Friday, July 22, 2011

Singapore Trip Updates July 22

Tita Bhogs, naka-book ka ng flight sa PAL?  Oo nga pala sa mga airport sa Pilipinas, kelangan mong kasama ang may ari ng credit card na ginamit ng pang-book ng flight.  Nangyari na sa amin dati kasi iyan nila Che-Che.
******

Napakahirap namang magbook ng hotel.  Hanggang ngayon wala pa rin tayong hotel.   Asa baba ang mga presyo ng mga hotels based sa naka-post sa Internet.  Ginamit ko rin ang Agoda para sa iba.  PInakita ko lang ang range ng prices ng mga hotel na 1 Star hanggang 5 Stars.  Quality of Service, Itsura ng room, location kasama lahat iyan sa mga Stars.

Location wise - syempre the best ang Marina Bay.  Pero OK din ang YMCA, kasi asa Orchard na, so puwedeng lakarin na lang papuntang City proper.

Price wise - syempre pinaka OK ang Hotel 81 sa Geylang.  Kasi puwede 4 in a room.

Itsura ng hotel - I guess sundan natin ang star ratings. 

Let me know kung alin dito ang ipapa-book natin, dahil ang hirap mamili.  Di pa kasi ako nakakapunta sa lahat ng ito so di ko sure kung OK o hindi.

Tingin ko kelangan na natin mag-book next week, baka maubusan ng kuwarto. 

Salamat!



3 comments:

Tita tetes said...

Hi Tito Ido, nag check ako ng website ng YMCA...mukha namang ok ito. Meron pa silang promo for Aug sa lahat room rate nila. Ung family suite, choice of 3 or 4 person in a room at S$183.50/ night na dati s$216.00/ night. Ung dormitory type kasi parang ok din...pwede din 4 (2 double decker) kaya lang di ko nakita ung rate nito. At sabi nyo walking distance din ito from the city, d ba?

Darwin's Theory said...

yes tita tetes mukha ngang OK ang YMCA. kaso ang mahirap sa website nila e malaman kung aling rooms ang available.

Che, favor patawagan naman ang YMCA kung merong available na family room (sabi ni Petite wala na raw dorm rooms e). kung meron yan lalabas na pinakamura at OK na location. thanks

che said...

Tumawag nako. Fully booked na ang family rooms, pati dorm rooms. 1 night na lang ang meron. Pero available pa ang superior rooms.

Shall I book 6 rooms? Now na? at baka ma fully booked na naman