyers ang ina-applyan namin, dumadaan muna sila sa akin - para tama ang sagot nila.  Gusto mo?  Kaso masungit ako ha =).  At wala talagang kamag-anak pag trabaho ang pinag-uusapan hahaha.  Gusto mo?

Tuesday, March 22, 2011

PB Outing Decision - To Cook or NOT to Cook?

Sa Outing, ang Dinner natin ay kanya-kanyang dala.  Alam na natin yon, at marami na rin ang nagsabi ng dadalhin nilang pagkain. 

Ang breakfast at early lunch, kelangang desisyonan.  TO COOK OR NOT TO COOK?

TO COOK: 
- May 10% na dagdag pag nagluto, breakfast man o lunch.  Ibig sabihin ang dapat na 550 per person malamang magiging 550 + 55 = 605 per person na
- maaga tayong kakain kasi 12noon ang checkout.  Maaga ring magluluto

NOT TO COOK
- Ibig sabihin bibili ng pagkain para sa breakfast at early lunch
- Baka madagdagan din ang contribution per person
- Kung late lunch, malamang sa labas na kakain or kanya-kanya na

Ano opinyon nyo?

Ngapala, don't forget magdala merienda at snacks?  and don't forget desserts. 

PB Outing Rooms

Na-areglo ni Tita Edith ang 3 Log Cabins.  Thanks Pres. Edith.

- 49 tayong lahat at ang gastos ay P550 per head
- 18-19 people ang kasya sa Log Cabin I and Log Cabin II.  Mga 12 naman ang kasya sa Log Cabin III.
- Gumawa na ng drat room assignment si Tita Edith, publish natin next time
- Ang mga beds ay double-decker.  At meron ding matutulog sa sofa beds

Nagtitipid tayo, so huwag ng maselan, OK =).  Basta may tulugan na maayos yun na yun hehehe.  Puwede kasing di kayo tabi-tabi o sama-sama sa kuwarto, dahil nga sa pagkasya sa mga kuwarto.  Saka si Pres. Edith ang gumawa ng room assignments, kung may angal kayo e bale wala rin - siya binoto niyo e.  hahaha.  ano ba ito nanakot pa.

Enjoy!

Monday, March 21, 2011

Outing - Gastos

Tita Edith, nakalimutan ko na kung magkano nga ba computations per person para sa outing - magkano nga ba?

Thanks.

PB Outing Venue - Pina Colina

Ang venue for the PB2011 Outing ay sa Pina Colina.  Ito ay nasa Tagaytay City, Cavite.  Ibig sabihin ng Pina Colina = Pineapple Hill.  Ito ay asa Barangay Francisco.  Pag madalas o nakapunta na sa Cavite - madali lang makita ito.  Malapit sa Ming's Garden

Eto ang directions at ang mapa:

Directions  Via SLEX

1. From SLEX, take the Sta. Rosa exit.

2. After the toll booths, turn right going to Tagaytay.

3. Along Sta. Rosa Highway, slow down after you pass Ming's Garden.

4. When you see the big, green Tagaytay Haven Hotel signage, turn right on the road just before the signage. There is a waiting shed on the corner.

5. After turning on this road (Ulat road), go straight until you hit a road on the left. Turn left on this road. It's an uphill climb going to Piña Colina resort which is on the left side.



Via Aguinaldo Highway

1. From Manila, take the Coastal Road going to Tagaytay via Aguinaldo Highway.

2. When you reach the Tagaytay Rotunda near Olivarez, turn left going to Picnic Grove, Tagaytay Highlands or People's Park.

3. Along that road, when you hit the traffic light with Tagaytay Econo Hotel on the right / Tagaytay ridge side, turn left on Sta. Rosa Highway.

4. When you see the big, green Tagaytay Haven Hotel signage, turn left on the road just after the signage with a waiting shed on the corner.

5. Go straight on this road until you hit the first road on the left. Turn left on this road. It's an uphill climb going to Piña Colina resort which is on the left side.



PB Outing 2011 - Food

Ang check-in sa resort ay 2pm - so ibig sabihin naka-lunch na tayo nun.  Ang tanong, ano ang dadalhin ninyo para sa dinner.  Iyong luto na siguro please - para di na maabala pa sa pagluluto.

Ano po dadalhin ninyo for dinner?

Sunday, March 20, 2011

Happy BIrthday Tita Siony

March 20 is Tita Siony's Bday



Happy Birthday Tita Siony

PB Outing

2 linggo na lang PB Outing na - don't forget.   April 2-3 na po ito.  Ang lapit na nun.  Para sa mga pictures at information tungkol sa venue  - puwede pong i-check ang last post natin...

http://pamilyabanal.blogspot.com/2011/02/pb-outing-updates-new-venue.html

Thursday, March 17, 2011

Tuition Fee

Nung 2009, ang published tuition fee sa Ateneo  ay 2,517.03 per unit.  Kasama ng extra charges, laboratory fees, miscellaneous fees at iba pang expenses, ang tuition fee sa Ateneo ay aabot ng 100,000 P every year o dalawang semestre.  Well, kung ang course mo ay Comp Sci o yung may mga laboratories mas mahal pa.

