Friday, January 7, 2011

Text at Facebook Adik

Official na.  Ang value ng Facebook ay tinatayang $50Billion.  Ang gumagawa ng eroplano na Boeing ay mayroon ding ganyang value.  Ang tindi ano po, e wala namang produktong tangible ang Facebook kasing mahal ng gumagawa ng eroplano.

Nag-report ang SMART at Globe na 15-22% bumaba ang bilang ng mga texters na bumati sa text nung Christmas at New Year.  Bago ito ano.  Pero ang totoo dito, bumaba ang bilang nag-te-text pero 50% increase naman ang bumati via Facebook.  At ganitong increase din ang tinaas ng mga gumagamit ng telepono (imbes na PC) para mag-Facebook.  So kita pa rin sila.

1 comment:

Evot said...

Isa ako sa 15% na nabawas sa smart/globe na hindi ngtext nung xmas...hehe
Napanood mo na tito ido yung social network na movie? Story pla yun kung pano nagsimula yung FB...