Wala masyado posts this week. Meron kasi akong 3 kliyente this week. Galing sa US ang 2 at sa Europe naman ang isa. Sobrang importante ng 1 kliyente. Gumagawa kasi sila ng software, sikat na software at malamang kilala nyo sila. Gusto ko kasing mangyari na tuwing may ibebenta sila sa ibang kliyente diretso na ibigay sa Manila ang trabaho.
Ang deal na ito ay nagkakahalaga ng ~400 Million US Dollars sa loob ng isang taon. Isa na ito sa pinakamalaking deal na nahawakan ko. Kahapon, pumirma na sila! Yehey! Sayang wala kaming komisyon sa kumpanya. Imagine nyo kung sakaling 10% nun ang commission ko mwa hahaha. Pero OK na rin, at least mabibigyan ng trabaho ang 200+ na mga Pilipino sa loob ng isang taon.
Iyong isang kliyente naman ay para sa isang gumagawa ng mga Cellphones, for sure kilala nyo rin. Gusto ko naman dito e gumawa ng system para sa kanila na lalaban sa iTunes. Sobrang hirap nito, at sobrang hirap mapanalunan nito. Tingin ko tatagal ng isang taon ang bentahan nito. Pero ang hula ko mga 1Billion$ ang halaga nito pag nagkataon - 6 na bansa ang gagawa ng system nila at syempre pinakamarami sa Pilipinas.
Ang huli kong kliyente ang pinakamabait, at pinaka-simple. Ito nga ang paborito ko. Para silang Pilipino, maski galing sila sa Europe. Sayang nga lang at sila rin ang pinakamura - kulang 1Million Dollar deal kasi ito. Pero OK na rin siyempre - mga 20 Pilipino ang magkakatrabaho.
1 comment:
Wow, daming pang-RW nyan ah! Wooo hoooo!
Post a Comment