Kung meron kayong anak sa 4th year high school na gustong pag-aralin sa Ateneo, ganyan po ang kelangan ipunin - 100,000, sa isang taon. 

Ang 100k isang taon ay - 8,333.33P kada buwan.  O kung di leap year, ito ay 273.96P kada araw.

Malaking halaga nga pala.  Pero puwedeng pag-ipunan.

Pisay at ang Bell Curve

Ang Pisay ang pinakamagandang pelikulang napanood ko nung 2010.  Ang Pelikula ay ginawa nung 2007 pa - kasali sa Cinemalaya FilmFest.  Paminsan-minsa pinapalabas ito - pag may exhibition.  Pinapalabas din ito sa CinemaOne, sana mapanood nyo. 

Merong 4 na kuwento sa pelikula:  Freshman, Sophomore, Junior at Senior.  So parang 4-in-1 ang pelikula, iba't ibang topic:  merong political, merong love story, meron tungkol sa isang estudyante na gustong maging stage actor e nasa Pisay nga siya. 

Iyong isang kuwento ay tungkol sa estudyanteng nahuhuli sa pag-aaral.  Valedictorian siya galing sa probinsya, pero pag dating sa Pisay, isa siya sa nahuhuli sa klase.  So buong buhay niya siya ang pinakamagaling sa klase, kaso pag dating niya sa Manila, nahihirapan na siya - samahan mo pa ng homesick.

Pinaliwanag din ang Bell Curve o Normal Distribution. 



Ang ibig sabihin daw - maski IQ o grades ang pinag-uusapan - natural na nagiging Bell Curve ang mga ito.  Halimbawa, sa isang klase, ang karamihan ay magkakaroon ng gitnang scores.  Ang iilan ay magkakaroon ng matataas na scores, sobrang konti naman ang magkakaroon ng sobrang taas ng scores.  Sa kabilang banda, meron ding iilan na mabababa ang scores, at sobrang konti ang merong sobrang baba ng scores.

Isa sa mga magagandang eksena ng pelikula ay nung pinapaliwanag ng teacher sa estudyante na matatanggal na siya sa Pisay - ginamit niya ang Bell Curve sa pag-explain.  Sa eskuwelahan ng puro magagaling na estudyante meron pa ring bell curve - at posibleng ikaw ay maging isa sa sobrang konti na merong mabababang grades.

Top 10 Pinoy Companies (in the Philippines)

Looking for a company to work for?  Or a type of business to start?  Puwedeng mag-simula sa listahan na ito - top Pinoy (registered) companies sa Pinas:

1) Jollibee
2) Ayala Corp.
3) Ayala Land
4) San Miguel
5) Bank of the Philippine Islands
6) Globe Telecom
7) BDO
8) PLDT
9) SM Prime Holdings
10) MetroBank

Malakas ang Food and Beverage companies - as expected.  Grabe sa hilig kumain ng mga Pinoy - at uminom.  Real estate din ay malakas.  Pati na rin ang Telecomunications at of course mga bangko. 

Wednesday, March 16, 2011

Happy Birthday Tito Jorge

March 16 is Tito Jorge's Bday.


Happy Birthday Tito Jorge!

Tuesday, March 15, 2011

Happy BIrthday Miguel

Mar 15 is Miguel's Bday.  This is a photo when he was in HongKong.  Sosyal


Happy Birthday Miguel!

Happy Birthday Tita Rhoda

March 15 is Tita Rhoda's Bday.  Madali palang tandaan - Ides of March, at araw ng suweldo =).




Happy Birthday Tita Rhoda.  Hope you have  fantastic birthday - walang stress =)

Popular Song

All of a sudden, this song is gaining exponential popularity =(.  Grabe lyrics, first line pa lang...



Monday, March 14, 2011

...the new Azkals?

Patawa, syempre dahil sa kasikatan ng Azkals - meron ng bagong football team ang mga asa New Bilibid Prison.

Ang kanilang pangalan? ... the appropriately titled  PUZAKALS.  hahaha.  Mahusay!

*************
Puzakals lose to French team

By Miko Morelos
Philippine Daily Inquirer

MANILA, Philippines—A late surge of back-to-back goals failed to salvage the Bilibid Puzakals’ stab at redemption, losing to the local French Football Club, 2-4, Sunday morning.

It takes more than a play of words to measure up to the Azkals, the Philippine national team that has ignited interest in the beautiful sport, the Puzakals found out.

“We really need to build up stamina,” huffed team captain Archie Bueno. His advice to his teammates: “Stop smoking.”

Sunday’s competition was divided into three 30-minute matches, with the first and last games having teams from both the Bilibid and French sides all mixed up.

The second game featured the showdown between the much taller team composed of French expatriates and the newly formed squad from the New Bilibid Prisons (NBP) medium security facility serving sentences not exceeding 20 years.

The man

Keeper Redentor Mancao fought off scoring chances for the prisoners, preventing a rout with six saves. The French side named Mancao as the man of the match, giving him the team’s kit as a prize.

Team members conceded that the Puzakals have a long way to go.

“With this game, we want to pursue our passion for the sport together. We want this to go on,” Greg Ariston said. “We have to develop our stamina because skills are useless if we don’t have stamina.”

Ariston agrees with Bueno that football could showcase that inmates like him can shape up.

“Everyone makes mistakes, that’s why we’re here to do time for it,” Ariston said.

“The game is not just only to entertain our guests, but also for other inmates. We want to show every one that our time inside has been fruitful for us,” Vivencio Roxas echoed.

More exposure

As they came down to the NBP’s sunken garden, the faces of the Puzakal team members lit up in excitement seeing spectators mainly composed of French team’s kin wearing shirts supporting the inmates.

Bruno Vergnes, a member of the French Football Club, refereed the first two matches before donning their team jersey and playing the last game.

“[The Puzakals] need more exposure,” he said. “They need to keep on playing against other teams and learn more how to play together. Otherwise, they are doing great.”

Vergnes and the French team donated football uniforms and balls for the Puzakals in the closing ceremony, telling their Filipino counterparts to continue working on their game.

Nicolas Hacker downplayed the French’s height advantage, explaining that in football, height was not much of a factor. The Filipinos must master how to play as a unit, he said, and work on strategies.

“We got a lot of experience from this match. We should continue training,” said Iris Castañeda who scored the Puzakals’ first goal.

The game, he said, was a dream fulfilled since he had been egging Bueno to introduce football in the NBP.

Rehab program

Bueno said he hoped the event would spur more interest among corrections administrators as a vital part of the prison rehabilitation program.

Assistant Solicitor General Karl Miranda credited the games’ success to the private sector’s efforts “to do what they can in assisting” inmates to reintegrate back to society.

Rudy del Rosario, who organized the Philippine team to the Homeless World Cup, offered to put a football system for NBP inmates.

“We can put up a league within Bilibid,” he said. “Perhaps call it Bilibid Premier League?”

It certainly could work wonders.

Sunday, March 13, 2011

Pinakamalakas na Earthquake

Ang Earthquake nung Biyernes na tumama sa Japan ang ika-4 na pinakamalakas na earthquake sa kasaysayan ng mundo (by Magnitude).  Ito ang pinakamalakas na earthquake sa loob ng 7 taon. 

Wala po sa Top 20 ang July 1990 earthquake sa Pilipinas.  Kasi, kasama sa listahan pati iyong mga lindol nung unang panahon pa.

Friday, March 11, 2011

DISASTERS

Eto ang status ni Tita Che-Che sa Facebook.  Ang masasabi ko lang:  ang galing naman niyang mag-English.  At ang lalim naman.  Ano sa palagay ninyo?


do disasters remind us of our mortality, that we are bound to die (sooner or later)…that there is a force beyond our control? that while we spend most of our lives succumbing to the pressures of social status or material desires: acquiring things, knowing more, becoming more popular - these can all be wiped out at once? #walalang

8.9 Magnitude Earthquake Hit Japan

Loser, pero may meeting ako hanggang 10:30 on a Friday night.  I know, kinda pathetic.  So after ng meeting tinawagan ko na kaagad si Tito Jorge.  Di naman sa Tokyo ang center ng earthquake, pero sa lakas na yon, malamang tinamaan din ang Tokyo.  Tinawagan ko si Tito Jorge kung nakausap na niya si Ia, at kung OK lang ba siya. 

Sabi ni Tito Jorge, nakausap nga nya si Ia.  At OK na OK si Ia.  OK na OK siya dahil asa Pilipinas pala siya!!!  hahaha, di ko alam.  Grabe na itong trabaho na ito - nahuhuli na ko sa balita.

Thursday, March 10, 2011

American Citizen

Paano ba maging American Citizen?  2 paraan lang:  1) Birthright o 2) Naturalized

1.  Birthright

"All babies born in the United States–except those born to enemy aliens in wartime or the children of foreign diplomats–enjoy American citizenship under the Supreme Court's long-standing interpretation of the Fourteenth Amendment."  ayon sa wiki.

Ibig sabihin, maski sa mga teritoryo ng US pinanganak ang baby, considered pa rin:  Guam, Puerto Rico, Northern Mariana, US Virgin Islands.

Nagkaroon ng kontrobersya sa US tungkol sa "maternal citizenship".  Paano ba naman, nung 2008, tinatayang 400,000 na illegal na nanay ang nagpunta ng US para dun manganak, dahil nga sa batas na ito.  Kaya nga nung nakaraang Presidential Elections, naging plataporma ito ng ilang kandidato - amyendahan ang kanilang constitution.  Sa ngayon, ganun pa rin - pag pinanganak ang sanggol sa US o sa alin mang teritoryo ng US, American citizen ito. 

2.  Naturalized Citizen

Eto ang medyo komplikado.  Eto ang requirements ayon sa wiki:

"People applying to become citizens must satisfy certain requirements. For example, there have been requirements for applicants to have lived in the nation for five years (three if married to a U.S. citizen,) be of "good moral character" meaning no felony convictions, be of "sound mind" in the judgment of immigration officials, have knowledge of the Constitution, and be able to speak and understand English unless they're elderly or disabled."

So madali na mahirap.  Hindi kasi exacto ang pagkakasulat so maraming puwedeng interpretasyon.  Kaya nga marami rin ang nagiging naturalized US citizens.  Kabilang dito ang siyentipikong si Albert Einstein, na ayaw ng bumalik sa Germany nuon dahil sa giyera.  O ang mga atletang tulad ni Martina Navratilova at MOnica Seles, na ayaw ng bumalik sa dating komunistang bansa. 

Pinakamaraming Pinoy na naturalized ay nasa MIlitary - mga army, air force at lalong-lalo na ang mga Navy.  Ang mga naunang natalang Pinoy na naging naturalized Americans ay mga militar na lulan ng mga Navy Ships - dumaong sa San Diego, Virginia o kaya'y sa Louisiana.  Susunod sa bilang nila ang mga Nurse at Doctors nung 1970's at 1980's, at mga IT programmers na dumagsa lalo na nung panahon ng Y2K nung 1990's.

Wednesday, March 9, 2011

Magbilang

Si Beybi James ang Pang-lima sa mga 4G ng PB. 

Siya rin ang kauna-unahang American na PB by birth.  Kung Made in the USA sya, e wala na dapat tayong pakialam dun hehehe.  Ang sigurado, Born in the USA sya =). 

Sa Pilipinas, tinatayang 3 ang pinapangak kada minuto.

Sa US, halos 8 sanggol ang pinapanganak kada minuto.

Sa buong mundo, mga 255 na sanggol ang pinapanganak sa buong mundo

Ang Pinoy na babae ay merong average na 3.23 na anak. 

Ang mga babae sa 5 bansa ng Africa at Asia ang may pinakamaraming anak:  1) Niger (7.19 na anak) 2) Guinea-Bissau (7.07 na anak) 3) Afghanistan (7.06) 4) Burundi (6.80) 5) Liberia (6.77)

Ang US ay #126 (2.05).  Ang Canada ay #160 (1.53).  Japan ay #184 (1.27). Singapore ay 186 (1.26).

Ang average na edad ng mga Pinoy nung unang mag-asawa:  Lalake: 25.8.  Babae: 19.3.  (grabe ganito pa rin pala hanggang ngayon).

Sa US:  27.5 (lalake).  25.6 (babae)
Sa Canada: 30.5 (lalake). 28.5 (babae)
Sa Japan: 29.4 (lalake).27.6 (babae)
Sa Sweden:  35.1 years old (lalake).  32.5 (babae)  (Exag naman ata ito)

Ash Wednesday

Ngayong araw, Mar 9 ay Ash Wednesday.

Ang Ash Wednesday sa Catholic Calendar ang unang araw ng Lent.  Ito ay nangyayari 46 days bago ang Easter Sunday.  (40 days kung di mo bibilangin ang Sundays in between).  Ang araw na ito ay Holy Day of obligation sa maraming Kristyano:  Catholics, Lutheran, Methodists, Presbyterian at Anglicans (galing sa wiki).

Tuesday, March 8, 2011

Happy Birthday Ayka

May work na raw si Ayka ulit.


Happy Birthday Ayka.

Happy Birthday Kriza

Mar 9 is Kriza's Bday.  Pumapayat siya lately, bakit kaya?



Happy Birthday Kriza!

Welcome Baby James to PB

Ang bday ni Baby James ay March 7, 2011 (US Time).  Pinanganak siya sa Kaiser Permanente Hospital in Vallejo, California.


Born: March 7, 2011 at 1:38pm
5.10lbs and 19 inches


Welcome.  Congratulations Evot and Cha.

Twins

Ang mga TWINS ay ~2% ng populasyon ng buong mundo.  Ibig sabihin, isa sa 50 tao ay kambal.  So sakto pala ang ratio ng PB.



Fraternal or Identical?
 
  1. Ang Male–female fraternal twins ang pinaka-common.  50 percent ng fraternal twins 
  2. Female–female fraternal twins (sometimes called "sororal twins")
  3. Male–male fraternal twins
  4. Female–female identical twins
  5. Male–male identical twins (pinaka- di pangkaraniwan)





Ilan sa mga sikat na twin/s ay:

1)  Kriza-Ayka
2) Mary Kate and Ashley Olsen
3) Martin Nievera (twin Vicky)
4) Richard and Raymond Gutierrez
5) Robin and Maurice Gibb (ng BeeGees)
6) Mario Andretti (famous racer)
7) Gisele Bundchen (supermodel)
8) Vin Diesel (actor)
9) Scarlett Johansson (actor)
10) Alanis MOrissette (musician)
11) Elvis Presley (twin died at birth)
12) Kiefer Sutherland
13) Famous twins ng mythology: Apollo and Artemis at Romulus and Remus

Monday, March 7, 2011

PB 2G Outing Part 2 - 2011

Gusto nyo ba ng PB 2G outing part 2?  Sa summer 2011.  Iniisip ay Bicol?  Are you interested?

