Galing sa pep.ph. Eto ang link: http://www.pep.ph/news/28100/Willie-Revillame-airs-his-disappointment-over-John-Estrada-and-Randy-Santiago's-decision-to-accept-ABS-CBN-noontime-show
Willie Revillame airs his disappointment over John Estrada and Randy Santiago's decision to accept ABS-CBN noontime show
Mark Angelo Ching
Monday, January 31, 2011
Sa January 26 episode ng Willing Willie ay ipinarating ni Willie Revillame sa mga manonood ang kanyang sama ng loob.
Umabot sa kulang-kulang na limang minuto ang tirada ni Willie laban sa kanyang mga kaibigang sina John Estrada at Randy Santiago, na ayon sa controversial TV host ay magkakaroon na ng noontime show sa ABS-CBN.
Sa simula pa lang ng show ay sinabi na agad ni Willie ang kanyang saloobin. May bahagi ring kinausap niya sa telepono si John, at ipinarinig niya sa audience ang bahagi ng kanilang usapan.
Ayon kay Willie, hindi niya nagustuhan ang desisyon nina John at Randy na tanggapin ang offer ng Kapamilya network na mag-host ng bagong noontime show.
Sabi ni Willie, hindi raw maganda na tanggapin ng dalawang kaibigan ang offer mula sa network na "nanakit" sa kanila.
Dagdag pa niya, may inaayos na siyang noontime show para sa dalawa sa TV5, ngunit nagdesisyon nga ang dalawa na iwan si Willie.
Matatandaang hindi naging maganda ang paghihiwalay nina Willie at ng ABS-CBN. Si Willie ay dating host ng Wowowee. Tinanggal ng ABS-CBN ang show na ito matapos ang ilang kontrobersiyang kinasangkutan ni Willie sa pagho-host nito.
Sa huli, lumipat si Willie sa TV5 para mag-host ng Willing Willie, kahit pa kinasuhan siya ng ABS-CBN dahil umano sa hindi niya pag-honor sa kontrata sa network.
Hanggang ngayon ay wala pang resolusyon ang kasong isinampa ng ABS-CBN.
Dati nang nagkasama sina Willie, John, at Randy sa noontime show ng ABS-CBN na Magandang Tanghali Bayan (MTB). Nagsimula ito noong November 1998 at natanggal sa ere noong February 2005.
Wowowee ang pumalit sa MTB, na nawala dahil sa mababang ratings laban sa Eat Bulaga!—ang katapat nitong programa sa GMA-7.
Ang pumalit naman sa Wowowee ay ang Pilipinas Win Na Win, na tumagal lamang ng limang buwan sa ere.
Kamakailan ay may umugong namang balita na may nilulutong bagong noontime show ang ABS-CBN na ihu-host daw nina John Estrada, Randy Santiago, Toni Gonzaga, at Mariel Rodriguez.
Kinumpirma na ito ni Toni sa panayam sa kanya ng The Buzz kahapon, January 30.
"MAG-ISIP KAYONG MABUTI." Pagbukas pa lang ng Willing Willie noong January 26 ay ipinahatid na ni Willie ang hinaing niya laban kina John at Randy.
"Meron lang sana akong banggitin, e. Yung dalawang kaibigan ko... Yung dalawa kong kaibigan... 'Wag na kayong mag-noontime," simula ni Willie.
Ayon kay Willie, nasaktan siya sa desisyon nina John at Randy.
"Eto yung dalawang kaibigan ko, si Randy Santiago at si John, na dati kong kasama sa MTB na tinanggal, ngayon yata kinukuha ulit. Pag hindi kayo nag-rate, tatanggalin na naman kayo, mag-isip kayong mabuti. Tama?
"Sa akin kayo maniwala, ako ang kasama n'yo sa hirap at ginhawa. Maniwala kayo sa akin. Nasa inyo 'yan. Okay? Pag tumanda tayo, tayo-tayo pa rin ang magkakasama. Dito sa TV5, nakaplano na lahat. Okay?"
Dagdag pa niya, baka raw hindi na dumating ang dalawa sa kanyang birthday special, na ginanap noong Sabado, January 29.
"Darating pa kaya sila? Baka hindi na dumating, baka pagbawalan na. Sige, ipa-plug ko yung Eat Bulaga! araw-araw. Mag-guest nga ako sa Eat Bulaga!. Okay? Talaga. Eat Bulaga! tayo pag noontime. Ganun ang labanan, e.
"Mga kapatid natin sila rito, e... Maniwala kayo sa akin, ang ganda ng plano sa inyo. Ay naku, 'wag kayong mabulag.
"At siyempre po, John, Randy, kung darating po sila, di ko alam. Dahil alam ko kinukuha na raw sila ng noontime, magsisimula na raw.
"Naku, biglaan na naman! Walang kadala-dala.
