Wednesday, July 20, 2011

Party Ideas and Party Theme

Tulungan natin ang mga nagplalano ng Family parties na naghahanap sa internet.  Sa dinami-dami ng parties at themes natin sa PB, siguradong meron silang makukuhang mga party theme ideas. 

Sana makatulong tayo dun sa mga nag-pla-plano at nag-iisip ng Birthday Party theme, Christmas Party ideas maski na ang Debut Theme.


FAMILY PARTY THEMES

2011 Circus Party
- Pang-birthday.  Puwedeng merong manghuhula, animal performers, doble-kara, mermaids, shokoys.  Sige na nga lagyan na rin ng magicians kung gusto.

2010 Ganito Kami Noon - PB Christmas Ngayon

- Medyo historical party theme.  Bawat grupo ay a-assignan ng theme sa apat na Panahon sa kasaysayan ng Pilipinas:  Panahon ng Katutubo, Kastila, Hapon, Americano.  Costumes at presentations ng bawat grupo ay tungkol dun.

2010 Religious and Spiritual
- Pang-birthday.  Bale ang mga presentations ay inspirational at spiritual.  Bawal ang mga malalaswang kasuotan at presentation. 

2010 Hawaiian Luau Debut Party
- Eto ang OK para sa mga naghahanap ng theme sa kanilang 18th Bday Party.  Imbes na cotilion, e Hawaiian Hula dance.  Ang mga activities at presentations ay may kinalaman sa Hawaiian - limbo rock, hawaiian fashion show.  Imbes na 18 roses, 18 leis.  At imbes na 18 candles 18 na sulo.

2010 Rock Party
- Rock Costumes Rock Music at Rock presentations.  Puwedeng gumawa ng presentations tungkol sa Pinoy Rock featuring Freddie Aguilar, Sampaguita, the Dawn, Hagibis, Aegis.  Puwede ring School of Rock para sa mga bata. 

2010 Masquerade Party
- 18th Bday Masquerade Party Debut.  Lahat ay magdadala ng masks at ang presentations ay may kinalaman sa isang maquerade ball, kasama na ang mga damit na pang-ball syempre.

2009  Ice Cream Party
- Don't underestimate the Ice Cream Party.  Lahat ng games at activities ay may kinalaman sa Ice Cream.  Put the Cherry on the Ice Cream, Ice Cream eating contest, Guess the Ice Cream flavor contest etc.

2008  60's Beatles Party
- Syempre ang costumes ay pang-60's o pang-Beatles.  Puwedeng merong videoke ng mga Beatles Songs.  At presentations na pang-60's.

2007 MTV
- Gagawa ng Music Television Videos (MTV) at ipapalabas habang awards show

2006 Filmfest
- Gagawa ng 10-minutong pelikula at ipapalabas sa isang awards show

2005 Cowboy
- Cowboy at Indian costumes, samahan pa ng mga games at activities na pang-Cowboy.  Puwedeng Kawawang Kawboy song interpretation, Milk drinking contest at iba pa.

2005 Cartoon Characters and Animal Party
- Pang-7th bday o chidren's party.  Ang mga guests ay iimbitahang magcostume.  Puwedeng PowerPuff, Hello Kitty, Flintstones, Tinkerbell.  Puwede ring magicians o kaya animals.  Magbigay ng Trip to Boracay para siguradong magaganda ang costumes.

2004 Relax (na hindi)
- Amazing Race style contest.  So maganda ito with outdoor activities.

2003 JokeJokeJoke
- Magtatanghal ang bawat grupo ng Comedy gag show presentation.

2002 Retro
- Magpre-present ang bawat grupo ng sayaw o kanta na pang-70's o 80's.  Puwedeng Rock the Boat, Stayin Alive, Material GIrl, Goldfinger etc.

2001 MTB
- Game show party.  Maglalaro ng popular na mga games sa mga pangkasalukuyang games shows.  Tapos puwede ring ang monito-monita portion ay mga celebrities ang code name, at gagayahin ito ng mga participants.

2000 Millenium
- Futuristic at robotic presentations ang ipapalabas ng bawat grupo

1999 Enchanted
- Parang Enchanted Kingdom.  Kaya importante ang mga perya at magic shows

1997 Ballroom
- I-di-divide ang lahat into groups of 4 people tapos magsasayaw ng cha-cha, tango, foxstrut etc.

1996 Sitcom
- Gagayahin ng bawat grupo ang mga sitcom na palabas sa TV.  Nung panahong iyon:  Oki Doki Doc, Ober Da Bakod, Palibhasa Lalaki.  Puwedeng ibagay sa mga palabas ngayon.

1995 Kanta at Sayaw
- Sa Kris Kringle, bubunot ng kanta ang mga lalaki at sayaw sa mga babae.  Tapos bawat monito-minita combination ay mag-pe-perform ng sayaw at kanta.  Bawat isa ay kakanta at sasayaw.

1995 Pinoy Debut

- Bale Filipiniana theme na Debut. Imbes na cotillion, ang entrance e Singkil. Imbes na 18 roses, e 18 Sampaguita.

1994 Pautakan
- Quiz show na pang-grupo.  Pang-matalino ito.  Puwedeng gawing parang -Jeopardy o 25k$ pyramid.  Puwede ring parang pang-Quiz Bee.

1993 Disney
- Aassignan ng Disney movie ang bawat isang grupo na live naman nilang i-pe-perform.  Nung 1993, ang mga movies ay Little Mermaid, Aladdin, Pocahontas, Beauty and the Beast.  So dapat ng baguhin para sa bagong panahon. 

1992 Sportsfest
- Sportsfest kasama na ang mga larong Pinoy na kinalakihan na (shato, patintero etc.)

1990 Mukharaan
- Costume party pero Mukha lang.  Example:  witch (pero mukha lang).  Puwede ring mukhang tanga. hehe

1990 Family Presentation
- Bawat pamilya ay magtatanghal ng presentation na pinaghandaan nila

1988 Maskarahan
- Costume Party.  Pero papabunutin ang bawat isa kung ano ang magiging costume nila.  Eto na rin ang magiging monito-monita.

1 comment:

jim said...

jedi or futuristic theme !