Sorry, medyo busy lang ako this whole month of March until mid-April, so kelangan din natin ng volunteer to organize.  Sino puwede?

XTREME Travel

Pag bata ka pa, feeling mo kaya mong gawin ang lahat.  Lalo na kung asa ibang bansa.  Samahan mo na ng peer pressure, e magagawa mo ang mga di mo iniisip gawin.  At saka, sayang naman.  Ang ibang activities e magagawa mo lang sa ibang bansa.  So go!

#1)  Roller Coasters

Favorite ko ang roller coasters.  Especially yung kahoy na roller coasters.  OK din ang mga metal - na nag-loo-loop the loop.  Kaso kasi corny nung meron kang harness sa balikat na nag-lo-lock.  Nakakabawas ng excitement.  Mas gusto ko iyong lapbelt lang - parang may feeling na pwede kang malalaglag talaga. 

Since asa Ohio kami, favorite namin ang Son of Beast sa Kings Island.  Nung panahong yon, eto ang fastest, tallest at most exciting roller coaster.  Pero malamang natalo na ito nga mga roller coasters sa Six Flags.


Ang pinakanakakatakot na roller-coaster ay ang Colossos sa Germany.  Para kasing sobrang taas nya.  Dahil siguro sa paligid nya na puro gubat.



#2. HANG GLIDING

Para makita ang buong Rio de Janeiro, Brazil, mag-helicopter o mag-Hang Gliding.  E ang mahal naman ng helicopter ano.  Ang hang-glide e yung parang sasakay ka sa pakpak - tatakbo kayo mula sa taas ng bundok at lilipad.  Ang saya din.  Ang ganda rin kasi ng view.


#3.  SKY JUMPING
Sa US naman nito in Virginia.  Marami kasing military bases dun, so one-time nag-tripping kaming mag Skyjump.  Sa lahat ng ginawa ko, eto pinaka-nakakatakot.  Tatalon ka mula sa eroplano, at mag-pa-parachute.  Muntik na kong di tumalon.  Pero wala na magagawa, sayang ang bayad - kung tumalon ka o hindi magbabayad ka =)


#4. BUNGY JUMPING
9 months kasi kami sa Australia at New Zealand.  Medyo naubusan na kami ng gagawin sa Auckland, New Zealand.  So nung last month namin, naisipan namin mag-bungy jump.  Sayang naman ang pagkakataon. 

Madali lang ang bungy jumping.  Pupunta ka sa tulay.  Tapos tatalian ka.  Tapos tatalon ka na.  Iyon na yon.  Hahaha.  Iyong harbour bridge kasi ay 40 meters high.  Parang galing ka ng taas ng 20-storey building.  Pero actually pag andun ka na, parang walang katapusan ang taas.

Pag andun ka sa take-off area - talagang tatalun ka na.  #1) Ayaw mo kasing  matawag na chicken e at #2) Sayang din ang bayad mo =)




Ang wala ako - Water Xtreme Sports. Di ako nakasama mga White Water Rafting - sayang. 

Ang sabi nila:  Hwag ka daw mag-bungee jumping o skydiving kung lagpas 30 years old ka na, o kung meron ka ng anak.  Napaka-iresponsable naman daw =)

Cruise

2 beses na kaming naka-pag Cruise.  Pero parehas sobrang tagal na - lagpas 10 years ago na.  Yung una, asa Europe na rin kasi kami - tapos gustong ma-experience kasabay ng may sale - Go!

7 nights lang ang pinili namin.  Di namin kasi sure kung ano ba nangyayari sa cruise.  Saka di naman ako marunong lumangoy hahaha.

Ang kinuha namin ay Mediterranean cruise.  Ang itinerary namin ay ang tinatawag na Basic European cruise =). Bale nagsimula kami ng Venice, Italy tapos pumunta ng Bari.  Then Greece, Turkey tapos sa Croatia and then balik ulit sa Venice. 

Ang second cruise ay 2 years later naman.  Carribean cruise naman.  Sorry Tito Boyet, di pa namin alam ang Royal Carribean dati - kaya Carnival cruises kami.  8 nights din - at bumisita ng 4 na bansa sa Carribean. 

SINO ANG NAG-CRU-CRUISE?
 Totoo ang tsismis, karamihan mga senior citizens.  Lalo na sa US - Carribean lines.  Tantya ko mga 70% ay senior citizens.  Marami ring mga honeymooners, at ang iba ay pamilya.  At ang pa-ilan-ilan ay mga kung saan-saang galing bansa.  Merong taga-Pilipinas, Australia, meron dinga mga Japanese.

MAHAL BA MAG-CRUISE?
Oo.  Pero di naman sobrang mahal.  Madalas, merong mga sales - maski anong destinations o routes.  Kelangan lang ng tyaga sa pag-aabang.

Pag cinompute mo kasi ang magagastos mo sa paglipat-lipat ng mga bansa, di na masama ang presyo ng cruise.

