Thursday, February 4, 2010

Room for Rent - PB Boarders

Kamukha nung kapit-bahay sa Binan si Auntie-Boy, iyong Tiyahin ni Manang Edna.  Naaalala nyo pa.  So sabi nga namin ni Ayo, di na nakakabisita sila Manang Edna, layo kasi ng Ilocos.  Pero siguro may edad na talaga siya ngayon ano?   Kasi nung maliit pa kami, e Manang Edna na siya.

Ang mga PB boarders ng Santan ay kasama na sa kasaysayan ng PB.  Ang mga 2G lumaki na nga na kasama sila.  At since mababait ang PB (most of us), e talagang sobrang close ang pakikitungo natin sa kanila na halos kasama na sa pamilya ang turing.  Tignan natin...

PB Boarders of History
1) MANG TOTOY, ALENG MAMENG and FAMILY
- Around 20 years na natin silang kasama - grabe ano!  Nung ang PB Christmas ay nasa compound kasama nga natin sila sa Party. 
- Ang tsismis na nasagap ko nung Sunday, malapit na raw silang lumipat sa sariling bahay nila.  Very good. Maski di na natin sila makakasama soon, e really good for them naman.

2) ATE MILA, EDWIN, FE and Friends
- Mahirap makalimutan ang mga ito, dahil sila ata ang nagpa-uso ng Bingo sa PB.  Dun nga kami unang na-exposed sa sugal hahaha

3) LI Family
- Naalala nyo sila?  Ang baby nun ay si Chi-Leng. Ka-edad ni Che-Che, naku ang tanda na siguro nun ngayon

4) MANG ROMY and FAMILY
- Siya yung chef sa Manila Hotel ata yun, basta sosyal na restaurant.  Naaalala ko siya dahil nag-uuwi siya ng pagkain galing sa hotel minsan

5) FLORIDABLANCA FAMILY
- DI yan ang apelyido nila, pero taga-diyan sila sa Pampanga.  Nalimutan ko na ang pangalan nila.  Naaalala ninyo?

6) DANTE TUYAY
- Musta na kaya si Kuya Dante?  FOr sure wala na talaga siyang buhok ngayon ano.  Parang ang tagal niyang tumira sa compound - dahil Engineering ang course niya.  Huli kong dinig asa airport sya nag-work.  Alam nyo?

7) MANANG EDNA, AUNTIE BOY & VILMA
- Isa sa pinakamabait na boarders ng PB. 

8)  AMADING BOTICTIC AND WIFE
- ano nga asawa ng asawa ni Kuya Amading?

Sino pa nga ba ang mga boarders ng PB na naaalala ninyo?

20 comments:

kevin said...

tito ido sila ate susan at ate winnie ata un...

ung nkatira dati kila papang tpos lumipat sila dun sa place ng comp shop ni tito ayo before..

jim said...

ate vangie na boarders ni nanay (kaka) , asawa ngayon ni tito jim , na mama ni jay,evot & joshua , lola ni andrei at ashlie

Dante T. said...

vetmed ang kurso ko tito ido! Di ako work sa airport....pero
Yung ulo ko parang airport na nga!

che said...

May naaalala ako na border na batang cute sa picture namin nung bata pa... 'Mayang' ba ang pangalan nya?

Si Ate Mila kasama din nila si Nora, if I remember correctly...

Nakalimutan mo din yung namatay recently na lalaki na may asawa at anak na nakatira dun sa old place nila Manang Edna (na nakapang-asawa na rin yung girl a few months after). Gosh naaalala ko ang face nila but di ko talaga maalala name.

ido said...

sino nga ba yung crush ni ayo? si nina rico ba un che?

ido said...

grabe nag-a-access pala ng PB Blog si Kuya Dante. At tito pa tawag sa akin. mwa hahaha. Hello Kuya Dante!

kevin said...

sila kuya fermin din po

Anonymous said...

sino nga si fermin, kevs?

ido said...

che, ang sinasabi mo daw ba ay si Mading and Sol? Or sila Chit(yung nanay ni Krizzia)?
tanong ni ayo.

Ang asawa daw ni Chit ay si Raul.

lola maam said...

sino ang may kakilala kay Manuel Gonzalez? At kay Dorinda?

Boyet said...

parang naalala ko ang pangalan na Manuel Gonzalez,,,nakasalamin siya ng makapal d b lola maam? at si Dorinda naman ay kung di ako nagkakamali ay may 2 kapatid n lalaki at ang apelyido nila ay Azaz na province nila ay Quezon? Nanding ata ang name ng isa s kanila.

Anonymous said...

si nina crush ba ni ayo un? anak un nung nag aalaga kay chi leng.

che said...

Ah right sila chit n raul at krizia nga! Sino yung Mading and Sol? haha di pa yata ako buhay nun!

Di ko na maalala yung nina rico...parang boldstar ang pangalan ah...akala ko kasi ang crush ni ayo si Ate Nora, yung may nunal sa mukha na maganda nakatira kila ate mila

lola maam said...

korek ka boyet kay manuel gonzales n taga masbate d longest staying boarder ni ditse tinapos nya vet med ng 10 yrs yata!

pero mali ka yata kay dorinda at nanding d yata azas apelyido nila kc meron erlinda azas may bill p nga ng meralco hangga ngayon hehe..

ayo said...

haha, naalala ko name na Nina pero di ko na maalala mukha nya. maganda siguro yun!

kuya ang apelyido ni kuya Amading eh Varon hindi Butiktik, si kuya Enteng Butiktik yun. mga players ng Pamusoy yan kaya hindi ko malilimutan.

Si Mayang yung cute na kalaro natin na ang laki ng mata, pero maganda hehe. di ko maalala yung kuya nya.

tetes said...

Ido, may naaalala pa akong naging border namin...si manang charit na taga masbate. Ung may boyfriend na medyo may edad kesa sa kanya. Parang kasabay nya si Mayette nanaging muntik na girlfriend ni...Secret!!! Kasi ni di din ako sigurado...hmmmm???? Si Amy pala, kasamahan ni Vangie d b?

kevin said...

sila kuya fermin po yung nakatira dito sa kinakatayuan ng bahay namin ngayon...

kasama niya sila kuya ben yung magaling sa 3 points

secret said...

tetes si chat ba yon si charit na taga masbate , once ko lang naidate yon , kumain lang kami sa labas yon lang ...

tetes said...

OO, sya na nga un...he!he!he! Wala talagang nangyari, kasi kung natuloy, part ng PB ngayon, d b?1?

ido said...

si ate chato! she is pretty na tisay. tama ba?