Monday, July 18, 2011

Expectations - Ang mga resulta

Last week , cinompute natin ang expectations tungkol sa bday party ni Tita Yet.  Ngayong tapos na ang party, tignan nga natin kung tumama.

1)  Attendance
- Wish ni Tita Yet na 100% ng PB ang mga makapunta.  Kaso never naman talaga tayong nakukumpleto
- Cinompute natin na 96% ang attendance.  Ang lumabas, 94% ang attendance.  Malapit na rin pala. 
- Bale 4 po ang di nakapunta.  Dahil sa trabaho iyong 2.  Iyong 2 naman e...paano ba sabihin... sulatan niyo na lang ako kung gusto niyong malaman kung bakit hehehe.  Para naman kayong bago, pag di kayo pumunta ng PB gathering, e di siyempre papag-usapan kayo!  hahaha

2) Gift na iPad
-  Tumpak 0% talaga, walang nagbigay ng iPad. Sabagay di naman niya wishlist yon, example lang.

3) Gift na Blouse
- Tumpak ulit, 100% chance na may gift na blouse.  At meron nga lagpas pa sa isa.

Sabi ni Tita Yet kagabi, 6 daw sa wish list nga ang natupad.  Sayang di natin cinompute ito last week .  Sabi rin ni Tita Yet, 7 raw ang nagbigay ng wish list #1 nya.  Wow!  Naalala nyo ang wish list #1 nya?  =).  Eto po ang cash!  So congrats Tita Yet, 7x palang natupad ang una mong wish.  Kaso since brinodcast mo, baka nawalang gana ng magbigay ng iba ng wish #1 mo hehehe. 

Bukod kasi sa Cash gifts, meron din siyang natanggap na Watch, Gift Certificates, Blouse nga, Desk Top nga galing sa California, iPod galing kay Tita Che-Che from Singapore.  Meron din siyang towel, at marami pang gifts.  Paano namin nalaman?  Aba siyempre nagrequest pa siyang buksan ang mga regalo niya after the party dun sa venue!  hahaha.

7 din ang nagbigay sa kanya ng wish #9.  Eto yung mga nag-magic.

At 41 nga na PB ang nagpaunlak ng wish #10 niya.  Kasama pa ang mga 20 na friends, and neighbors na guests din niya. 

Since ang una nyang binuksang gift ay, 8 sa 10 wishlist niya ay natupad.  Very nice for Tita Yet.  Pero tama lang na hindi matupad lahat ng wishes mo, kasi iyong mga wishes na lahat natutupad alam mo na ang nangyayari - kunukuryente sa upuan!

No comments: