Friday, January 21, 2011

Wala ng Bago

Eto ang suot ko ngayon sa office...Lacoste t-shirt gift from Ma and Rubber Shoes na New Balance Gift from Che.  Parehas nice ano?  At matching colors pa?  hehehe.



Ang maganda rito:  Umabot ng January 21, bago ko naisuot lahat ng gifts kong natanggap nung December.  Imagine 21 days hehehe.  Which only means, ang dami kong gifts - so maraming salamat!  First day of work pa lang kasi sinuot ko na ang astig kong Pilot-style Barong (from A), At nung New Years nga mismo suot ko na ang poging t-shirt (from B), with matching shorts (from J and V).  Pinang-swimming ko naman ang bago kong Maui & Sons boardshorts (galing kay A). 2 weeks ago, suot ko naman ang mabangis na Ferrari polo galing kay Maridol (isuot ko nga sa Sunday para makita nyo haha).  And last Friday naman suot ko ang aking suaveng-suaveng polo from M&S (from E).

Ang malungkot:  wala na kong bago next week =).  Maghihintay na naman ako ng December.  Nakakatamad namang pumasok.  Puwede nyong gawan ng paraan =)

1 comment:

che said...

nice araw araw nakabago!

huy kuya ang layo pa ng birthday mo para magparinig!