2 and a half weeks bago ang 50th Bday Party ni Tito Jim nagmeeting ang PB 2G para sa aming presentation. Naka-schedule akong umalis para sa US ng July 6, so wala ng talagang schedule kundi ang Jun 30 - araw ng inauguration ni P-Noy.
Ayokong pangit ang presentation ng 2G, so nagtawag ako nung Lunes, Jun 28 para sa meeting. Ang surprising dito, lahat puwede at lahat ay nakapunta. Nag-lunch kami sa Mesa Grill sa Greenbelt 5. Ang call-time namin ay 12noon. Dumating ako ng 11:40, aba 3rd place na ko. Even Tito Jorge was already there =)
Andun kami lahat: Tita Ate, Tito Par, Tita Edith, Tita Yet, Tito Jorge, Tito Ayo, Tito Ido, and Tito One. Si TIto Egay, di nakipag-lunch sa kliyente niya sa Malabon para humabol sa amin. Inorder namin lahat ng masarap: Crispy Hito, Crispy Lechon 2-ways, Pato-tim at Dilis-Rice. Ay umorder din pala kami ng Lumpia. Lahat, water lang ang ininom =).
Sanay ata kaming lahat na nag-mee-meeting habang nag-lu-lunch. So actually, bago pa dumating ang 2nd way ng lechon, tapos na ang concept. Sobrang ganda talaga ng concept ng presentation ng 2G - pero di po sa akin galing ang Pinoy Rock na idea. Di ko na maalala kung kanino, malamang kay Tito Jorge. Pag may brainstorming meeting kasi, laging prepared si Tito Jorge (FYI. sa kanya rin galing ang Dance Evolution idea). So bago pa man kami matapos for lunch at go to Cofee Bean and Tea Leaf for coffee and desserts, buo na ang structure ng presentation namin =).
Di pa ko nakakapag-brainstorming meeting with PB 3G or 1G, so di ko alam. Pero sobrang OK maki-meeting with PB 2G kasi alam mong may ma-a-accomplish sa meeting. At ang bilis. Buti na lang ata at sobrang iba-iba kami lahat - so meron kaming dalang ibang "gift". Parang merong unwritten role sa bawat-isa.
TITO JORGE: factory ng mga ideas. laging creative. laging parang bago.
TITO IDO: idea processor. Iisipin niya kung paano i-e-execute ang idea at kung ano ang issues at risks.
TITO PAR: would always do the practically check. Kaya ba yan in 2 weeks? Exag ba yan, OK ba yan?
TITA EDITH: decisiveness. Sya mag-lo-lock ng concept. "Yan na yon!". Para maka-focus.
TITA ATE: validation. "Par, puwede ka mag Freddie Aguilar". maganda yan, parang di maganda yan.
TITO AYO: run scenarios. Magtatanong ng "paano kung"
TITO ONE: audience advocate. Sye magsasabi kung magugustuhan ba ng audience(PB) ang gagawin
TITA YET: people-person. sya makakaisip ng mga nakalimutan namin. sya rin mag-no-notes.
TITO EGAY: quality-audit. Parang devil's advocate. Would it work? What won't work.
Di lahat kami kasing galing si Tita Edith o Tita Eyan mag-perform. Pero that's OK. Ang importante ata e you bring something to the table. Ano ang cino-contribute mo? At ano ang cino-contribute mo na unique sa iba? that's the bottomline.
So minsan, maski lunch meeting lang, malaki pala ang matututunan mo.
1 comment:
wow!!!
kami kaya mga 3G, ano ang mga unique na mga katangian namin....hmmmm...
Post a Comment