Narinig nyo na ba ang balita galing sa Malaysia tungkol sa Dengue mosquito? Ganito, para masolusyonan ang problema sa dengue, iniisip nilang i-alter ang mga lalaking Dengueng mosquito. Ilalagay sa laboratory at iinjectionan ng pampa-baog o kaya pampa-ikli ng buhay. Ang mangyayari, di na sila magkakaanak o kung magka-anak, e maikli ang buhay patay na kaagad.
Tinututulan ito ng mga Human at Animal rights activitists. Ganito raw kasi, kung kaya at puwedeng gawin yan sa mga hayop, e di ibig sabihin puwede rin injectionan ang mga hayop para magkalat ng panibagong virus. At saka, ano ang kasiguraduhan na ang mga dengue mosquitos ay hindi magkakalat ng ibang sakit pag na-injectionan na.
So parehas may tamang punto, ano po? Sugpuin ang dengue dahil marami ang namamatay sa buong mundo lalo na sa Asia. Sa kabilang banda, paano masisigurado na di gagamitin ang technology na ito para sa malawakang biological warfare.
Ano ang opinyon nyo?
1 comment:
dapat sagutin ito ng BS Bio hehe
Post a Comment