BAKIT KA MAG-CRU-CRUISE, puwede namang airplane?
Relax kasi sa cruise.  Pag-board mo ng ship at pagpunta sa cabin mo - iyon na yon, maghihintay ka na lang makarating ng destination.  Kay rin siguro wala masyadong teenagers or tweens na nag-cruise, unless kasama ang buong family.  Kasi baka boring para sa kanila. 

At marami ring magagawa sa ship.  Merong shopping, merong parang mall.  Merong spa, jacuzzi, tennis court, bar, sinehan.  So para ka ring asa city.  Iyong mga ibang cruise ships merong malalaking casinos - merong tables at slot machine.

MERON BANG CRUISE na galing Pilipinas?
Ang Manila Bay Cruise lang po =).  May balak daw ang Star Cruises na mag-start sa Pilipinas - pero dati ko na narinig yan, wala pa rin.  Sa Subic daw,  so sana magkatotoo.  Kung gustong mag-cruise, kelangan pang pumunta ng HongKong, Singapore, Taiwan or Malaysia.

ANO ANG ITINERARY ng StarCruises?
Ang SuperStar Libra (3-nights):  Penang, Malaysia --> Phuket, Malaysia --> Krabi, Malaysia --> back to Penang

Ang SuperStar Virgo (5-nights): Singapore -> Penang, Malaysia --> Phuket, Thailand --> Singapore --> Malacca, Malaysia --> Kuala Lumpur, Malaysia -->  then back to Singapore

Friday, March 4, 2011

PB Travels

Nung last PB Poll - pinaka-gusto ng PB ang pag-travel, kung may extrang pera.  Kesa bumili ng gadgets o appliance.  Wow!  Bago ito.

Ang PB e pamilya ng mga layas.  Lalo na ngayon.  Puwedeng, naging-OFW, na-a-assign, nag-migrate, nag-aral, nagbakasali o nagbakasyon.  Meron tayong lahat nyan!  Interestingly, nagpupunta rin ang mga PB sa mga di pangkaraniwang mga bansa.  Iyong mga bansang, malamang sila lang pupunta sa buong PB...

1) Si Sister Vicky, madre na nga e nag-a-abroad pa.  Paano ka nyan?  Nagpunta sya sa Rome, Italy at sa Vatican City ng dalawang beses.  Nagpunta rin siya sa Indonesia.

2) Si Lola Maam naman ang ating Senior Citizen na jetsetter.  Naka-3 beses daw siyang mag-Singapore last year.  Nakailang beses na rin siya sa Malaysia.  at Macau.  Malamang siya pa rin ang kaisa-isang PB na nakapunta sa Brunei

3) Si Tita Edith naman has been to Bermuda.  At marami pang iba - HongKong, Singapore, UK to name a few.

4) Si Tito Par madalas sa Vietnam.  At nagpunta rin siya ng China last year.  At syempre nakarating na siya sa US, nagkita nga kami e =).

5) For sure si Tito Boyet, ang merong pinakaraming di-pangkaraniwang bansang napuntahan.  Alam ko galing na siya sa Egypt (bakit?...secret hahaha).  Nakapunta na rin siya sa Bahamas (di ba nga) at sa Ireland nga last year.

6)  Si Tita Che-Che naman ang pinadala ng Pilipinas para women's congress sa Iran.  Syempre tumira rin siya sa Netherlands dati.  At nung December lang, nagpunta naman siya ng Cambodia.

7) Si Tito Ido naman tumira ng Europe at South America.  So nakapunta na sya sa mga mahihirap i-pronounce na lugar Czech Republic, Lichtenstein, Luxembourg

8) Tita Vangie, alam naman natin na tumira at nagtrabaho sa Bangladesh

9) Si Tito Jim e nagtrabaho sa Bahrain.

So, tignan nga natin ang mga bansa from A-Z.  At alamin kung ano pa ang bakante para sa PB:

A - Australia (Tita Che-Che)
B - Bangladesh (Tita Vangie)
C - China (Tita Ayo, Lola Maam, Tito Par, Tita Che-Che, HK, China - Tito Egay, Tita Dang, Meg, Gab, Miguel, Lola Nanay, Tita Bhogs, Tita Edith)
D - Dominican Republic (Tito Ido)
E - Egypt (Tito Boyet)
F - France (Tita Che-Che, Tito Ido)
G - Germany (Evot)
H - Honduras (Tito Ido)
I - Indonesia (Sr. Vicky)
J - Japan (Ia, Tito Jorge, Tita Helen, TIta Eyan)
K - Kuwait (Lolo Dad)
L - Luxembourg (Tito Ido)
M - Malaysia (Lola Maam, Tita Che-Che, Tito Par)
N - Netherlands (Tita Che-Che, Tito Ido)
O - Eto ata wala pang nakakapunta.  Sino po nakapunta ng Oman?
P - Paraguay (TIto Ido)
Q - Qatar (Tito Ido, Tito Jim, ikaw din?)
R - Russia (Tito Ido)
S - Singapore (Tita Petite, Tito One, Tita Edith, Karen, Camae, Kathleen, Tita Che-Che, Tita Ate, Lola Maam)
T - Thailand (Tito Jorge, Tita Helen, Ia)
U - United Kingdom (Tita Edith, Tito Ido)
V - Vietnam (Tito Par)
W,X,Y,Z - eto po ang open para sa PB 3G at 4G, sana kayo mauna.  Sobrang konti lang kasi ang bansa dito.  At sa X, well wala pa nga sa ngayon, malay natin.  Ang mga pag-asang bansa ay:  Western Sahara, Yemen, Zambia at Zimbabwe.  Yan lang pong apat sa ngayon.

