1. Di ba ang sabi, para yumaman kelangan mo ng abilidad, sipag at tiyaga. Sasabihin pa sa yo na hindi ka yayaman kung hindi ka magsasakripisyo at talagang magpapakahirap.
Para mainis ang kausap, ang sagot: Paris Hilton. Socialite, galing sa sobrang yaman na pamilya, ang ginagawa mag-party at gumimik. Naka-trust fund kasi. Definitely, hindi nagpapakahirap at di nagtitiyaga para yumaman.
2. Di ba ang sabi, mag-aral ng mabuti para makahanap ng magandang trabaho at yumaman. Magsikap ng mabuti na tumaas ang grades, dahil tinitignan ng mga employers ang grades?
Para mas mainis ang kausap, ang sagot: Paris Hilton. Halata namang di siya mahilig mag-aral. In fact na-expel pa nga sya sa school (Canterbury School sa Connecticut, USA).
3. Di ba ang sabi, gamitin ang talento mo para yumaman o sumikat. Pagsikapang pagbutihin ang angking talino para mahasa ito ng husto. Kelangan ng maraming pagsasanay para talagang gumaling.
Para lalong mainis ang kausap, ang sagot: Paris Hilton na naman. Walang quality ang boses. Di naman bumibirit, actually wala pang isang octave ang abot ng boses niya. At wala rin namang katuturan ang mga kanta nya. Pero, ang album niya ay #6 sa US. At ang kanta niya ay no.1 sa 17 bansa.
Sa bawat Henry Sy, Manny Pangilinan, Bill Gates na nagpakahirap at gumamit ng talino para yumaman. Meron namang Paris Hilton, Nicole Richie, mga prinsipe at prinsesa ng Denmark, UK, na di na kelangang magpakahirap sa buhay.
No comments:
Post a Comment