OK. Maghanda na para sa Outing.
1) malalaman ang tamang SPF ng Sunblock
Syempre depende sa skin type at kung meron kang allergy. Pero generally ito ang formula: Kung nagkaka-sunburn ka sa loob ng 10 minuto tapos gumamit ka ng SPF10, protected ka na sa loob ng 100 minutes.
E di mag-SPF 60 na? Sa ibang bansa nga tulad ng Australia bawal ang lagpas ng SPF 30, kasi nga iisipin ng mga tao na all-day protection na. Wala pang katibayan ito kasi. So, dapat madalas mag-apply ng sunblock lalo na kung nag-swi-swimming.
2) mag-TEXAS HOLD EM?
Madali lang namang aralin ito. Syempre dapat marunong ka muna mag-poker. Medyo mahaba lang ang rules, pero madaling intindihin. Punta kayo dito, meron pang video instructions.
http://www.wikihow.com/Play-Texas-Hold
3) Tumaas ang score sa Videoke
Kelangan nating tanggapin na makina yan, at di naman nya alam ang talagang magandang kanta sa pangit. At di rin niya nakikita ang choreography!
- MALAKAS: e ang tenga ng Videooke ay ang microphone. So pagnilalayo mo ang mike, e paano nya maririnig. Wala siyang paki sa malakas at mahina. Machine sya di ba! haha
- MASUNURIN: kung ano ang naka-ilaw iyon ang kantahin. Mabagal man o mabilis, asa tono man o hindi. Kelangang sundan.
- TUMAHIMIK: pag walang naka-ilaw na words, huwag kumanta! na-mi-minusan ka nyan. Kaya pag nagsimula na ang kanta tapos nagsabi ka ng "ang kantang ito ay para sa inyong lahat", patay may minus ka na di ka pa nag-sisimula.
No comments:
Post a Comment