Nung last PB Poll - pinaka-gusto ng PB ang pag-travel, kung may extrang pera. Kesa bumili ng gadgets o appliance. Wow! Bago ito.
Ang PB e pamilya ng mga layas. Lalo na ngayon. Puwedeng, naging-OFW, na-a-assign, nag-migrate, nag-aral, nagbakasali o nagbakasyon. Meron tayong lahat nyan! Interestingly, nagpupunta rin ang mga PB sa mga di pangkaraniwang mga bansa. Iyong mga bansang, malamang sila lang pupunta sa buong PB...
1) Si Sister Vicky, madre na nga e nag-a-abroad pa. Paano ka nyan? Nagpunta sya sa Rome, Italy at sa Vatican City ng dalawang beses. Nagpunta rin siya sa Indonesia.
2) Si Lola Maam naman ang ating Senior Citizen na jetsetter. Naka-3 beses daw siyang mag-Singapore last year. Nakailang beses na rin siya sa Malaysia. at Macau. Malamang siya pa rin ang kaisa-isang PB na nakapunta sa Brunei.
3) Si Tita Edith naman has been to Bermuda. At marami pang iba - HongKong, Singapore, UK to name a few.
4) Si Tito Par madalas sa Vietnam. At nagpunta rin siya ng China last year. At syempre nakarating na siya sa US, nagkita nga kami e =).
5) For sure si Tito Boyet, ang merong pinakaraming di-pangkaraniwang bansang napuntahan. Alam ko galing na siya sa Egypt (bakit?...secret hahaha). Nakapunta na rin siya sa Bahamas (di ba nga) at sa Ireland nga last year.
6) Si Tita Che-Che naman ang pinadala ng Pilipinas para women's congress sa Iran. Syempre tumira rin siya sa Netherlands dati. At nung December lang, nagpunta naman siya ng Cambodia.
7) Si Tito Ido naman tumira ng Europe at South America. So nakapunta na sya sa mga mahihirap i-pronounce na lugar Czech Republic, Lichtenstein, Luxembourg
8) Tita Vangie, alam naman natin na tumira at nagtrabaho sa Bangladesh.
9) Si Tito Jim e nagtrabaho sa Bahrain.
So, tignan nga natin ang mga bansa from A-Z. At alamin kung ano pa ang bakante para sa PB:
A - Australia (Tita Che-Che)
B - Bangladesh (Tita Vangie)
C - China (Tita Ayo, Lola Maam, Tito Par, Tita Che-Che, HK, China - Tito Egay, Tita Dang, Meg, Gab, Miguel, Lola Nanay, Tita Bhogs, Tita Edith)
D - Dominican Republic (Tito Ido)
E - Egypt (Tito Boyet)
F - France (Tita Che-Che, Tito Ido)
G - Germany (Evot)
H - Honduras (Tito Ido)
I - Indonesia (Sr. Vicky)
J - Japan (Ia, Tito Jorge, Tita Helen, TIta Eyan)
K - Kuwait (Lolo Dad)
L - Luxembourg (Tito Ido)
M - Malaysia (Lola Maam, Tita Che-Che, Tito Par)
N - Netherlands (Tita Che-Che, Tito Ido)
O - Eto ata wala pang nakakapunta. Sino po nakapunta ng Oman?
P - Paraguay (TIto Ido)
Q - Qatar (Tito Ido, Tito Jim, ikaw din?)
R - Russia (Tito Ido)
S - Singapore (Tita Petite, Tito One, Tita Edith, Karen, Camae, Kathleen, Tita Che-Che, Tita Ate, Lola Maam)
T - Thailand (Tito Jorge, Tita Helen, Ia)
U - United Kingdom (Tita Edith, Tito Ido)
V - Vietnam (Tito Par)
W,X,Y,Z - eto po ang open para sa PB 3G at 4G, sana kayo mauna. Sobrang konti lang kasi ang bansa dito. At sa X, well wala pa nga sa ngayon, malay natin. Ang mga pag-asang bansa ay: Western Sahara, Yemen, Zambia at Zimbabwe. Yan lang pong apat sa ngayon.
O di ba. matindi talaga ang PB nalibot na ang mundo from A-V. =). Kulang na lang tayo sa O, V, W, Y at Z. Sana may mapunta sa Zambia at Zimbabwe.
No comments:
Post a Comment