Wednesday, July 6, 2011

Lamay

Tuwing may lamay sa ganap na 7pm, magsisimula ng magpakain.  Pag tungtong ng 8pm naman merong misa.  Tatagal ito ng 45 minutes.   Pag 10pm na magsisimula ng magbigay ng kape at biskuwit o kaya naman siomai (kung sosyal) at puto.  Medyo predictable ano?

Paanong lamay ang gusto ninyo para sa inyo?   Kung ako tatanungin:

#1)  Wala sigurong misa dun sa lugar ng lamay.   Meron namang simbahan, mag-schedule na lang dun.  Yung mga gustong magsimba, e magsimba.  So sana walang misa dun sa lamay mismo.

#2)  Instead of mass, parang gusto ko ng joke joke joke portion.  Wala na lang eulogy, baka kung ano pa sabihin ng mga tao.  Sana lahat ng PB mag-joke - para masaya, pati mga bisita.  Pag walang joke, wag ng pakainin ng siomai  hehehe

#3) OK ang coffee, pero sana walang biscuit.  Tasty with peanut butter, masarap yun.  Pero sana walang mag-serve ng kanin - ang jologs naman kung may ulam pa sa lamay.

#4)  Cremation  na lang para good for the environment.

#5)  Sana 3 days/nights lang ang lamay baka maubusan kayo ng joke e.

#6)  OK lang ang bulaklak, magandang tignan.  Huwag na kayong mag-mass card ha, bili nyo na lang ng bulaklak.  Or bigay nyo na lang ang pera kay Ma.

#7)  Puwede ba kayong maglagay ng scented oils.  Para siguro di mag-amoy patay ang lugar.  Pag scented candles naman, amoy usok.  Ang arte ano ba ito!

#8) So sana masaya ang lugar ha, OK ang magtawanan basta wag magbulahaw ng iba.  Pero please lang, huwag naman kayong mag-videoke.   Baka may kumanta pa ng Alive, Alive.

#9)  Sugal?  OK lang.  Kaso kung sa sosyal na lugar, bawal talaga sugal dun.  Bawal din ang inom.  So malamang wala. 

Iyon lang.   Sabagay, kung patay ka na, di mo na malalaman kung ginawa ba nila sa iyo ito o hindi.   So actually wala ka namang magagawa...kundi mag-wish.  =)

No comments: