Wednesday, March 4, 2009

Kung anu-ano

FRONT PAGE
Sobrang baba na naman pala ng satisfaction rating ni GMA based on Pulse survey. Pero ang trust rating niya ay mataas. hmmm. puwede pala iyon

TAMBAY
Alam nyo ba kung aling starbucks sa Pilipinas ang pinakamalakas - in terms of customers? Akala ko rin ang Starbucks sa may Shell sa SLEX. Ang sagot ay: Starbucks sa 6750 - sa tapat ng Shangri-la. Sabagay di nawawawalan ng tao dun hanggang alas-3 ng umaga.

FANTASY
Yes, no.3 na ko sa fantasy league namin. Maraming salamat kay Wade. Pero ano na naman ba problema ni Caron, may sakit ba talaga yun?

WOMEN
Meron palang mga women's group na di natuwa sa pakikipagbalikan ni Rihanna sa boyfriend nyang si Chris Brown, matapos siyang bugbugin. Di ko sigurado ang magiging reaksyon ng mga tao sa susunod nilang concert o sa kanta na i-re-release.

WEDDING
Ang dami namang nagpapakasal ngayon buwan ng March! ano ba meron? Linggo-linggo merong kasalan akong inimbitahan.

GAS
Ang laki naman ng diperensiya sa presyo ng diesel sa gas. makatarungan ba yun?

TV
Parang puro telenovela na lang palabas sa TV. Meron na sa hapon, at sandamakmak pa sa gabi. So ang balita nagsisimula ng 11:30pm. Tapos ang favorite kong palabas mga 1am na.

1 comment:

Anonymous said...

syempre lahat ng babae d agree na makipagbalikan pa yang c rihana matapos cyang lamugin!

feb kc 28 days lang sb s pamahiin d magandang magpakasal pag kulang ang days ng month eh ang susunod april ang tagal p pag hinintay ang may (tama b logic ko)?

sa hirap kc ng buhay nagkakasya n lang ang pinoy manood ng mga drama kung saan panandalian nakklimutan ang kanilang kanilang mga problema

pero sa totoo lang nakkbwiisiit na yang mga teledrama n yan!!!