Tuesday, March 31, 2009

Sari-Saring Pics: PB Outing Part 5

1 or 4 BALLS
3/28 5:50PM

Kakaiba talaga ang dulot na saya pag malapit ka ng tumodas. Kakaiba rin talaga ang saya ni Tita Dang pag nag mamahjong. Pansin nyo rin?



LIKE LOLI, LIKE LOLA, LIKE MAMA
3/28 5:55PM

Meron ba talagang training ng pag-po-pose sa bahay nila Tita Edith. Kasi matatandaan na si Lolipot, si Ate Edith at si Karen, may ganyan ring pose.




BIOGESIC MULTIVITAMINS
3/29 4:22AM

May kakaibang kapangyarihan ang Biogesic na nagbibigay resistensiya. Pansin nyo ang oras sa relo? Maski madaling araw...ganun pa rin..Ingat!



MGA RELIHIYOSO
3/29 4:35AM

Maski madaling araw, walang hinahangad si Tito Egay, Tito JOrge, Tito Jim, Tita Yet, Tito Ayo, Kuya Evot, Tito Ido, at JE - kung hindi mapanalunan ang makahulugang pamaymay na ito.




Mr. Pogi
3/29 10:32AM

Sorry na lang sa iba, talagang grand slam na si Andrei sa pagiging Most Photogenic. Matindi dyan, e naglalaro yan ng PSP, at tinawag ko lang pangalan niya, pose kaagad.



PERFORMANCE LEVEL
3/29 10:39AM

Maski na ang tatlong audience mo ay abalang nagchi-chikahan, effort pa rin sa pag-Videoke. Buti na lang andun si Manong driver.




DEDMA POOL
3/29 10:45

Fans talaga ako ng mga dedma to the world. Maski busy na busy ang lahat sa kaka-swimming, kelangan focus ka pa rin pag may picture.




BFF
3/29 10:46

Di ba ang sweet sweet nila? Ang di nyo lang alam ay bago mag-picture, naghahabulan at nag-aagawan ang dalawang yan sa salbabida.


PAPARAZZI
3/29 10:52AM
In the first of the revealing paparazzi pics...salamat naman at naligo na sya, tanghali na ano. Di ba OK ang mga PB, maliligo na lang artistic pa ang shot.


No comments: