Feature sa Kapuso Mo Jessica Soho nung Sabado ang Obsessive Compulsive Disorder or OCD.
Mahirap ipaliwanag kung ano ang OCD, so magbigay na lang tayo ng example. Ang matindi rito, naka-relate ako ng todo. Habang nanonood meron akong OCD tendencies. Yikes!
1) Ilaw
Ang mga merong OCD ay merong ritwal sa pagpatay ng ilaw. Yung sa TV nga, ginagawa niya. Patay, sindi ang ilaw ng 10 beses, para masiguradong patay ang ilaw. Di lang puwedeng patay-sindi, kelangan 10 times.
2) Lock ng Pinto
Para ring ilaw. 10 beses i-lo-lock at bubuksan ang pinto, para masiguradong na-lock.
3) Nagbubunot ng buhok
Isa sa mga na-feature ay may edad na babae na na-panot na. Dahil binubunot niya ang buhok niya sa walang dahilan.
4) Alarm
Merong isang mama na nag-a-alarm ng 8:30am. Tapos paggising niya, i-se-set niya ang alarm ng 9:00am. And then gigising ulit, tapos a-alarm ulit ng 9:30am. Hanggang umabot siya ng 10:30am.
At pag-alis nya ng bahay kelangan niyang bumalik ng bahay ng 3 beses, para ma-check kung na-lock niya ang bahay.
Interesting.
2 comments:
Eh di ang tagal bago makaalis ng bahay ng OCD!
C Ido talagang may OCD tendencies. Ireverse lang ung order:
1. Alarm - ay idong-ido yan mga 5x magpapaalarm d pa rin gigising!
2. Nagbubunot ng buhok - buti na lang makapal buhok kung hindi...
3. Lock ng pinto - d naman 10x mga 5x lang
4. Ilaw - ganun din parang pinto
Post a Comment