- Sa kabilang banda, sinasabi ng Guiness Book of World Records na ang presyo ng pinakamahal na toilet sa buong ay mundo ay $4.9 Million. Ito ay solid gold, pati nga iyong lalagyan ng toilet brush e ginto rin. Ginawa ito ng jewelry tycoon na si Lam Sai-Wing at matatagpuan ito sa HongKong.
- Sa Singapore, puwede kang ma-fine hanggang $150 pag nakalimutan mong mag-flush ng toilet
- Sa Switzerland, bawal ng mag-flush ng toilet after 10pm kapag sa apartment ka nakatira (so paano kayo gagawin mo ano?)
- Ang pinakamahal na pinagawang toilet sa labas ng mundo? Ang toilet sa ibaba na nagkakahalaga ng $19 Million. Kasi, NASA ang nagpagawa nyan para sa space shuttle. Kasi imaginin nyo na lang kung walang CR dun, e di maglulutangan ang mga particles - baka iyon ang mga nakikitang unidentified flying objects.
- Magkano ang presyo ng PINK URINAL na pinatayo ng MMDA sa kahabaan ng EDSA? Ang sagot: P35,000 bawat isa
- Nung 2008, ang ratio ng toilet-bowl sa bawat High School student ay 1: 102. Ibig sabihin sa bawat 102 na estudyante merong isang toilet bowl.....euuuuuuw. Ayon to sa Aliance of Concerned Teachers.
- Sa United Kingdom, mga 855,000 na cellphones ang nahuhulog sa toilet
Kung mahulog ang cellphone mo sa toilet matapos mong mag-ano, kukunin mo pa?
No comments:
Post a Comment