Tanong: Mag-speech din ba iyong asa 18K?
Sagot: Opo. Mag-speech ang mga asa 18K line-up. Pero since pera ang ibibigay nila, mas maikli ang speech.
Tanong: Kelangan ba mag-English pag nag-Speech?
Sagot: Hindi po. Ang mga nag-e-English lang sa atin ay yung mga gustong magpasikat at kulang sa pansin. hehe. OK na OK ang Tagalog. Actually, OK din ang English. Ang pangit ay Tag-lish, iyong sa isang sentence e merong English and merong Tagalog (katulad nung sentence na yan).
Tanong: OK bang mag-joke sa Speech?
Sagot. Opo, OK yan. Pero sana ang joke ay 1)nakakatawa siyempre at 2) tasteful - ibig sabihin hindi offensive sa iba
Tanong: Kinakabahan ba kayo pag nag-spe-speech?
Sagot: Oo naman.
Tanong: Kung merong isang bagay na dapat tandaan sa pag-speech, ano po iyon?
Sagot: Practice?
Tanong: Paano po ba mag-practice?
Sagot: Todo-todo, parang yung talagang speech mo na. At least 10 beses ulit-ulitin ang speech sa harap ng salamin. Maski magaling ka ng mag-speech, kelangan pa rin mag-practice.
No comments:
Post a Comment