Sunday, March 29, 2009

PB OUTING - NICOLE's TOUR

Maganda ang Nicole's Place visually. Bago pa kasi, Dec 2008 lang nag-open. So intact pa ang ganda ng pintura at quality ng mga facilities. Kung ano yung picture sa Multiply site, yun din sya live. Tour ulit tayo ha.

2:30 nung Saturday dumating si Tito Egay. Kita nyo na ang "very pink" na place with white highlights. Di ka pala talaga maliligaw, naiiba kasi e.



Ito ang gate na astig - sosyal at sobrang bigat, hirap ngang isara. Bukod sa PINK, kita nyo rin ang mga muted brown shade sa loob ng place.



Nakakita na ba kayo ng PANSOL Outing Venue na merong CHANDELIER? Pang-mayaman di ba? Syempre PINK din.




Kaya di masyado maingay kasi naka-enclose sa glass ang lugar (theory ni Lola Maam). Sa palibot makikita mga stained glasses - sa entrance, sa sala, sa 2nd fl at dun sa papuntang SWIMMING POOL.

Kita nyo ang swimming pool behind the glass? yung pinupuno pa lang ng tubig. Mga 3pm ito e.




Laki ng pool. Mga 4pm, di na makatiis ang mga PB children. Habang pinupuno ng tubig ang pool, e swimming na kaagad. Iyong tatlo na mag-didive sa malayo ay sina Carl, Denniel at Kathleen. Mababaw pa ang tubig, nag-di-dive na.

Sa loob ng dalawang araw lagpas 20 hours ang swinimming ng tatlong yan.




2nd floor ng Nicole's Place ay mga rooms. Abangan ang mga paparazzi pics. Very soon!

3rd floor ay Billiards at Tambay hall. Matapos magmahjong, nakibilyar si Kuya JE at Kuya Evot with Kuya Kevin. Nakarami sila ng laro, di kasi nakaakyot si Tiyong e =).



Sa 4th floor naman ang roof deck. Si Miguel at Carl tinitignan ang view ng Mountains... at iyong mga nagswi-swimming sa ibang bahay. hehe.
Nice di ba? 4 floors! Pero, balik na tayo sa baba ha, tignan natin ang ginagawa ng PB.
Si Miguel ang suki ng darts pero asa picture si Carlo at Rap. Grabe naman si Carlo sobrang tangkad na! Si Raprap naman ay payat pa rin. Eto ang sample ng usapan namin ni RapRap:
TITO IDO: Rap, bakit ang dami mong tigyahawat? Maghilamos ka lagi ha. Di ka pa naman sobrang talino dapat guwapo ka.

RAPRAP: Matalino po ako, tamad lang.
Sa giligd ng darts area ay side entrance papuntang main area.
Ikot naman tayo sa main entrance.
Ano pa nga ba ang aasahan ninyong bubulaga sa inyo..........SUGALAN! hahaha. Kakabilib e pinataob ni Tito Jim ang mga kalaban. Ayaw pa nga siyang isali nung una, dahil di sila naniniwalang marunong sya, pero mahusay naman pala.
Sa baba ang bagong MAHJONG crew. #1) Tita Dang. Partida wala pang YAYA si PIA ha. Sabagay si Pia nag-swim na mag-isa, si Meg nakikipag-inglissan kay Thea (so medyo busy). Si Miguel nag-da-darts nga at nag-so-sounds at nag-do-DOTA. Si Gab? Abangan.
Si Lola Maam mukhang aliw na aliw at naka-mahjong na rin sya after a long time.
Si Ate Bhogs ang blooming kanina ha. Sa lahat ng outing, dito namin siya nakitang sobrang saya. Yun na nga lang, di raw sya madalas tumodas sa mahjong.


Ang gambling area din ang videoke area. So dito talaga ang tambayan ng PB. Natutuwa talaga ako kay Tiyang, BLOG-Conscious! Pumo-pose na talaga sya ngayon ha. Sumunod pa sya sa motiff ng lugar ha - PINK na PINK.
Pero ang astig, e maski nagkakagulo na ang lahat sa likod at paligid nya. POSE TO THE MAX pa rin siya.



Eto naman ang videoke area, katanghaliang tapat (sorry sa glare ng picture). Kinabog ako ni Tiyong at nag-mini-concert sya e.
Pero eto na yung kinakanta na niya ang BOOM TARAT TARAT (PAMASKO), na di na talaga makatiis si Pia.



Dami pang pics at BLOG posts. Wala pa nga yung Octopus, food, PRESSCON, POKER, iyong kay Gab, at Paparazzi. Dami pa. Kaya...ABANGAN.

5 comments:

Che said...

NICE!!! PARANG ANG SAYA, KAINGGIT!

MORE PICS PLS!

Lola maam said...

Nice nga Che maaliwalas ung lugar, sk gusto ko ung pool d gaano mainit ang tubig tamang tama timpla for a hot summer day.

Mababait din ang caretakers pinapasok kmi kahit 2:30 p lang eh dapat 5:00pm pa magpapasok.

Bago pa mga gamit wala pa kc i year ung place. Galing ni Egay pumili ng venue!

lola maam said...

Napansin nyo b? Sa lahat yata ng PB gathering ngayon lang d inantok c tiyang! Hindi cya nahuli ng paparazzi ha ha!

C tiyong naman die hard willie talaga boom tarat pa rin!

charisse said...

Nakakainggit nga ang outing. Sana andyan din me. Nakaka-miss din tgal na yta last time me nakasama. Pero kahit na sa pictures ko lang nakikita ang mga event feeling ko na din na kasama me kasi ang saya-saya nila..

yet said...

hI, Che,

Akalain mong habang kumakanta ng 'Buhat' si Tyang eh nawarak ang chair kaya binuhat talaga siya. Tama lang sa pinili nyang kanta.