Monday, January 10, 2011

Encounter with Local Celebrity

Kakatapos ko lang mag-park sa Makati, merong dumating na bagong bagong itim na Jaguar na sports car, wala pa ngang plaka.  Pa-park siya sa harap ng sasakyan ko.  Tingin ko di niya nakita ang isang maliit na movable concrete barrier sa likod niya.  Eh kakahinayang naman, bago sasakyan niya tapos mababangga lang.  So pinahinto ko muna siya at inuusog ang concrete barrier sa likod. 

Ayun naka-park na siya at umalis na rin ako.  Di pa ko nakakalayo, e may tumatawag sa akin "Sir, Sir...".  Ah si Dingdong Dantes pala.  Kasama si Marian Rivera, lumapit para magpasalamat.

5 comments:

Evot said...

Wow..nagpa-autograph ba sayo tito ido sila ding dong?hehe

ido said...

Di nga siya nagpa-autograph sa akin, kasi nagyoyosi ako. Pero at least nagpasalamat siya - maski na meron siyang brand new Black Jaguar.

egay said...

Di ba sa MSE office nyo? Ano naman ginagawa ni Dindong dun?....Teka, baka naman di sa MSE parking nangyari ito....

ido said...

Sa Palanca ito Tito Egay. Nung November merong bagong tayong resto/bar Gustavus ang pangalan. Dun sila papunta

yet said...

dapat nagpa-picture kayo.