Nag-voice chat kami ni Che-Che. Sabi nya, bakit di ko raw cino-congratulate ang mga graduating this year? Ang sagot ko ay..di ko nga kasi alam kung sinong gra-graduate e.
So ganito:
- Huwag masaktan ang mga hindi ko nabati, pero gra-graduate naman pala
- Huwag masaktan ang mga HINDI gra-graduate pero nabati ko. Haha
- Sabihin nyo na lang sa akin, madali akong kausap
Game?
1) Congratulations to AJ! High School na siya next year, wow! Kaso ang graduation nya ay sa Saturday. Remember, dapat nga didiretso si Tito Boyet from graduation to outing.
2) Advanced congratulations to Aix! Sinigurado raw niya na gra-graduate siya. May board ba ang course mo Aix?
3) Congratulations to Ashlie! Graduate from pre-school with honors. Nice! Dati nga nagtataka ako kung paano siya nakaka-blog. Pero since Best in Computer din siya. Di na ko nagtataka. Mahusay Ashlie!
4) Also, congratulations kay Julienne. Ipapadala sya sa Peace Camp sa Japan kung saan siya ay isa sa mga students na magiging Peace Advocate. Tinanong ko si Ate Yet kung ano ang gagawin ni Julienne dun. Ang sabi nya ay magsasayaw daw si Julienne. Tapos pag nagustuhan ng Hapon e magbibigay sila ng pera. Na-shock nga ako e, ano ba yun? hahaha. pero syempre malamang patawa iyon. Good Luck Julienne! Enjoy your first plane ride and trip to Japan.
13 comments:
congrats class of 2009 graduates!
(FYI: mali ang "batch" na word kasi hindi para sa tao ginagamit yun)
bon voyage Julienne...
graduate na din po ako ng pre-school.outstanding student po ako and best in computer.
Naalala mo pa pala Ido ang sinabi ko na pagkatapos ng graduation ni Aj ay didiretso kami sa outing ng PB kahit na sa Laguna ganapin pero dahil ngayon nga na di ako makakauwi, kahit sa new site ay di ako makakasama,,,saka n lang ako babawi.(siyanga pala, ang graduation ni Aj ay sa hapon ng 3/28)
Maligayang bati sa mga ga-graduate ngayong 2009 at sa mga may karangalan na tatanggapin kagaya ni Ashlie!!! Maligayang bati!
Congrats Ayka, AJ at Ashlie!!
Congrats din Julienne... aba bago yan ha, "Dance for Peace"! Galingan mo ha for the sake of world peace! :-)
Congrats sa mga gragraduate...
Congrats Ashlie, kanino ka kaya nagmana? hehehe...
nax nman si julienne, makakasakay na ng airplane at makakapunta na sa land of the rising sun. pasalubong julienne...hahaha... =)
To AJ and Aika: Congratulations, graduates!
To Ashlie: Congrats, Ashlie! Wow, outstanding student na, best in computer science pa!! (Sabi nga ni ate Ia, matalino talaga si Ashlie, kahit nung bata pa. Magaling magsalita and with sense daw. :)
To Julienne: Enjoy your trip and behave ka dun! (hehe.. natawa naman ako dun sa "Dance for Peace ...for the sake of world peace!!=)
thanks po sa greetings!
pwede din po for overseas ung course ko po... pro kaylangan p po ng experiences dito po... kaya un po... kya super tgal p po nun...
c u po sa outing...
mali po ang basa ko sa question nyo po... sensya n po... hehehe!
wla po kming board exam kc po ongoing p po ung approval regarding it... pro pwede po mag mock exam... prang volutary exam for food tech gradutes po... pro after two years work in the industry void nrin po... kya po bka d n po ako kumuha po nun...
ah! ganun pala iyo. Nutrition ata ang merong board ano?
meron po ang nutrition po...
pero ok nrin po un... less isip... at effort... hehehe!
NAPAKAGALANG PO TALAGA NI AYKA PO! :-)
Thank you po kay Tito Ido, Tita Che che, Tita Helen, Tito Boyet, Tito Ayo at Kuya Evot.
Sa 'Asian Children Peace Camp' po ako umattend bilang delegate ng Phils. Nag-speech po ako 'dun para sa peace, nagpresent po kami ng isang katutubong sayaw ng mga Muslim (Karatong)at namasyal sa Osaka park, castle at zoo. Enjoy naman po ako 'dun lalo na sa plane.
Post a Comment