7 hours ang trip from Singapore to Genting. So kumuha si Tita Che-Che ng sosi na bus. May video on demand at at ang reclining seat meron pang massage.
Since 2nd time na namin, di na namin ginawa ang mga pang-turistang bagay. So bakasyon talaga: Kain, tulog, shopping, casino, pag nanalo shopping ulit. Kain ulit.
Ang Christmas decorations sa buong Genting, made of recyclabe plastic. OK naman ang effect sa picture
Bumalik kami ng Singapore after 2 nights sa Genting, Malaysia. Pag dating sa Singapore, sa Marina Bay Sands kami nag-stay
Sobrang sosyal ng hotel na ito. LObby pa lang, ayos na
Pag ka-check-in eto ang welcome sa kuwarto namin =)
Eto ang room namin. Tempur ang unan =).
At ito ang binabayaran ng mahal sa Marina Bay Sands. Ang Skypark view.
Eto ang infinity pool. Bale pupunta ka ng 57th floor, tapos ang view dun ay pool na para kang mahuhulog sa building. very nice idea at execution. Natalo yung Burj ng Dubai.
And then on the 31st umuwi na kami ng Manila. For the first time nag-change of year ako sa loob ng eroplano. Not that bad - kitang kita kasi ang mga fireworks sa buong metro manila habang papa-landing kami.
Nung dumatin kami ng Laguna (mga 1:40am), ininvite kami nila Tito One at Tita Petite na sa kanila na mag-New Year's Eve dinner. Sarap! Thank you.
More pics courtesy of Tita Cheche on this page. para sa mga interesado: http://www.blogger.com/page-edit.g?blogID=7475868918418752774&pageID=6683022210073358227
No comments:
Post a Comment