Friday, March 20, 2009

MANNY MONEY

Akala ba ni Manny Pacquiao e malulusutan niya ang breach of contract with Solar Sports at GMA? Ang tingin ko? Oo, noh. Sigurado kong cinompute na ni Manny yan. Maski ibalik nya ang pera at magmulta, wala yan sa kikitahin nya sa susunod na laban. Sobrang sikat ni Manny sa buong mundo, maski iyong kliyente namin galing Spain at Germany kilala siya. Since British ang kalaban niya, maraming European endorsers and siguradong lalapit sa kanya at mag-co-cover ng show.

Meron ba siyang mawawala na mga fans at friends. For sure. Pero everytime naman mananalo siya, mas dumadami ang fans niya.

Puwedeng sinusubukan niya kung gaano siya kalakas ngayon at kung paano niya kayang paikutin ang mga ito. Tingin ko kayang-kaya niya sa panahon ngayon. Election next year, walang gustong makagalit si Manny Pacquiao sa 2009 at 2010.

Ibang usapan na nga lang kung matalo siya.

2 comments:

Anonymous said...

Astig na tlga yang c Manny Money! Despite the threat from SOLAR SPORTS that they will drag the case to court, he INSISTS: It's ABS-CBN to air his fight (source:Sat Inquirer)

Wala kayang magwish na matalo cya?

Anonymous said...

Bawi ko na cnabi ko na astig tlga c manny!

Natakot yata sa karma, biglang bawi - Solar na uli at sa GMA na mapapanood. Naiwan sa aire ang ABS-CBN ha ha!