Wednesday, January 26, 2011

Basurahan

Sa Greenbelt at Glorietta tinanggal na nila ang mga Basurahan sa labas.  Very interesting pag nagtanong ka sa guwardiya kung saan puwede itapon ang basura - sa CR daw sa loob ng mall.  Security measure daw kasi - maiwasan ang posibleng mag-iwan ng bomba sa labas ng mall.  Otherwise kasi, meron ng guwardiyang mag-inspect sa loob ng mall. 

May kinalaman siguro ito sa bus na sumabog kahapon.  Kaya very tight ang security sa mga malls.   Kaninang lunch kasi wala pang umaamin kung sino nagpasabog ng bus.  Remember, 5 years ago nangyari narin ang ganito (Golden Hi-Way Transit Bus sa may Balintawak), pero inamin kaagad ng Al Qaeda - Pinoy group ang may kagagawan.  Ngayon, wala pa.  Baka mamaya sa balita aminin na.

Sino may kagagawan sa palagay niyo?  NPA?  Terrorist groups?  Carnapping group? 

1 comment:

Evot said...

I think, al qaeda ang ngbomba nung bus sa makati...