"Sa akin ang unang news. Di nila naiintindihan ang buhay, e. Walang kadala-dala, o. Okay na, nandito na kayo sa langit, e."
PHONE CALL. Maya-maya, kinausap ni Willie si John sa telepono. Hindi naririnig ng audience ang sinasabi ni John, kaya mga sagot lang ni Willie ang naririnig nila.
"Ano, nasa live ka," bungad ni Willie kay John.
"Ano? Bakit? Bakit? May noontime na kayo dito, inaayos ko na, tapos aalis kayo. Ang hirap sa inyo, iiwanan n'yo na naman ako. Iniwan n'yo na ako dati.
"Tandaan mo 'to, hindi magre-rate 'yan. Tandaan mo 'yan. Ako nagsasabi sa 'yo. O, ayan, sige bahala kayo.
"E di ipa-plug ko dito Eat Bulaga! araw-araw. O bakit?
"Ito si John Estrada, nag-uusap na raw sila. Nandito sa studio, sandali... Ano? Hindi inaayos ko, e.
"Kasi dapat may noontime show sila rito, e. Tapos bigla na lilipat sa channel ano naman. Inaayos ko na, tapos eto. Inaayos ko na lahat, tapos bigla niyo kong iiwan na naman? Ano?"
Kahit tila nakangiti si Willie, may pagbabanta pa rin ang tono niya kay John, na ikakasal na sa kasintahang si Priscilla Meirelles sa February 26.
"O, ano, hindi na ako pupunta sa kasal mo, maghanap ka ng ibang best man... Hindi na, basta maghanap ka ng ibang best man.
"E, ikaw, bahala ka. Basta ako, iniwan n'yo na ako dati, pinagkaisahan n'yo 'ko, bumalik ako sa MTB, hinanap ko pa rin kayo. Kayo pa rin ang binalik ko, alam n'yo 'yan.
"Pero kung iwan n'yo ako ngayon, okay na 'yan. Magsolian na tayo ng kandila. Okay lang 'yan. Kung mas mahal n'yo 'yan, yung gumanyan sa atin, tinanggal tayo, hindi kayo nag-rate... Pag hindi kayo nag-rate, tatanggalin din kayo d'yan. Tama?"
Nasaktan daw si Willie sa pag-alis ni John sa TV5. Si John ay isa sa mga host ng Sunday variety show sa TV5 na P.O.5.
"Basta bahala ka na. Basta minahal kita bilang kaibigan. Pag nag-Channel 2 ka, at nag-noontime show ka dun John, wala kang kaibigan na Willie.
"Masakit ang gagawin n'yo sa akin. Dahil inayos ko na, nag-meeting na ako kagabi tungkol sa noontime show dito. Yun lang.
"Masama talaga ang loob ko. Masama ang loob ko dahil inayos ko na kay Mr. MVP [Manny V. Pangilinan], kay Mr. Ray [Espinosa]. Pero kung diyan kayo masaya, sa taong nanakit sa akin, nanakit sa atin dati, diyan na lang kayo.
"O, sige lang, magtatrabaho muna ako. Okay na yun. Okay? Sige."
Nang binaba na niya ang telepono ay kinausap ni Willie ang live audience.
"Kayo ang importante sa buhay ko, di ba? Alam n'yo, nag-meeting na kami, e. May noontime show dapat dito, Randy-John.
"Masakit sa loob ko dahil inaayos ko na maayos sila rito, tapos biglang in-offer-an sila ng Channel 2. Nandun na naman sila sa Channel 2."
At ang huli niyang salita tungkol sa isyu ay ang pag-promote sa dati niyang kalabang noontime show.
"Eat Bulaga! tayo," sabi ni Willie.
JOHN'S APOLOGY. Samantala, nagbigay naman si John ng isang apology kay Willie sa TV5 Sunday showbiz talk show na Paparazzi.
"Iniyakan ko na 'to ng ilang beses, ipinagdasal ko na rin... Di ko masabi lahat sayo sa txt, pero kung bibigyan mo ko ng pagkakataon para makapagusap tayo eh di mas maganda, alam ko na nasaktan ka at humihingi ako ng dispensa.
"Pero mamatay na buong pamilya ko, nung pinatawag ako, ikaw ang una kong inisip at sinabi ko kay Randy kailangan kausapin ka na namin. Kaya lang tuma-timing kami, pero 'yun nga naunahan na naman
3 comments:
napanood ko ang episode na yan sa willing willie , totoong sinabi yan lahat live sa ch 5 , ang lakas ng loob nya na i broacast , nagsisimula naman si willie ng bad attitude ! tingnan natin kung ano reaction ng ch2 !
wala talaga professionalism yang W na yan!
wiling wili magpa-importante talaga itong si willie. bakit nga ba pinapayagan sya magsayang ng airtime para sa mga personal na ngakngak nya. bakit nga ba nasa tv pa rin sya in the first place!
may values ba talagang nakukuha sa panonood kay willie?
Post a Comment