Thursday, March 10, 2011

American Citizen

Paano ba maging American Citizen?  2 paraan lang:  1) Birthright o 2) Naturalized

1.  Birthright

"All babies born in the United States–except those born to enemy aliens in wartime or the children of foreign diplomats–enjoy American citizenship under the Supreme Court's long-standing interpretation of the Fourteenth Amendment."  ayon sa wiki.

Ibig sabihin, maski sa mga teritoryo ng US pinanganak ang baby, considered pa rin:  Guam, Puerto Rico, Northern Mariana, US Virgin Islands.

Nagkaroon ng kontrobersya sa US tungkol sa "maternal citizenship".  Paano ba naman, nung 2008, tinatayang 400,000 na illegal na nanay ang nagpunta ng US para dun manganak, dahil nga sa batas na ito.  Kaya nga nung nakaraang Presidential Elections, naging plataporma ito ng ilang kandidato - amyendahan ang kanilang constitution.  Sa ngayon, ganun pa rin - pag pinanganak ang sanggol sa US o sa alin mang teritoryo ng US, American citizen ito. 

2.  Naturalized Citizen

Eto ang medyo komplikado.  Eto ang requirements ayon sa wiki:

"People applying to become citizens must satisfy certain requirements. For example, there have been requirements for applicants to have lived in the nation for five years (three if married to a U.S. citizen,) be of "good moral character" meaning no felony convictions, be of "sound mind" in the judgment of immigration officials, have knowledge of the Constitution, and be able to speak and understand English unless they're elderly or disabled."

So madali na mahirap.  Hindi kasi exacto ang pagkakasulat so maraming puwedeng interpretasyon.  Kaya nga marami rin ang nagiging naturalized US citizens.  Kabilang dito ang siyentipikong si Albert Einstein, na ayaw ng bumalik sa Germany nuon dahil sa giyera.  O ang mga atletang tulad ni Martina Navratilova at MOnica Seles, na ayaw ng bumalik sa dating komunistang bansa. 

Pinakamaraming Pinoy na naturalized ay nasa MIlitary - mga army, air force at lalong-lalo na ang mga Navy.  Ang mga naunang natalang Pinoy na naging naturalized Americans ay mga militar na lulan ng mga Navy Ships - dumaong sa San Diego, Virginia o kaya'y sa Louisiana.  Susunod sa bilang nila ang mga Nurse at Doctors nung 1970's at 1980's, at mga IT programmers na dumagsa lalo na nung panahon ng Y2K nung 1990's.

7 comments:

Evot said...

Si cha naturalize US citizen at before cya maging US citizen eh nagstay cya dito for 5years muna. Ako eh need ko magstay ng 3years before ako magapply ng US citizenship...
Ang dami nga ng nurse na pinay/pinoy...halos karamihan na naging nurse ni baby james eh pinay at ang babait nila...
Ang dami nga ng pinoy na navy dito...yung isang tito ni cha eh retired navy at madami kami pinoy frend na nasa military...
Yung mga IT naman eh konti pa lang nakikita at nakikilala ko...

Darwin's Theory said...

Uy Evot, sobrang daming IT pinoys sa area ninyo. Well siguro nga mga ka-batch ko so mas matanda sa iyo =).

Once lang akong nag-BART, nakakita pa ko ng ex-ACN. Nalimutan ko iyong pangalan ng mall malapit sa Walnut Creek - dun sila tumatambay =).

Evot said...

Sunvalley mall yung sa wallnut creek...
Bka kya wala ako nakikita na mga IT dito kasi work from home lang lage ako...hehe

yet said...

How about dual citizenship? Is it possible sa US?

Evot said...

I think pwede magdual citizen...sa case ni charisse, magaapply lang cya sa Philippine embassy dito for her dual citizenship(US and PH).

Unknown said...

Pwede ba po ako ma petition ng mom ko kahit 20 years of age na ako? And also my mom is married na sa iba so iba na surname nya. May chance po ba? Ano po kailangan pagdaanan? Thanks in advance.

Unknown said...

Pwede ba po ako ma petition ng mom ko kahit 20 years of age na ako? And also my mom is married na sa iba so iba na surname nya. May chance po ba? Ano po kailangan pagdaanan? Thanks in advance.