Monday, March 9, 2009

Commercial Muna

Kapamilya man kayo o Kapuso, sigurado kong halos kalahati ng pinapanood ninyo ay commercial. Ang 1-hour show actually ay 40 minutes lang. Na-issue nga dati ang GMA na halos kalahati ng show ay commercials.

So analyze nga natin ang mga commercials between 9-10pm ngayong Lunes.

Ceelin Vitamins
Iba iyong approach nila para mapakain ang bata - iyong paglalagay ng drawing sa lamesa. Innovative at bago. Pero sobrang drama naman nung huli - 'nagawa ko na ang best ko'. Exag, e vitamins lang iyon ano! Rating: 85%

Tide - Isa Higit sa Dalawa
1 > 2. Malaking kasinungalingan! At talagang walang kakuwenta-kuwenta ang commercial na ito. Maski na nga iyong jingle nila corny: "di puwede ang isa, higit sa dalawa". Sabi nga ni Lolipot, kalokohan! Rating: 20%.

Garnier - KC Take Care
Maliban sa sobrang ganda ni KC Concepcion, e ang corny ng commercial na ito. Talaga bang ma-me-measure mo ang kulay ng balat mo based on comparison? Tapos, maniwala ba kayong pumuti si KC dahil sa Garnier. Saka di kaya rhyme ang 'Take Care' sa 'Garnier'! Rating: 35%

Mc Donalds - Huling El Bimbo
Puwede talagang maganda at romantic ang commercial maski hindi happy ending. Maganda ang pag-edit ng tugtog, OK din ang acting. Commercial na maalala mo at gustong subukan. Masarap ba talaga ang french fries with chocolate sundae? Rating: 94%

Close-Up Closer I get
Medyo OA lang si Gerald Anderson. Nakalimutan nya atang commercial lang ito at hindi Tayong Dalawa. Pero astig kasi ang kanta ng Sponge Cola, at INFERNESS maganda si Kim Chiu dito. Believable, at parang gusto mong mag-toothbrush kung ma-ki-kiss mo si Kim Chiu. Rating: 89%.

Lucky Me - 20 Years of You & Me
Eto yung merong mga numbers na lumalabas - bilang ng mga kumain ng Lucky Me sa loob ng 20 years. Galing kasi ng lyrics ng kanta e, tapos may tribute pa sa mga employees at sa OFWs. Tapos madami pang Pinoy values - pamilya, sakripisyo, pagsasama-sama, pagmano. So really good commercial. Rating: 96%

Sting Energy Drink - Superpower
May youth appeal dahil nga pangbarkada at merong superpowers. Mabillis ang pacing at hindi boring. Pero di ko sure ang mga values ng commercial, saka di ko rin sure kung OK ba talagang inumin ng kabataan ang Sting, parang masama ata yun. Pero commercial lang ang hinuhusgahan natin hindi kung healthy ang produkto o hindi, dahil di ko naman sure. Rating: 89%


Agree or Disagree? Kayo, ano ang favorite ninyong current commercials?

1 comment:

Anonymous said...

Napanood nyo n b ung bagong commercial ng chowking halo-halo? WOW!!! Matatakam k s sarap parang totoo