Thursday, March 24, 2011

Hero Royal Rumble

Dinner namin kanina, kasama ang mga cliente (CIO at CFO ng malaking kumpanya).  Since naka-inom, isa sa topic namin ay SuperHeroes haha.

Ang tanong:  Pag nag-Royal Rumble ang mga Superheroes.  Eto iyong ilalagay silang lahat sa isang caged ring, tapos maglalaban-laban.  Sino ang mananalo?

Superman?  kaso ang dali namang magdala ng Krytonite belt sa ring, e di tulog na agad siya.

Batman?  Puwede, ang dami niyang gadgets e.

Flash?  Puwede rin, dadaanin sa bilis.

Wonder Woman?  Puwede rin

Sigurado kaming di mananalo ay si Aquaman =(.  Lagi kasi siyang huli sa eksena at di naman makakapasok ang mga isda sa ring.

Si Captain Barbell?  medyo malabo, baka si Darna pa.

Tingin nyo?

No comments: