Itago natin siya sa pangalang N. Maganda, mabait, matulungin. Mula nung pagkabata, di na niya alam kung sino ang tunay niyang magulang. Lumaki sa ampunan, kasama ng maraming bata. Nung nagdalaga, nakilala niya si C, ang tunay daw niyang ina. Pero hindi naman pala. Ang kanyang tunay na ina pala niyang ina ay si A. Syempre sa huli na nya yun malalaman.
Ito namang si A ay lalaki. Galing sa marangyang pamilya. Nakatira sa malapalasyong bahay. Pero di niya alam kung sino ang tunay niyang ina. Akala niya ay si C. Iyon pala, ang tunay niyang ina ay ang akala niyang ina na babaeng nililigawan niya.
Haaay! Ano ba ang fascination nga mga telenovela sa pagkilala sa Tunay ng Ina??? Mapa-Darna o Last Prince dito umiikot ang kuwento.
Alalahaning ito rin ang kuwento ng Mara Clara (pinagpalit na mga bata sa hospital), Esperanza (di alam ang tunay na ina), Mula sa Puso, at Pangako sa Yo (sa huli lang nalaman kung sino ang tunay na ina).
Di naman ganyan ang mga Koreanovela o Chi-novela. Pero ang mga Pinoy Stories laging ganyan. Tama na!!!!
No comments:
Post a Comment