Sunday, January 2, 2011

PB New Year part 2

Pag New Year talaga sobrang daming games.  Dami kasi nagbaon ng palaro.

PAINT ME
Isa sa mga naging masayang games ay ang palaro ni Ayka.  Una muna ang mga 3G, ang nanalo ay ang mga Boys.  Next naman ay ang mga 2G, na boys ulit ang nanalo.

Nalaro na natin ito dati pa, pero modern version ito with judges.   Halata ngang kinabahan ang mga 3G judges nung 2G na ang naglalaban, paano tinatakot sila ng walang tuition fee at baon.  haha!  Inferness, OK ang judging nila.  Sinasabi lang nilang di nila maintindihan, pero gusto nilang sabihin minsan ay ang pangit naman ng ginawa hehehe.  So good job kila Ayka, Gab, Rap at Karen.

LOL
Nag-riot na naman dahil sa larong ito. Panalo na naman ang mga boys.  Medyo dehado pala ang girls team dito, kasi di pa nagsisimula tumatawa na sila Dianne.  Sa boys naman, kakagulat na mahirap palang patawanin si Tito Jorge.  Well si Gab din.  Eto kelangan nyo abangan ang mga pictures, para makita nyo pagmumukha ng mga PB habang nagpapatawa, dahil muka talaga silang ma-C-CR na o kaya e sinasaniban.

SPEED STACKERS
MOdern version naman ito ng Jollibee game.  Nag-demo nga muna sila Rap, Carl at Meg.  Nung naglaro ang mga 2G, na-realize ko na tumatanda na talaga kami.  Dahil, di na namin naisip mandaya hehehe.  Dati kasi, pinag-meemeetingan muna namin kung paano mandaya e. 

On the contrary, puro dayaan naman ang mga 3G.  Grabe. Ang bilis namang matuto nitong mga ito. 

Oo nga pala, e di naglalaro sila Kacey at Tehya nito.  E di syempre ang bagal.  Sabi ni Pia,  "maybe we should call this game Slow Stackers".  Hahaha.  Di po na-gets ng ibang 3G ang joke.

EVOT AND CHARISSE GAME
The winner was Kathleen.  Nung una sumusunod lang si Kathleen kila Tito BOyet at Tita Edith.  Pero nung may chance, e humiwalay na siya kaya siya ang nanalo.

Actually, mas controbersyal ang premyo kesa sa laro. Pero yoko na ikuwento dito hahaha. 

OCTOPUS GAME
Siyempre si Tito Jorge ay magpapalaro para sa mga 4G.  Lagi na lang natin sila nakakalimutan e.

Meron pang palaro si Tito Jorge, iyong mga magnetic Hexagons na i-sta-stack.  Ano nga ba pangalan nun?

HUMAN SLOT MACHINE
Si Tita Edith ay nagpalaro ng Human Slot Machine na naging saklaan.  Ang big winners ay sila Tito Par, Tito Jim at Tito Jorge.  Magulo pa kasi ang betting rules nung Round1 kaya kumita sila.

1 comment:

tito jorge said...

Tito Ido, yung unang game na pinalaro ko ay "pass the DVD case relay". Mga bata and teens ang mga kasali. Hindi masyadong exciting pero sa susunod may naisip ako para mas ok. Thanks.