Sunday, March 15, 2009

Tribute to Tito Jorge

Si Tito Jorge ang aking role model at idol, nung lumalaki ako. Mabait, matalino at mahaba ang pasensya.

Meron kasi siyang natatanging gift sa page-explain ng mga bagay-bagay para maintindihan ng mga bata. Nung mga 7 years old ako tinatanong ko siya tungkol sa course niya, at kung kelan siya matatapos. Inexplain nya na since 3rd year siya ay asa letter 'R' na sya engineering. Simula nun, ganyan na rin ako mag-isip. Asan ka na ba, relative sa kung ano ang gusto mong maging sa sarili mo. Importante mong malaman kung asan ka, kung alam mo kung saan ka pupunta.

Si Tito Jorge din ang nagtyagang magturo sa akin ng tennis. Using the wooden racket, nagtyayaga siyang makipagtennis maski mas matagal pa kaming pumupulot ng bola kesa pumapalo.

Sobrang lawak ng kaalaman ni Tito Jorge dahil puwede siyang makipag-usap maski anong topic: sports, politics, business, leadership maski showbiz. Siguro dahil mahilig siyang makipag-kuwentuhan. Isa rin syang pacifist, di nakikisawsaw sa mga gulo at intriga.

Si Kuya Jorge sa ngayon, ang source ng mga jokes at pagpapatawa. Parang laging relax, cool at walang problema. Para syang di na-stre-stress kaya nga meron syang dalawang sikat na "Tito Jorge quotes".

"Ang buhay ay hindi pahabaan, kundi pasarapan" at saka

"Ingat".

Mula sa mga humahanga sa iyo, sana ay maging relax ang iyong kaarawan.

Happy Birthday Tito Jorge!


25 comments:

Anonymous said...

Happy birthday lolo Jorge!!! INGAT!!! =)

Anonymous said...

HAPI BIRTHDAY JORGE ang JOKER ng PB!

Naalala ko nung nagearly retirement ako ang daming kumontra sayang daw ung malaking sweldo ko c Jorge lang ang nagagree "tama yan auntie enjoy mo lang ang life habang bata bata k p"

galing nga nyang magdala ng buhay parang ang gaan..."level headed" at "NEUTRAL" sb nga ni par he he..

Anonymous said...

Happy birthday Jorge, tama nga ang sabi ng mga miyembro ng Pamilya Banal,,, isa kang "cool" na tao, kung s showbiz ay maihahambing kita kay Vic Sotto at kung sa basketball player naman ay para kang si Mon Fernandez.

Pag alam mong medyo mainit na ang usapan ay mabilis ka makaisip ng Joke na mas madalas kaysa hindi ay kwela naman!

Maligayang Kaarawan Idot!

Anonymous said...

Hapi bday Kuya Jorge Covey! May you have more jokes and birthdays to come! Go pink team!! :):)

Teka, history recall pls.. bakit nga "Idot" ang nickname ni Kuya Jorge?

Anonymous said...

hapi bertdey ninong aka john lloyd...hehehe... =)

Anonymous said...

dot happy b day , keep up the good works ,ang alam ko che kaya IDOT ang nickname ni jorge , kasi non bata pa kami medyo bulol kami di namin masabi ang jorge kaya naging idot bulol na 'jorge'tama dot

Anonymous said...

Maligayang kaarawan sa aking pinaka cool na pinsan. Sana makuha ko kahit kalahati ng pagka cool mo. Kelan ka magpa kape? hehe

Happy happy birthday again!!

Anonymous said...

i agree. kuya jorge, pa-kape ka naman jan.

Anonymous said...

happy bday kuya jorge, dalawang J si kuya Jorge para sakin, "Joker" at "John L"

Anonymous said...

tatay happy birthday po! :D

...katabi lang po kita eh :p

Anonymous said...

happy birthday tatay. :)

nakakatuwa naman po na marami sa inyo ang may good memories with my tatay. para sakin, fun rin po sya na tatay. feeling ko nga po maraming bata na gusto syang maging tatay. dahil po sa kanya, natuto po ako magpalipad ng saranggola! si tatay rin yata nagturo sakin mag-bike. tapos masaya po sya na tatay kasi po nagmamagic po sya sa bahay :) and yes, nag-jo-joke po sya palagi samin. fun diba? siya po nagtitiis mag-gising sakin pag umaga, tsaka po maghatid papunta po sa school. (nag-spee-speed-racer kami every morning!) napakahirap po na gawain ng mga yun pero po pinagtitiyagaan ako ni tatay.

kung pag-greet lang po ng happy birthday ang irerequest mo po sakin, (kahit impractical dahil magkatabi naman po tayo,) syempre pagbibigyan ko po yun. konti lang yun compared sa mga nagawa mo po para sakin. :D

happy birthday po tatay! ingat ka rin po palagi. :)
(wag mo po kakalimutan mag-seatbelt pag wala na po ako ha :P )

Anonymous said...

hapi bday!!!

huli nanaman... ok lang yung huli, di ko naman nakalimutan.:))

ok na lynx mo?

Anonymous said...

hapi bday!!!

huli nanaman... ok lang yung huli, di ko naman nakalimutan.:))

ok na lynx mo?

Anonymous said...

happy birthday tito jorge...!

as always... ang tawa nu po ang naaalala ko po s inu... hehehe!

ingats po plgi...

God bless...!

Anonymous said...

Jorge, Happy happy birthday!!!

Anonymous said...

Tito Jorge,
Hapi Birthday po!

Anonymous said...

Jorge, habol ako ng greetings to u.
Happy Birthday!!!

Anonymous said...

Tito Jorge Happy Birthday although late na yta greetings ko. God bless u!

Anonymous said...

oh my gosh! bday pala ni Tito Jorge ang magpapa-blog kay Tita Bhogs. todo na ito

Anonymous said...

Siya ang nag-introduce ng dictum na "work hard , play hard" sa bahay namin.

Ako yung work hard, siya ang play hard, hehe. (:)joke)

Kidding aside, sa bahay diverse ang temperaments namin. Ako ang highly choleric (doer), si Ia ang super melancholic (thinker, ponderer).. Parehong seryoso, pang mental. Si Tatay , being a sanguine temperament, ang air namin.. light hearted, fun loving, entertainer. Taga balanse siya talaga.

Happy birthday, Tatay! Hindi ka lang BEST PARTNER in life (kayang-kaya mo si Ia!), BEST PARTNER ka din sa ating enterprise! (o, wag ka hihingi ng increase ha.)

EGAY said...

Tito Jorge,

Happy bday!

Huli man daw at magaling, e huli pa rin!

Nag-iingat lang po...

Anonymous said...

happy birthday john lloyd!:)

jorge said...

Part 1. - Una sa lahat, maraming salamat sa lahat ng nag greet sa akin sa birthday ko, dito sa blog, sa chat box, sa txt at kahit sa isip lang, nababasa ko naman naiisip nyo (mind reading), maraming salamat! At para sa inyo, ihahandog ko ang isang classic birthday joke, sa part 3 ng aking mahabang comment. Reminder: mag CR muna kyo pagkatapos ng Part 2.

Part 2. - Sa totoo lang, parang hindi ako yung dinedescribe ni tito ido dun sa “tribute to tito Jorge”- yun bang mabait, matalino at mahilig magbasa. Baka naman may bayad, charge ako ni tito ido later. Yes, agree ako dun sa pacifist, I subscribe sa turo na pagsinampal ka sa kanang pisngi, ibigay mo ang yong kaliwang pisngi.

Mabait? – sa tingin ko hindi talaga ako mabait pero kung sa bagay binalak ko dating magpari (priest, would you believe). Nag-audition ako para magpari – una sabi nung obispo sa akin, kailangan magbigay ka ng joke yung nakakatawa, alam mo naman pagnagmisa ang mga pari, palaging may joke. So nag joke ako at pumasa naman, tungkol kasi sa pari yung joke ko, yun bang naggogolf na pari, tawa ng tawa yung obispo.
Sa pangalawang test, sabi ng Obispo, lahat ng pari ay kumakanta lalo na kung high mass puro kanta yan. Dito na ko bumagsak, kaya nag engineering na lang ako.

Matalino?- Kahit minsan hindi ako nagka “laude” as in summa cum laude or magna or cum laude. Ang naging title ko lang ay “sana cum laude” at “sauna cum laude” (sarap yan with matching steam bath!).

Magbasa? – natawa si ate Ia dito dahil pagmay book si Ia at tinatanong ako kung gusto kong hiramin, ang sagot ko ay aabangan ko na lang maging movie. Yes, nagbabasa ako kung assignment or requirement sa school and work. Ang natatandaan ko lang na binasa ko na at my own free will ay ang “The Little Prince” which I consider a very good handy book for all ages.

Pero ganun pa man, maraming-maraming salamat sa tribute mo tito ido, appreciate it very much!

Part 3 – Happy birthday joke na handog ko sa lahat lalo na yung mga ng nag-greet sa akin ng happy birthday, ang title ay “Blah-blah”.

Narrator: Pinananganak ang isang lalaki. Ang tatay nya ay milyonaryong mayaman, all-knowing, may superiority complex, may pride chicken.
Father : What do you want for your birthday baby?
Son: I want a blah-blah
N: Binigyan ng tatay nya ng magandang toy. Nagbirthday ulit, tuwing birthday ang gusto nya ay blah-blah. Dahil mataas nga ang pride at all-knowing ang tatay, hindi nya tinatanong kung ano ang blah-blah sa anak, bigay lang ng bigay. Nung seventh birthday, tinananong ulit.
F: What do you want on your seventh birthday son?
S: I want a blah-blah daddy!
N: binigyan ng tatay ng PSP. Pero malungkot pa rin ang anak sa kanyang mga natatanggap na regalo. Nung 12th birthday, bicycle, 17th birthday, motorcycle. Nung 18th birthday, nagtanong ulit ang tatay…
F: You are a big man now son, what do you want as a gift from me?
S: Dad, I want a blah-blah.
N: the father gave him a sports car, hindi pa rin masaya ang anak. Nung 30th bday, nangtanong ulit yung tatay.
F: Son, what do you want on your birthday?
S: Father, I want a blah-blah.
N: binigay ng tatay ng yacht at yung kumpanya nila, yung anak na ang namahala and everything, pero hindi pa rin masaya ang anak. Isang araw, nagdridrive ang anak papuntang office, nabunggo ng truck, grabe ang anak, malapit nang mamatay, naabutan ng tatay sa hospital, naghihingalo ang anak.
F: Son, what is your dying wish?
S: Father, I want a blah-blah.
N: hindi na nakatiis ang tatay, tinanong na ang anak tungkol sa blah-blah.
F: Ok son, I will give you a blah but tell me what is a blah-blah?
N: the son replied…
S: A blah-blah is… a blah-blah is….
N: biglang nalugatan ng hininga yung anak, patay! The End.

Hanggang ngayon, wala pang nakakaalam kung ano ang blah-blah.

Thank you,

Idot

Anonymous said...

Belated Happy birthday Jorge!

Better late than never. I wish you all the best because you deserve it talaga. You have been good to me and to Yeyen. Di namin malilimutan ang mga kabutihan mo lalo na kapag bilihan na ng mga school supplies at may na-oospital. Napakabuti mo talaga!. (Si Jim din, minsan.)

Eto ka o (tama ba?)

J - joyful
O - obedient
R - respectful
G - good-looking
E - excellent son, brother, father,uncle, ninong,co-worker,
relative,friend,kapitbahay,etc.

kulang pa ba? you are the best. sana di ka pa kunin ni Lord!

HBD. We love you!!!

Anonymous said...

Belated Happy birthday Jorge!

Better late than never. I wish you all the best because you deserve it talaga. You have been good to me and to Yeyen. Di namin malilimutan ang mga kabutihan mo lalo na kapag bilihan na ng mga school supplies at may na-oospital. Napakabuti mo talaga!. (Si Jim din, minsan.)

Eto ka o (tama ba?)

J - joyful
O - obedient
R - respectful
G - good-looking
E - excellent son, brother, father,uncle, ninong,co-worker,
relative,friend,kapitbahay,etc.

kulang pa ba? you are the best. sana di ka pa kunin ni Lord!

HBD. We love you!!!

March 23, 2009 2:02 PM

yet