O di ba.  matindi talaga ang PB nalibot na ang mundo from A-V.  =). Kulang na lang tayo sa O, V, W, Y at Z.  Sana may mapunta sa Zambia at Zimbabwe.

Eroplano Experience

#1)   Seat 1A
Papunta ako ng Chicago galing Washington DC.  Nagtaka ako, bakit hindi ako tinanong kung anong gusto kong upuan - aisle ba o window.  Binigyan na lang ako ng ticket.  Sobrang tuwa ko naman ng makita ko ang seat number ko - 1A!  Wow imagine, 1A.  Ibig sabihin ako ang pinaka-importanteng pasahero sa buong flight.  Yes!

Yun ang akala ko.  Nang pumasok na ako sa eroplano, bigla akong natawa.  Kasi 12 lang pala ang pasahero - at lahat kami aisle at window seats.  Isa pa ang piloto namin ang kumuha ng tickets namin - astig di ba!  Piloto na stewardess pa.

#2) Kandado ang pinto
Palipad kami ng Virginia galing Detroit.  Wala pang isang oras ang biyahe, dahil di naman kalayuan - parahes asa East Coast. 

Nung papa-take-off na kami.  Meron kaming narinig na mga lagabog.  Nagkatinginan kami lahat.  At mega shock!  Ang mga maleta namin ay nagkalat sa runway, hahaha.  Nalimutang isara ang pinto ng cargo.  Bumalik kami sa tarmac - at ayun, naghintay pa kami ng 3 oras, at nagpalit ng eroplano.

#3) 4th is the lucky landing
May storm kasi nun.  Galing akong Cleveland at magbabakasyon sa Florida.  Di naman mahaba ang flight, pero grabe mula simula e turbulent na.  Alog alog ang plane at nakakahilo na.  Nung papalapit na kami ng Miami, eto na po ang problema.  Dahil sa lakas ng hangin di kami maka-landing.

Nag-try mag-land ang plane for the first time.  PALPAK.  Balik kami sa taas, tapos hintay ng 10 minutes. 

Landing ng pangalawa, MAS PALPAK.  Eto iyong tipong bumukas ang mga overhead bins at nahulog ang ibang maleta. 

3rd landing WORST PALPAK.  For the first time, nakita kong nagliparan ang mga diyaryo, note book, cans ng softdrinks sa buong eroplano.  Ngayon nakakatawa pag iniisip, pero nung panahong yon e takot na takot kami lahat.

#4) Lifevest na pangmahirap

Bakasyon kasi kami galing Sao Paolo, Brazil papuntang Argentina, so Economy Class.  Sakay kami ng TAM airlines.  Nung binabasa ko ang manual - dun ko na-realize na wala pala kaming Lifevest.  ANO BA YAN?  So paano gagamitin namin?  Iyon daw kuchon na inuupuan mo ang yakapin mo in case of emergency!  hahaha.  natawa talaga ako sobra.  Kung sakaling may emergency, mayakap mo pa kaya ang kuchon mo?!?!

#5)  Bed 180

Minsan may maganda rin namang nangyayari sa airplane.  Tinawag ang pangalan ko sa intercom, akala ko ililipat na naman ako ng flight.  Iyon pala - i-u-upgrade ako.  From Business Class gagawin akong First Class.  Flight ito from Manila to Paris, so 15 hours.  Sulit! 

Ang upuan nagiging kama.  Binigyan pa kami ng damit pantulog.  Merong stewardess na naka-assign sa bawat 3 pasaheros.  Walang mealtime - kasi maski kelan mo gustong kumain, dadalhan ka ng pagkain.  First time ko kasi yon.  So nung inalok ako ng pagkain:  Prawns, Turkey, or Beef?  Sabi ko, puwede ba iyong lahat.  hahaha (jologs!).  At syempre, binigyan nila ako ng lahat.  Wala ring oras sa panonood ng movie.  Sabihin mo lang kung kelan mo gustong manuod, at kung ano ang gusto mong panuorin, papaandarin nila.

Sarap buhay.  Lalo na libre pamasahe =).

Walang Natira

Eto ang no.1 video sa MYX.  Nagulat ako na ang ganitong kanta ay magiging no.1. 


Nasaan ang Pinoys Abroad

Sa pagtatapos ng 2010, tinatayang 11 Milyong Pilipino ang nasa abroad.  Ito ay ~11% ng populasyon ng Pilipinas.  Karamihan ay kababaihan, na domestic helpers o kaya personal service workers.

