Sunday, January 2, 2011

Ang Happy New Year ng PB

Pag New Year sa PB, ibig sabihin maraming games, at home-made food.  Nagsimula ang araw namin ng late, past 12 na kami kumain, pero ang dami ng pagkain.

Star of the table ay ang siopao and siomai from Tito Boyet and Tita Rhoda, e paano, meron pa silang dalang sariling steamer.  HInulaan kong di tatagal ng merienda yon, dahil nga masarap at bago.  Umabot ang siopao ng mga 6pm, pero ang siomai talaga namang inupakan ng PB.

For lunch gumawa sila Tito Par at Tita Bhogs ng Baby Back Ribs.  Ang sarap ha, naka 4 nga ako e.  Mabentang mabenta ang Molo Soup ni Tita Ate, unang naubos.  Si Lola Tiyang ay nagdala ng kaldereta, na yummy din pati patatas masarap.  Nalimutan ko kung sino may dala ng barbecue (sino nga po?) na patok din lalo na sa mga kids at 3g boys.

Si Lolipot at Tita Edith may dalang sandamakmak na balot at itlog na pula.  Ang dami ko ring nakain.  Meron ding mga nilagang at inihaw na gulay. 

For dessert, meron kaming Leche Flan (na gawa ni Tita Eyan) na the best tasting sinabi ko nga sa kanya.  Meron ding pakwan at ang sikat na sikat na Big Oranges (dala rin ni Tito Par).  Inadvertise ni Tito Jim na konti lang ang Graham Crema ala Shiela, na umabot naman hanggang gabi.  Si Tito Jorge may dalang peachy-peachy (ganun pala spelling nun!).  At syempre ang unlimited supply of drinks care of Tito Egay and Tita Dang.  At ang mas unlimited pang supply ng ice c/o Tito One hehe.

Mas masarap ata talaga ang pagkain kapag potluck.  Iyon nga lang ang problema, e maghuhugas pa at kanya-kanyang kuha ng drinks.  Na hindi na ata sanay ang PB hehe.

No comments: