Tuesday, February 9, 2010

Campaign Period

Haaaay Salamat.  Simula na pala ng 2010 Election Campaign Period today.  Di naman sa excited mag-traffic dahil sa mga motorcades at mga miting de avance.  Pero at least, mababawasan na ang mga posters sa highway - at higit sa lahat mababawasan na ang Political Ads sa TV.  Yes!

Nakakasawa na ang mga ads nila.  Yung kay Manny Villar na kesyo mahirap mahirap e sa Catholic School siya nag-Elementary!  Yung mga ads ni Noynoy na hindi nawawala ang Sabi nga Nanay ko o Sabi nga ng Tatay Ko, ikaw kaya ano ang sinasabi mo?  Iyong kay Gibo na Lilipad-lilipad, saan ba talaga siya pupunta?  At si Gordon na nag-si-silent night sa February.  Maraming salamat kay Perlas, Acosta at Delos Reyes na walang mga pre-campaign ads.

Dahil Oscar Season naman at tapos na ang Pre-Campaign period.  I-recognize naman natin ang mga Political Ads na matino sa pamamagitan ng PB Pre-Campaign Awards.  And the nominees are...

BEST CHILD PERFORMER
Batang Naligo sa Basura  - (Magtatapos ng Kahirapan) Villar
Batang Nagpasko sa Kalsada - (Magtatapos ng Kahirapan) Villar
Baby James - (Noynoy Rap) Noynoy

BEST SONG FOR CAMPAIGN
Nakaligo ka na ba sa Dagat ng Basura - Manny Villar
Eddie Ako - Eddie Villanueva
Pinoy Noynoy  - Noynoy Aquino
Akala Mo - Manny Villar
Hindi Ka Nag-iisa - Noynoy

BEST ACTOR IN A PRE-CAMPAIGN AD


BEST ACTRESS IN A PRE-CAMPAIGN AD


BEST LINE (NON-MUSICAL)
Di po ako Magnanakaw - Noynoy Aquino

BEST CAMPAIGN AD
Akala Mo - Manny Villar
Di Po Ako Magnanakaw - Noynoy Aquino
Nakaligo ka na ba sa Dagat ng Basura - Manny Villar
Eddie Ako - Eddie Villanueva
Sulong Gibo - Gibo Teodoro

No comments: