Thursday, March 12, 2009

2 or 27?



Kahapon, March 11 nga pala ang 2nd Anniversary ng Silver Anniversary ng Wedding ni Tito Jim at Ate Vangie. Di ba nga muntik pang magkaproblema dahil sa legalities ng unang kasal. So, di ko sure kung babatiin ba natin sila ng Happy 2nd or Happy 27th.


Makasaysayan ang Silver Wedding na yun. Kasi nga una iyon sa 3rd Generation. Tapos Garden wedding pa. Parang ang daming nangyari nung araw na iyon e, eto mga naalala ko.


- Sobrang ganda ng damit ni Ate Edith =).


- Magaling akong host nung araw na yun. Medyo may topak ata ako nung simula kasi ang init! E ang pogi ng suot ko nun - suit talaga. Anyway, sobrang enjoy ako sa hosting nun - kasi nga pang-sosyal so English ako madalas. Di mahaba ang program kaya di boring. Pero medyo complex ang program - challenging kung baga. Basta OK ang hirit ko nun araw na yun - pasaway ng konti pero di mayabang at nakakatawa. Pinuri ko ang sarili ko hahaha. di, pero ok talaga ang hosting ko nun.


- Ngapala, the day before ang debut ni Ayka and Kriza. Kaya siguro ako na-lowbat nung simula ng reception, kasi ginalingan ko rin ang hosting nun.

- Di ba dun din nagkamali ng bilang si Ditse? hahahaha


- Nag-contest nga ba ng greetings ang bridesmaid at groomsmen? Basta impromptu iyon na nakakatawa. Shucks! Di ko maalala kung paano, basta alam ko nakakatawa.


- Pati yung mga nag-greet OK din. Pati nga si Joshua OK ang sinabi "Sana di na magsisisigaw si Papa". hahaha


Inaabangan ko talaga nun e lumabas ang iba pang mga anak hehe. Siguro sa golden wedding pa yun.

Ano pa nga ba nangyari nun?
********************************
Naalala pagkatapos ng post

- NagVIOLENCE nga pala si Ia nun, habang kumakanta si Helen Salonga. Si J.L. taga-hawak ng mike. It was a family affair.

4 comments:

Anonymous said...

Ok IDO salamat sa greetins & memory mo tungkol sa wedding ko ,
March 6 , 1982 wedding ani. ko sa san Gabriel church , d ko talaga makakalimutan 25th ani. dito sa northwind lahat yata ng pb umatend.
ok ang hosting mo ,d ko alam na may topak ka non .

salamat uli

Darwin's Theory said...

ay di nga pala topak tawag. lobat lang. di maganda iyong simula, pero ok naman nung na-recharge.

hanggang sa 2032!

Anonymous said...

sure ka? sobrang ganda damit ko? baka hindi ako yun, or kabaligtaran? hehe

Anonymous said...

maganda damit mo naman ate edith. nalimutan mo na ba? di ba natagalan ka pa nga bumaba sa kotse =)