Noong 2009, umabot ng $17 Bilyong (US Dollar ha), remittance ang naipadala sa Pilipinas ng mga Pinoy overseas.  Kaya nga ang tawag ni GMA ay  OFI = Overseas Filipino Investor.

Nasaan ang mga Pinoys abroad?

1) United States
- Sabi ng US government,  4 Milyong Pilipino ang asa US. 
- Sa katunayan, ang Tagalog ang pang-lima sa most-spoken Languages sa buong US

2)  Saudi Arabia - alam na natin ito

3) Canada
- Noong 2008, tinalo ng PIlipinas ang China sa bilang ng mga immigrants papuntang Canada

4)  UAE
- Lalo na sa Dubai at Abu Dhabi, nagiging preferred destination ng mga Pinoys na asa larangan ng HRM

 Kumokonti na ang mga Pilipino sa Japan, di tulad nung 80's at 90's.

Maraming PIlipino abroad ang hindi dokumentado (walang passport, TNT etc), kaya napakahirap matiyak ang tamang bilang. 



2.0

Nilabas na nga ng APPLE ang bagong version ng iPad - ang iPad 2.0.  Maski may sakit si Steve Jobs, siya pa rin ang nagpakilala ng iPad 2.0.

Ano ang kaibahan ng iPad sa iPad 2.0?  Summarize natin:

- Mas manipis
- Mas mabilis
- May camera na!!!!

Ang presyo, mas mahal ng konti ($499, 599, at 699), pero di naman sobrang mahal.

Ngayon naiintindihan na natin ang pakiramdam ni Karen =).  Pero ganyan ang buhay sa panahon ng technology, kabibili mo pa lang ng gamit - papaluma na.

Eto ang buong article:
http://news.yahoo.com/s/yblog_technews/20110302/tc_yblog_technews/apple-unveils-thinner-lighter-more-powerful-ipad-2

Thursday, March 3, 2011

Starbucks - Free Upsize. Pero...

Tuwa ako ng malaman na may FREE UPSIZE ang Starbucks hanggang Monday.  Ibig sabihin, pag umorder ka ng Tall - bibigyan ka ng Grande for free.

Kaso mo, nagtaas pala sila ng presyo.  So ganun din pala.  Nahiya lang ako dahil sanay na ko magbayad ng 95pesos araw-araw (Tall 1 Splenda Americano) - kulang na pala ang binabayad ko since March 1.  Kanina ko lang napansin na nagmahal na sila ng presyo.

Wednesday, March 2, 2011

Ibang courses

Napansin lang - wala palang Engineering student o kumuha ng Engineering sa mga PB 3G ano?  Actually, generally speaking sobrang iba ng courses ng 3G compared sa 2G.  Kung meron mang exceptions, konti lang ito:

Kevin (Acctg) - parehas na course with Tita Edith and Sr. Vicky
Evot (Math) - parehas na course ni Tito Ido
Camae, Cha (CompSci) - parehas na course ni Tito Ayo.

All the rest walang kaparehas.  Karen, Dianne, Carlo, and Leoben Jr (HRM).  Kriza (Nursing), Ayka (Nutrition), Ia (Econ), and si Miguel nga na mag BS Bio.

Posibleng napapanahon o uso ang mga courses kasi.  Like nung 80's, majority ng mga graduates ay kumukuha talaga ng Engineering.  Pag dating ng 90's nauso naman ang mga technical/computer courses.  At nung 2000, nauso naman ang mga courses na makakapag-pa-abroad sa iyo.

Wala pa sa kalahati ng 3G (at 4G) ang college - so long ways to go.

Sino kaya ang unang kukuha ng Engineering?
Meron kayang makakapareha ng course si Tita Ate at Lola Maam - Education?
Meron kayang mag-Fine Arts like Tita Eyan at Tito Jim?
Sino kaya ang kukuha ng Political Science gaya ni Tita Che-Che?
Or Vet Med like Tito Egay?

Or, cool din kung kakaiba ng mga courses ang mga 3G, tulad ng:  Molecular Biology and Biotechnology, Aeronautics, Law, Med etc...

Tuesday, March 1, 2011

Born This Way

Eto po ang video ng Filipina-Canadian na kumanta ng kanta ni Lady Gaga na Born This Way.  Ang kumanta ay ang 10-year old na si Maria Aragon.

Ang kuwento:  pinost ni Maria sa YouTube ang video.  Napanood ni Lady Gaga.  Kaagad, nag-twitter siya ng ganito...

“Can’t stop crying watching this,” Lady Gaga Tweeted with the link to the video. “This is why I make music. She is the future.”


Syempre, sangdamakmak na tao na ang tumingin ng video niya sa YouTube.  As of Feb28, 16.5 Million na ang nanood ng video niya.  Nag-guest na rin siya sa show ni Ellen.  AT...inimbitahan siya ni Lady Gaga sa concert nito sa Canada. 

Nice story ano?  Eto ang video.